One Shot Entry #07

9 0 0
                                    

Now Reading: Choosing her feelings? or I choose mine?

Akala ko napakadali lang pumili ng damdamin ..

Pero napakahirap pala, dahil kaibigan mo yung makakalaban mo ..

***

College na. So, ibig sabihin bagong kakilala, bagong gagalawan, bagong lugar, bagong mga mukha at syempre .. hindi mawawala ang bagong CRUSH .. Sa *** College ako nag-aaral. Bachelor of Science in Information Technology ang kinuha kong course. In short, IT. Bago ko makalimutan, Ako nga pala si Layla Dela Cruz.

First day ng school year nung ko siya nakita. Ang gwapo niya, ang perfect ng mga ngiti niya. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya na para bang umaawit sa iyong mga tenga. Nakakatunaw ang mga titig niya. Na para bang pagnatitigan ka niya matutunaw ka na lang sa kinakatayuan mo. Nung nagpapakilala na sa loob ng classroom. Nakatitig lang ako sa kanya buong magdamag. Parang siya lang ang tao sa buong classroom. Pero nung nagkwento na siya tungkol sa ..
.
.
.
.
.
girlfriend niya. Parang bumalik ako sa reyalidad. Namatay daw yung girlfriend niya na yun nitong April, 20**. Sobrang mahal niya daw yun. Dalawang taon sila. Kung hindi lang sana umalis yung babae sa Pampanga, at pumunta Bicol. Hindi sana siya mawawala sa buhay ni .. SN. Sobra akong nalungkot sa kinuwento niya. Gusto ko siyang damayan nung mga oras na yun. At sabihing " Magiging okay ka din. May darating ding babae na para sayo talaga. Malay mo nasa tabi tabi lang siya. " Kaso, baka naman isipin niya feeling close ako. Kasi diba? First day pa lang at nagpapakilala pa lang. Kaya ayun, nanahimik na lang ako. Pero, sa paglakad niya pabalik sa upuan niya, parang nag islow motion ang buong classroom. Hays .. Alam ko sa mga oras na yun CRUSH ko na siya.

Days passed. Ganun pa rin ang nangyayari. Hanggang sa isang araw. Nagpadala yung proctor namin sa isang Subject namin. Sabi niya, magdala daw ng isang bagay na makakapagsimbolo ng kung sino ka. Then, kinabukasan nagdala ako ng Gitara, dahil yun ang nakakapagsimbolo kung sino ako. Pero in the end, hindi ko rin naman nagamit. Pero alam niyo ba hindi nasayang ang pagdala ko nang gitara ko? Dahil alam niyo ba kung sinong gumamit nun? HAHAHA! Alam na .. si SN yun. As in si .. Shone Navarte. (pronounces shone as shan) Yung crush ko ginamit yung gitara ko. Nung hiniram niya yun, grabe! Ang ganda talaga ng ngiti niya. Sinagot ko na lang siya nang patango dahil naging busy ang mata ko sa ngiti niya. Nung tumugtog na siya, at nasa harap ko pa siya. Para akong hihimatayin sa mga titig niya. Feeling ko lumilipad ako sa langit. Yung boses niya parang anghel na humihele sayo.

Again .. alam ko sa sarili kong CRUSH ko siya. Hays .. Sa tuwing iisipin ko ang mukha niya, kinikilig na lang ako at napapangiti sa isang sulok. Ayokong mag assume ng kahit na ano. Dahil ayokong masaktan. Pero .. isang araw, nalaman ko na lang sa sarili ko na.. Hindi na lang crush ang nararamdaman ko para sa kanya. MAHAL ko na siya. Dahil sabi nila pagtumagal ng isang buwan ang pagkakacrush mo sa isang tao, hindi na crush ang tawag dun diba? Mahal mo na diba?

Napagisipan kong umamin sa kanya, pero hindi ko sasabihin na mahal ko na siya. Ang sasabihin ko lang ay Gusto ko siya.. Naging successful naman ang pag amin ko sa kanya. Pero epic lang kasi.. ganito yung nangyari ..

*flashback*

"Yo! Goodmorning Shone!" -ako.
"Hi! Goodmorning din, Layla! *ngiti* " -siya.
"Hmm .. May sasabihin ako sayo, pero wag ka maingay sa iba a? Pinagkakatiwalaan kita sa sekreto ko na 'to." -ako.
"Ganun? Oo, makakasigurado kang ako lang at ikaw ang makakaalam." -siya.
"May gusto kasi ako dito e. Kaso natatakot ako na baka pag umamin ako sa kanya, iwasan niya ko bigla. Ano bang gagawin ko?" -ako.
"Ano ba munang pagkakakilala mo sakanya?" -siya.
"Mabait siya, Gentleman, Sweet, Caring, etc." -ako.
"Hmm.. hindi ka naman siguro iiwasan nun. Mabait naman kasi e. Teka, sino ba yan?" -siya.
(aamin na ba ako? Bahala na nga!) "IKAW." -ako.
"Huh? Sino?" -siya.
"Ikaw nga." -ako.
"A-Ako? Hindi nga? HAHAHA! Wag ka ngang patawa diyan." -siya.
"Ouch! Ako? Nagpapatawa? Sa tingin mo, nagpapatawa ako dito? Hays .. sige, kung ano man yung dating sayo ng sinabi ko, wala naman akong magagawa dun e. Basta, nasabi ko na kung anong gusto kong sabihin. So, wag mo na lang ipagkakalat yun a? Salamat! *ngiti* " -ako *walkout*

