Enjoy reading^^
----------------------------
Chapter 2
Lunch break na namin ngayon at nakatambay na naman kami sa cafeteria. Tapos na din kaming kumain at nagchichikahan na naman kami ni Jamilla. Wala ngayon si Patrick. May practice sa basketball kaya hindi nakasabay. Galit pa din kaya yun sakin? Haha.
"Anja beybs. Look oh. Ang sama ng tingin sayo ni Jasper." Napatingin ako sa itinuturo ni Jamilla at oo nga, ang sama ng tingin sa akin ni Jasper. Problema nun? Parang papatay ng tao. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
"Jamilla, nakatingin pa din ba?" Medyo tumungo nalang ako kasi ayoko ng may tumititig sa akin. Nakakailang kaya.
"Okay na Anja. Umalis na siya. Nung tumungo ka eh bigla nalang siyang tumayo sa kinauupuan niya tapos biglang kumaripas ng takbo."
Anyare dun?
"Umamin ka nga Anja. Anung meron sa inyong dalawa ni Jasper?"
"Wala noh. Sinungitan nga ako nian kanina kaya bakit magkakaron ng something sa amin."
"sinungitan ka niya? Ibig sabihin kinausap ka niya kanina?"
"Ahh oo malamang?"
"Wow. Improvement na yun ha. At least, kinakausap ka na ngayon. Hellooo. January na ngayon teh. Eight months na kayong magkatabi pero ni hindi ka nga yata niya kilala."
"Kilala niya ko. Weirdo nga ang tawag niya sa akin eh."
"Weirdo? Hinayupak na yun! Sa ganda mong yan tinawag kang weirdo? Sasapakin ko yun eh."
"OA lang? Eh yun naman kasi ang tawag sa akin ng mga kaibigan niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun din ang tawag niya sa akin."
"Haynako Anja. Ikaw naman kasi. Wag mong hahayaan na binubully ka dito. Lumaban ka naman kahit minsan."
"Pag lumaban ako, mas iisipin nila na naaapektuhan ako sa mga ginagawa nila kaya ayoko silang pansinin. Pabayaan ko nalang silang magsayang ng effort nila. Hindi naman ako yung mapapagod eh."
At naglecture pa nga naman si Jamilla. Blah blah blah. Grabe tong babaeng to. Hindi yata napapagod sa pagsasalita.
Maya-maya din eh bumalik na din kami sa classroom namin dahil time na din at magsisimula na naman kaming magklase. Ang katabi ko? Wag niyo ng itanung dahil tulog na naman siya. Pagkapasok ko dito eh nakita kong nakatungo na naman siya. Grabe tong taong to. Nagbabayad ng tuition eh matutulog lang naman siya dito. Sayang ang Pera!! Hoho.
"Miss Estrada?" Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko at nagtawanan.
"Nakikinig ka ba o busy ka lang sa pagtitig dian sa katabi mo?" Gusto ko ng lumubog sa lupa ngayon. Nakakahiya. o________o Mam naman!!! Huhuhu. I hate you Mam Physics.
Naalimpungatan naman yata tong katabi ko at biglang umayos ng upo tapos tumingin sa akin ng nakakaloko.
"Baka naman matunaw ako nian, Anja Camryn Estrada." Waaaaaaaaah at nagsmirk pa siya. Ang gwapo! Agh pero hindi dapat ako magpaapekto kahit na naapektuhan na ako. Nakakahiya kaya!!!
"Makinig ka Miss Estrada."
"Yes Mam."
Napatingin ako kay Jasper at nakatitig pa din siya sakin. Pero seryoso na ngayon yung facial expression niya.
Tinignan ko din siya.
In short, nagtitigan kami.
*KROO KROO*
Ang awkward. Di ako mapakali.
"Ganito ba akong kagwapo? Ha? Anja? Makatitig, wagas."
"Ang feeling mo naman." Sagot ko. Nag-uusap kami ngayon habang nagdidiscuss ang teacher at para kaming tanga.
"Totoo naman diba? Hindi ka nakikinig dahil tinitignan mo ko. Tss." Bakit ba ang seryoso ng taong to? Hindi ba to marunong ngumiti? Aa yan.
"MISS ESTRADA AND MR. DELGADO. MUKHANG BUSY KAYO SA PAGKUKWENTUHAN KAYA PWEDE NA KAYONG LUMABAS NG CLASSROOM NGAYON!!!"
Nabaling na naman ang atensyon ng buong klase sa pwesto namin. Kanina ako. Pero ngayon, sa aming dalawa na ni Jasper. Kita sa reaksyon nila ang pagkagulat.
Dahil ang isang Jasper Delgado ay nakikipag-usap sa isang Anja Estrada.
Inis akong lumabas ng classroom namin at naramdaman ko nalang na sumusunod pala sa akin si Jasper.
------------------------------
Comment or vote pag gusto^^
- blueinkbaby

BINABASA MO ANG
When It Rains (ON-HOLD)
Teen FictionIsang pagmamahalan sa isang hindi inaasahang sitwasyon. :)