Chapter 3

99 10 8
                                    

Di ko to napaghandaan XD Hahaha. Enjoy reading nalang^^

-----------------------------

Chapter 3

Patuloy lang akong naglakad papunta sa garden. Dun nalang ako tatambay.

Umupo sa tabi ko si Jasper. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Bakit? Pag-aari mo ba tong garden? Ikaw lang ba may karapatang tumambay dito?"

Ang sungit!! Parang nagtanung lang ako eh. =_____= Di nalang ako sumagot. Baka barahin pa ako ng lalaking to. Di ko yata to makakausap ng matino kahit kelan eh. Siguro pinaglihi siya sa nag-aalborotong bulkan noh?

Hindi pa marunong ngumiti. Or di ko palang nakikita? o__o

"Ako na naman ba iniisip mo?" Tanung niya.

"Wag kang feeling. Hindi porket tulala ako eh ikaw na iniisip ko." Kahit siya naman talaga. Wag nalang kayong maingay.

"Okay." Tapos bigla niyang isinaksak sa tenga niya ang earphones niya at biglang pumikit.

Grabe. Matutulog na naman siya? Ibang klase talaga. Hindi ba siya nakakatulog sa bahay nila at dito siya sa school natutulog?

"Wag mo nga akong titigan." Gising pala?! Waaah.

"Paano mo naman nalaman na tinititigan kita?"

"Ramdam ko lang."

Wow ha. Lakas makaramdam.

"Ows?"

"Yeah. Anyway, madaldal ka palang weirdo ka."

"tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng weirdo!!"

"Bakit? Weird ka naman talaga. Kapatid mo ba si Sadako?"

"Ang kapal!! Akala mo kung sinong gwapo!" 

"Just answer my question."

"Malamang hindi!!!"

Grabe. Nakakainsulto naman ang lalaking to. Lait na lait ang pagkatao ko. Grr.

Magsasalita pa sana siya pero...

*PLOK PLOK PLOK PLOK*

Hala! Ngayon pa umulan!

Bago pa ko tuluyang mabasa eh naramdaman ko nalang na may humihila sa akin papunta sa area ng garden na may bubong.

"May plano ka bang magpaulan?!!! HA??!!!" Bakit ba siya nagagalit?

"Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka?"

"Wala ka na dun!!"

"Parang umulan lang! Pati wala kang pakielam kung mabasa ako!"

Tumawa siya. "Oo nga noh? Wala akong pakielam. Sige alis na ko."

Anyare?

Ayun. Umalis nga siya at naiwan niya kong nakatulala sa kakaisip sa mga nangyari. Bakit ba siya nagagalit? Parang umulan lang eh.

----------------------------------

- blueinkbaby

When It Rains (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon