Nahahawa na ko sa kasungitan ni Jasper lololol
Enjoy reading^^
-----------------------------------
Chapter 4
Naglakad na ako pabalik sa classroom namin ng may pagtataka pa din sa utak ko. Nabigla lang kasi ako sa inasta ni Jasper. Ano bang nangyari dun? Parang umulan lang eh nagalit agad siya.
Nakasalubong ko si Patrick. "Hoy Anja. Saan ka galing?" Makapagtanung naman to, wagas. Eh wala din naman siya sa klase kanina gawa ng may practice sila sa basketball. "Pinalabas kami kanina eh kaya nagpunta ako sa garden."
"Kami? Sinong kasama mo?"
"Ah. Si Jas--------"
"Anjaaaaaaaa beybs!!!!!" Makasigaw naman tong si Jamilla. =_____= Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan namin ni Patrick. "Uyyyy. Hehe. Kamusta ang date niyo ni Jasper?" Sumingit naman tong si Patrick, "Si Jasper ang kasama mo??!!!"
Inisip ko na nga ba at bobombahin ako ng tanong ng mga to. Galing ko talaga.
"Hep hep!! Chill guys!! Unang-una, hindi kami nagdate okay?"
"Eh anung ginawa niyo? Kitang-kita ko na sinundan ka niya."
"Wala. Tumambay lang kami sa garden at.."
"At ano?" Ang sungit naman nitong si Patrick.
"Wala." Sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka Anja?" Tanong ni Jamilla.
"Oo naman. Mukha ba akong nagloloko?" Psh. Huhuhu. Kaibigan ko ba talaga to? :3 Wala yatang tiwala sa akin.
"Pero kanina sa classroom, nag-uusap kayo diba?"
"Oo na."
"Wow Anja. Anung pinakain mo kay Jasper at bigla yatang kinakausap ka na niya ngayon? Penge naman ako!" Kakaiba talagang mag-isip tong si Jamilla. Di ko nalang sinagot.
Pati, nakikipag-usap nga si Jasper sakin, pero puro panglalait lang din naman ang sinasabi niya sakin. Mas mabuti pa na wag niya nalang akong kausapin diba?
Maya-maya din eh nagpaalam na si Patrick dahil may practice na naman daw sila sa basketball. Tapos si Jamilla naman, may gagawin daw. Kung ano yun? Wag niyo nalang alamin dahil hindi ko din alam. So eto, mag-isa akong uuwi. Isang malaking haaaaaaaysssssss. Pero hayaan na nga. 3pm palang naman. Maglalakad nalang ako pauwi para makatipid sa pamasahe.
Palabas na ako ng gate ng may bumunggo sa akin. Lanjod naman. Nagtalsikan mga gamit ko. Yeah, talsik talaga dahil ang lakas ng pagkakabangga niya sa akin. Pati ako natumba.
"Shit. Sorry miss." Tinulungan niya akong makatayo tapos kinuha niya din yung mga gamit ko na tumalsik din. Buti naman at gentleman ang nakabunggo sakin.
"Okay lang. Salamat sa pagtulong mo." Napatingin siya sakin at feeling ko alam ko na ang sasabihin niya.
"Ikaw pala, Anja."
o___________o
Akala ko sasabihin niya na ako yung weirdo.
"Ah eh. K-kilala mo ko?"
"Malamang. Ikaw yung weird? I mean, ikaw yung binubully ng mga kaibigan ko." What?! Kaibigan niya sila Julie Ann? "Ahm. Wag kang matakot. Ako nga pala si Jace. Sige mauna na ko." Nagpeace sign pa siya bago umalis at kumaway. Ang bait niya naman yata? Hayy bahala na.
Sinimulan ko ng maglakad pauwi. Mga five minutes na din akong naglalakad. Pagod na din ako pero hayaan nalang. Friday na naman bukas at wala kaming masyadong gagawin kaya pag nakauwi ako eh matutulog nalang ako.
*BEEP BEEP!!*
Naramdaman ko nalang na may biglang yumakap sakin.
0_________0
"Shit Anja!! May plano ka bang magpakamatay?!! Tangina. Muntik ka na dun ah!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Di ako makapaniwala. Muntik na akong mamatay pero heto at yakap-yakap niya ako.
Niyayakap ako ngayon ni Jasper..
"Ayos lang ako J-jasper. W-wag ka ng m-mag-alala."
"Anung wag? Eh umiiyak ka na nga oh!!" Umalis siya sa pagkakayakap niya sa akin at pinahid niya ang mga luha ko.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ewan. Parang ayokong lumakad. Nakakabigla ang mga pangyayari.
"Ihahatid na kita Anja."
Ngayon lang to..
"Hawakan mo ang kamay ko. Alam kong natatakot ka. Hindi kita iiwanan Anja." Di ko alam pero nung sinabi niya yun, nabawasan ang takot ko.
Hanggang sa nakarating na kami sa bahay eh hindi siya nagsasalita pero hawak-hawak pa din niya ang kamay ko.
"Salamat Jasper."
"Magpahinga ka na. Sige alis na ko, Weirdo."
Mabilis siyang naglakad palayo sa akin.
Sino ka ba talaga Jasper Delgado?
----------------------------------
- blueinkbaby
BINABASA MO ANG
When It Rains (ON-HOLD)
Teen FictionIsang pagmamahalan sa isang hindi inaasahang sitwasyon. :)