*end*

Ganun yung nangyari sa pag amin ko sa kanya. Hindi ko alam kung seseryosohin niya yung sinabi ko.

Days passed ...

Yung kaibigan kong babae, si Rosslyn Erica. May sinabi sakin na nagbasag sa isipan at puso ko. MAHAL NIYA DAW SI SHONE ... Anong gagawin ko? Yung kaibigan ko, mahal din yung mahal ko.. Mauulit na naman bang magpaparaya ako, para sa kaibigan ko? Masasaktan na naman ako dahil sa kaibigan ko. Ang hirap pumili, ano bang pipiliin ko? Ang nararamdaman niya, para kay Shone? O ang nararamdaman ko? Ayokong makipaglaban sa nararamdaman niya. Pero, kailangan ko ba ulit na masaktan para sa ikaliligaya ng kaibigan ko? Kaya ko bang makita na yung taong mahal ko mapunta sa kaibigan ko?

Gulong gulo yung isip ko nung mga oras na yun. Pero alam niyo ba kung ano talaga yung mas naging masakit? Nung may sinabi sakin si Shone na hindi ko inaasahan..

*flashback*

"DC? Busy ka ba?" -siya.
"Hindi naman. Bakit?" -ako.
"Kasi may sasabihin akong sekreto. Pero tayo lang dalawa ang nakakaalam nito a?" -siya.
"Oo, sige. Makakaasa ka. Ano ba yun?" -ako.
"Umamin kasi si REri sakin. Sabi niya, mahal niya daw ako. Sa tingin mo ba.. handa na kong magmahal ulit?" -siya. (REri short of Rosslyn ERIca)

(parang huminto ang pagpintig ng puso ko nung mga oras na yun. Parang may kumukurot sa puso ko. Parang may dumidikdik, parang may humihiwa sa puso ko.. So, umamin na pala si Ross sa kanya. Ang sakit! Sobrang sakit! Na parang gusto ko na lang na mawala sa mundo. Parang gusto ko na lang maging invisible. Gusto ko nang umiyak nung mga oras na yun. Pero hindi ko magawa, dahil nandun siya at nagtatanong. At yung tanong niya, kailangan ng sagot ko..)

"Ha-ha-ha.. talaga? Umamin si Ross sayo? Nice! Ang lakas nang loob niya a! Hmm.. Sa tanong mo sakin? Hindi ko alam ang sagot dun e. Kasi nasayo naman yan kung handa ka na bang magmahal ulit." -ako. *ouch!* [sana! Please matapos na 'to! I think anytime, tutulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan..]

"HAHAHA! Oo nga. Nasakin nga. Hays.. naalala mo ba yung sinabi ko sayo? Na.. proprotektahan ko ang huling babaeng magmamahal sakin?" -siya.
"Oo.. naalala ko pa. [dapat ako yun e.] Sa tingin mo siya na ba?" -ako.
.
.

.

.

.
"Oo.. sa tingin ko, siya na nga. Pag aaralan ko ulit magmahal. Hindi naman masama yun diba?" -siya.
"Oo , hindi masama yun *ouch!* Ha-ha-ha.. Sige goodluck a? Nararamdaman ko matututunan mo rin siyang mahalin. Sana maging masaya ka sa feeling niya. Una na ko a?" -ako.
"Huh? Aalis ka na agad? Saan ka pupunta! Huy!" -siya.

*end*

Hindi ko kinaya yung nalaman ko, hindi pa nga naghihilom yung sugat na tinamo ko kay Ross, may nalaman pa ko kay Shone. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Mas maganda na lang sigurong umiwas na lang ako nang palihim sa kanila. Dahil wala na rin namang mangyayari sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako marunong makipaglaban ng nararamdaman lalo na kung kaibigan ko lang rin naman ang kalaban. Mas gugustuhin ko pang manahimik na lang at palihim na nasasaktan. Ang mahalaga naman sakin, is yung maging masaya yung taong mahal ko e. Yun naman kasi ang mahalaga diba? So, in the end. I choose to let him go. I choose her feelings over to my feelings.

I wish they will have a magical story..
I know someone will come just to love me ...
care about me ...
and afraid to lose me ...

---The End---

October 23, 2015


One Shot StoriesWhere stories live. Discover now