Dedicated sa kanya dahil demanding siya. Hahahahaaha, Joke lang!! XD Labyu Icess :*
Enjoy reading^^
--------------------------------
Chapter 5
(A/N: Fast forward na to. Haha. Wala na talaga akong maisip eh. XD Pagpasensyahan.)
Thursday na ulet ngayon. Ibig sabihin, isang linggo na ang nakalipas mula nung mangyari "yun". At hanggang ngayon, hindi pa din pumapasok si Jasper. Kamusta na kaya siya? Di ko maiwasang mag-alala dahil syempre, siya ang nagligtas sa akin.
Sigurado kang ayun lang ang dahilan kung bakit ka nag-aalala?
Oo naman. Grabe tong utak ko. -_____- Pero aaminin ko, simula ng iniligtas niya ko, lagi ko na siyang iniisip. Normal pa ba yun? I mean, siguro naman diba? Concerned lang ako sa kanya.
Nakatambay ako ngayon sa classroom. As usual, loner ako. Absent ang dalawa kong kaibigan. May sakit daw sila pareho. Grabe lang. sabay pa talaga silang magkasakit noh? I smell something fishy. Hehe.
*POKE POKE*
Napatingin naman ako at nakita ko si..
Ano nga ba ulet ang pangalan niya? Nakalimutan ko >____<
"Ako nga pala si Jace, kung natatandaan mo pa ko." Nakangiti niyang sabi.
*TING!*
Ah oo nga! Siya nga yung nakabunggo sa akin noong isang linggo.
Yung mabait at.. Gwapo? Na kaibigan nung nambubully sa akin na si Julie Ann.
BULLY-ANN. Pa-segway. Nyahahaha.
"Hi. Oo naalala nga kita. Anung ginagawa mo dito?"
"Wala lang. Napadaan lang ako dito para mag-hi." Nahihiya niyang sagot. Ay teka. Nahihiya? Oo. Nahihiya siya eh. Halata naman.
"Ah ganun ba? Osige. Hello."
"Ah. Hehehehe." Hala? Nabaliw?
"Okay ka lang?" o____o
"Ah----"
"JACE!!!!" Biglang pumasok sa classroom namin si Julie Ann kasama ang mga alipores niya. "Anung ginagawa mo dito?" Tanung niya kay Jace.
"Wala naman. Kinakausap ko lang si Anja."
"Ang weirdo na yan? Ha?! My god!!"
Sus. Ang arte. Eh kung ikukumpara mo naman ako sa kanya, siya ay mula ulo mukhang paa.
"Teka. Bakit ang inet ng ulo mo Julie Ann?" Concerned na pagtatanung ni Jace sa kanya.
"Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Jasper!!"
"Oh eh bakit ka samin nagagalit?" Loko tong si Jace. Nang-aasar pa eh.
Bigla namang hinawakan ni Jace sa braso si Julie Ann. "Tara na Julie." Umirap naman si Julie sabay sabing, "Teka lang may sasabihin ako kay Weirdo." Lumabas na nun si Jace at hihintayin nalang daw niya sa may pinto si Julie Ann.
"Hoy Weirdo."
Tumingin lang ako sa kanya. Sign na makikinig ako sa sasabihin niya..
"Back off."
Anudaw?
"Kay Jace. Layuan mo si Jace at huwag mo ng kausapin pa."
What? Hindi naman ako yung lumalapit ah?
Pagkatapos nun eh tuloy-tuloy siyang lumabas ng classroom namin.
---------------------------
Lame update. Sorry.
- blueinkbaby
BINABASA MO ANG
When It Rains (ON-HOLD)
Teen FictionIsang pagmamahalan sa isang hindi inaasahang sitwasyon. :)