Kaninang 3AM ko to ginawa. Hindi kasi ako makatulog. Ugh. :( Hahaha. Anyway highway, enjoy reading^^
---------------------------
Chapter 6
Kinabukasan, late akong nagising. Hayaan na nga. Friday naman ngayon. Paniguradong Wala naman kaming gagawin eh.
Ganun kasi sa school namin. Tuwing friday eh walang ginagawa ang mga graduating students. Mapa-elementary man o high school.
Dali-dali na akong bumaba at di na nag-abala pang kumain ng almusal.
Nga pala, mag-isa akong nakatira dito sa bahay namin. Nasa ibang bansa ang mga magulang ko at nag-iisang anak naman ako. Di na ko nagrequest ng katulong sa parents ko dahil kaya ko namang maglinis ng bahay at marunong din akong magluto. Chef ang mommy ko kaya siguro natural na ang talent ko sa pagluluto.
Naligo na din ako, nag-tooth brush at nagbihis. Alangan namang pumasok ako ng nakahubad diba? Eewww.
Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maghintay ng taxi na pwedeng sakyan.
Wala pa akong five minutes na naghihintay eh nakasakay na agad ako.
8:30 ako saktong nakarating sa school. 30 minutes late na ko. Naku. Sana walang teacher.
Nang malapit na ako sa classroom namin eh napansin ko na nagkukumpulan ang ibang students sa may bulletin board. Nakita ko din dun ang iba kong kaklase. Ayun, Alam ko na na walang teacher ang nakabantay sa amin. Hintayin ko nalang na magsialisan ang mga students para makadaan ako. Ang dami kasi talaga nila.
"Anjaaaaaa beybs!!!" Boses at pagtawag palang eh alam ko ng si Jamilla yun. Tumatakbo na naman siya papunta sa akin.
"Oh bakit? Pumasok ka na pala." Tanung ko sa kanya. Hinihingal pa din siya.
"O-oo. Ano.. May picture dun sa bulletin board."
"Oh eh anung meron?"
"May girlfriend na si Jasper."
Nagulat naman ako dun. "Sino naman yun?" Tanung ko kay Jamilla. Curious talaga ako.
Si Jasper? May girlfriend?
Bigla akong hinila ni Jamilla papunta sa may bulletin board.
At nagulat ako sa nakita ko..
Ako yung babae sa picture. Hindi halatang ako yun pero alam kong ako yun.
Hindi naman sa feelingera ako pero ayun yung niyakap niya ako nung muntik na akong masagasaan.
May nakakita pala at at nakuha pa niyang kumuha ng picture.
Paano na yan?
Naramdaman ko nalng na biglang humawi yung mga students na tumitingin sa bulletin board. Tila may hinihintay silang dumaan
"Ayan na si Prince Jasper." Bulong ng katabi kong 3rd year student.
Prince? Ang dami niya palang fans sa school namin.
Nakita kong dumaan si Jasper sa harap namin at katulad ng dati, wala siyang pakielam sa nasa paligid niya. Taas-noo siyang pumasok sa classroom namin at ibinagsak niya pa ang pagsasara ng pinto.
Sari-saring bulungan ang narinig ko...
"Sino kaya yung girlfriend niya?'
"Hindi naman siya marunong magmahal diba?"
"Ang swerte naman nung babae."
"After 3 years, nagkaron na ulet siya ng bago."
Mas lalo akong nacurious ng dahil sa mga narinig ko.
*Ring ring riiiiiiiing*
Tumunog na ang bell hudyat ng pagbalik ng mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom.
Ako na yata ang huling pumasok sa classroom namin..
bago ako umupo eh napatigil muna ako para tignan siya..
Medyo matagal ko din siyang hindi nakita.
Jasper Delgado..
Makikilala din kita..
Umupo na ako sa upuan ko. Saktong dumating naman ang teacher namin pero walang ipinagawa. vacant daw kami maghapon kaya we're free na gawin ang gusto namin basta wag kaming lalabas ng campus.
"Wag mo ng pansinin." Narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
Pansinin ang alin?
"Picture. Alam natin pareho kung sino yung babae. Ako na bahala." Walang kaemo-emosyong sinabi niya tapos bigla siyang tumayo at biglang lumabas ng classroom.
---------------------------
- blueinkbaby
BINABASA MO ANG
When It Rains (ON-HOLD)
Teen FictionIsang pagmamahalan sa isang hindi inaasahang sitwasyon. :)