Now Reading: Crush slash Bestfriend
It's been years seen the last time we saw each other.. Halos ganun pa rin itsura niya. Gwapo, matangkad, Kayumanggi at higit sa lahat makulit pa rin siya. Pinahaba lang niya yung balbas niya ng konti. Pero, gwapo pa rin. Syempre bff ko yun e.
Nagkita kami sa isang mall that day. Actually, siya ang unang nakakita sakin. He called my name..
"Irish!" ako naman hinanap ko yung boses kung saan nanggaling. Paglingon ko, it was him. The person who block me in fb for how many years even now.
"David? Ikaw na ba yan?" tugon ko.
"Oo, ako nga. Pogi ko na no?" sabi niya. Sabay ngiti ng malaki at pogi sign. Natawa naman ako ng bahagya kase medyo mahangin pa rin pala siya.
"Kamusta? Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Okay lang naman. Namamasyal lang ako. Namiss kita a? Ikaw? Kamusta ka na ba?" namiss daw. E.. nakablock nga ko sa fb niya.
"Talaga? Namiss mo ko? Nakablock nga ko sa fb mo. Buti na lang may 2nd account ako. Nakita ko fb mo di tayo friends." sagot ko sa kanya na may halong pagtatampo. "Hayaan mo na nga. Matagal na rin naman yun." Habol na sagot ko sa kanya.
"Oo, lagi ko na ngang nakakalimutang iunblock ka. Kase, remember si Krisel yung ex kong kaklase natin? Nagseselos kase yun sayo. Kaya pumayag na lang ako na iblock ka niya. Nagtataka nga ko di mo alam e." pag eexplain niya sakin na para bang guiltying guilty siya sa nangyare.
"Ahh.. kaya naman pala. Ano na palang nangyare sainyo nun? Break na kayo?" tanong at pang aasar ko sa kanya.
"Di rin naman kami nagtagal. Parang after ng graduation natin nung highschool. One or two months lang. Naghiwalay kami. Di kaya ng LDR e." sagot niya sakin. Yung mukha niya di maipinta na para bang pinagsisisihan niya na pinili niya yung babae kaysa sa maganda niyang bestfriend.
Ayun ang dami naming pinagkakwentuhan. Sa totoo lang may mga kasama siya that day. Mga tropa ata niya or classmate niya nung college. Sinabi na lang niya na sasamahan niya na lang ako at bawi na lang daw siya next time. Sabi ko sa kanya wag na kaya ko naman. Kaso, mapilit siya kaya pumayag na lang ako at humingi ng pasensya sa mga kasama niya. Umokay lang naman yung mga kaibigan niya at kinantyawan siya. At inihabilin na sakin ang kaibigan nila at may pahabol pang.. "Miss! Ingatan mo yan ha? Heartbroken yan ngayon lang nang aya samin yan. Bago samin yun. Ikaw na bahala diyan ha? Enjoy kayo!" "Pre! Alis na kami ha? Move-on muna bago humanap ng bago a? Di uso satin rebound! Hahaha!" sabi nung mga kaibigan niya. Yung iba kumaway lang at umalis na nga sila.
At ayun na nga, kami na lang ang naiwan. Biglang nagkaroon ng awkwardness between us. Kase, sobrang tagal na talaga nung huli naming pagkikita. I guess, 5 or 6 years na ata.
"Uhm.. saan mo gustong pumunta?" pagbabasag niya sa katahimikan naming dalawa.
"Sa timezone na lang tayo. Laro tayo." tugon at pang aaya ko sa kanya na maglaro.
Nung una, medyo awkward pa talaga. Pero, hanggang sa ilang oras na kaming naglalaro naging kampante na ulit kami sa isa't isa. Ang tagal naming naglaro, di ko inaasahang mang aaya siyang magvideoke kami. Kinabahan agad ako.. Di naman ako sanay makasama siya sa isang masikip na lugar. Syempre, yung usual na videoke sa timezone maliit lang espasyo dun diba? Di ko na malaman kung papayag ba ko o hindi.Oo na!! Kaya ako kinakabahan kase, di naman nawala yung crush feeling ko sa kanya bago kami naging magbestfriend. At! Take note! Alam niya yun.. Kase, we tried it bago naging sila ni Celda. Kaso, di ko kayang mawala yung friendship namin kaya pinili ko na lang mahalin siya ng magbestfriend kami. He feel the same way, di niya gusto yung desisyon ko. Ilang beses niyang binago yung isip ko. Pero, di talaga kaya. Kaya pumayag na lang siya in the end. Ilang buwan din kaming di nagkibuan nun dahil sa nangyare. Pero, bago kami grumaduate nakipag ayos siya sakin. Nagsorry siya kase, siya daw ang bestfriend ko. Pero, nagalit siya sakin dahil sa nangyare. Sabi ko kanya, okay na yun. Ang mahalaga nandito ka na ulit. Anyways, mabalik na tayo sa scenario natin.
"Uhm.. tara, sige." sabi ko na lang sa kanya. At namili na siya ng cubicle kung saan walang tao.
"Tara Irish! Dito tayo. Walang tao. Gusto mo rin bang kumanta?" tanong niya sakin ng nakangiti. Jusko po! Ang gwapo talaga. Hindi na malaman ng sistema ko yung gagawin. Wag ka namang ngumiti. Yung puso ko lalabas na sa katawan ko e. Huhuhu..
"Huy! Bes? Ano na? Gusto mo bang kumanta?" pag uulit niya. Natulala na pala ko.
"H-huh? Osige, pero isa lang ha?" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at pumili na ng kakantahin niya.
"Sa may gitna yung kanta ko ha? Para ikaw umpisa at dulo." habol kong tugon sa kanya.
"Sus! Basic lang sakin yan!" pagyayabang niya. Palibhasa kase kumakanta kanta na talaga siya nung highschool. NagGigitara rin siya. At! Dun ako nahulog sa kanya. Maganda boses niya at para ka pa niyang hinaharana kapag nagkakajamming kami.
"Edi ikaw na." sabi ko na lang sa kanya. Sabay tingin na lang sa phone ko habang hinihintay ko siyang mamili ng kakantahin niya.
After 20mins..
"Oh! Tapos na ko. Ikaw na, Irish!" sambit niya sabay ngiti sakin.
"Oo na. Eto na eto na." sagot ko sa kanya. Ano naman kayang kakantahin ko? Di ako prepared. Tumingin ako sa kanya. Papasok na siya ng cubicle. Sumenyas siya na dun na daw siya para di na maagaw ng iba yung pwesto namin. Senyas ko rin sa kanya na okay. Ayun nga, balik tayo sa kakantahin ko. Siguro, eto na lang Bestfriend by Jason Chen. Kinuha ko na yung number tapos pinuntahan ko na siya.
"Ano? Okay ka na?" tanong niya sakin habang nagiswipe siya ng card tas, nilalagay na niya yung number ng kanta niya.
"Oo, okay na ko. Eto yung akin." sabi ko sa kanya sabay abot nung maliit na papel para malagay na niya yung kanta ko.
At katulad nung napag usapan namin kanina. Nasa kalagitnaan yung akin. Una siyang kumanta. Dahil mahilig siya sa banda, kinanta siya yung Para Sayo By Parokya ni Edgar. Sunod naman Parokya ulit, Harana naman. Nung kinanta na niya yung Harana. Jusko po!! Feeling ko natutunaw ako sa upuan ko kase naman!! Nakatingin siya sakin habang nakangiti, kumakanta pa siya!! Feeling ko namumula ako sa ginagawa niya. Kaya iniwas ko na lang yung tingin ko. Pero, mapang asar talaga siya. Kase, hinawakan niya yung baba ko sabay harap sa mukha niya. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Ngumiti na naman siya habang kinakanta niya yun!! Alam na alam talaga niya kahinaan ko. Juskopo!! Tinanggal ko yung kamay niya sa baba ko. Lumayo ako konti, medyo tawa ng pilit sabay ngiti. Akala ko mamamatay na ko sa pagpigil sa kilig ko. Yung puso ko!! Kumakawala na naman!!
Nung natapos na siya kumanta ako na next. Limang kanta lang pala ininsert namin. Bale apat sa kanya isa sakin. Dahil tapos na niya yung dalawa niya sa umpisa. Ako na yung nexg na kumanta. Okay! Ehem! Hahaha!
Do you remember when I said I'll always be there, ever since we were ten baby
When we were out on the playground, playing pretend
I didn't know it back then
Now I realize, you were the only one.
It's never too late to show it
Grow old together the feelings we had before, back when we were so innocent
I pray for all your love, girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
(I must be dreaming)
This is something like a movie, and I don't know how it ends girl, but I fell in love with my bestfriend
I think I'm in love
(I think I'm in love)
I think I'm in love
(I think I'm in love)
I fell in love with my bestfriend
I think I'm in love
(I think I'm in love)
I think I'm in love
(I think I'm in love)
I fell in love with my bestfriend
After ilang minutes natapos na rin yung kanta ko. Pinagpawisan ako. Ramdam ko promise! Kase naman buong kanta ko nakatingin lang siya sakin. Di ko nga alam kung naririnig niya pa yung panget kong boses e.
"Ganun pa rin yung boses mo, mahinhin like the old times." biglang sabi niya sakin habang nakangiti. Nagulat ako. Di ko ineexpect na inoobserbahan niya pala ang pagkanta ko. Juskopo!! Patapusan mo na 'tong videoke na 'to. Di ko na alam gagawin ko!!
"Huh? Ah.. Eh.. Talaga ba? Wala manlang ba improvement?" tanong ko siya kanya na para bang kinakabahan ako sa isasagot niya..
"Meron namang improvement. Pero as in konti lang. Di bale, kakantahan na lang kita ulit." sabi niya sabay ngiti sakin at may pahabol pang kindat sakin. Woh!! Konti na lang Irish. Kaya mo yan!! Mga 9 or 10 minutes na lang yang kakantahin niya. Inhale exhale lang..
Kinanta na niya yung dalawa pang natitira dun sa videoke. Pagtapos nung kantahan namin lumabas na kami. Nagpaalam ako sa kanyang magbabanyo lang ako. Umokay naman siya at hihintayin na lang daw niya ko sa labas. Pumasok na ko sa banyo. Nag ayos ako, grabe! Pagharap ko sa salamin, pulang pula yung mukha ko. Naghilamos ako, inhale exhale. Nakakahiya! Ganun na pala mukha ko buong pagkanta niya. Kalma self, kalma ka lang. Bestfriend mo yan. Matapos ang ilang minuto lumabas na ko.
"Uhm.. saan tayo next?" tanong ko sa kanya. Baka kase may gusto siyang puntahan e. Nakakahiya naman na ako lang yung sinamahan niya diba? Samahan ko rin siya para quits lang.
"Hmm.. sa foodcourt tayo. Nagutom ako sa pagkanta e. May gusto ka bang kainan?" tugon niya sakin sabay punas sa noo niya kunwari. Pahumble pa! For sure, tuwang tuwa yung kaluluwa niyang mapang asar sa ginagawa niya sakin kanina! Kainis!
"Dun na lang tayo sa napili mong kainan. Afterall, bff naman tayo. Alam mo naman yung fastfood chain na gusto ko." sabi ko sa kanya
"Sige, dun na lang tayo sa dati. Ako na oorder. Hanap ka na lang ng upuan natin. Still the same pa rin yung gusto mo?" tugon niya
"Oo, ganun pa rin. Hanap na ko ng upuan natin ha? Ingat ka diyan." paalam ko sa kanya
"Sige, ingat ka din" sabi niya, tumalikod na siya para pumunta dun sa fastfood na oorderan niya. Ako si hanap naman ng uupuan namin. After ilang minutes nakahanap na ko ng uupuan namin. Hinihintay ko na lang siya. Nagcellphone na muna ako habang naghihintay. Maya maya may nagchat request sakin. Pagtingin ko, pangalan niya yung lumabas.
"Bes? Saan ka?" yan yung nasa chat
"Dito ako sa may gitna. Malapit lang ako sa entrance ng foodcourt." reply ko sa kanya
"Okay. On my way." tugon niya sa reply ko
Ilang minuto lang at nahanap na niya ko. Kumain lang kami ng tahimik. Normal na samin yung ganun. Kahit dati pa, galit galit muna kapag kakain kami. Sanay lang siguro kaming wag magsalita habang puno ang bibig ng pagkain. Di rin naman kami matagal kumain after lang ng ilang minuto natapos na kami kumain. Umiinom ako ng softdrinks nun nung magsalita siya.
"Uhm.. Bes? Next time ba, kapag free ka pwede bang labas tayo ulit?" tanong niya sakin. Hala? Anong isasagot ko? Nasa alapaap pa yung utak ko. Jusko po!! Inhale exhale lang, Laine.
"Huh? Next time? Hmm.. sige. Pwede naman. Chat mo lang ako." tugon ko
"Osige, pero pahingi na rin ako ng cp number mo para kung wala man akong data. Matawagan na lang kita or text." sabi niya sakin sabay labas ng phone niya at inabot sakin. Tinignan ko muna siya, pero ngumiti lang siya sakin.
"Okay. Sige. Eto number ko." sabi ko sabay labas din ng phone ko. Dial dial tapos binalik ko na sa kanya yung cellphone niya.
"Tawagan ko yung number mo ha? Para sesave mo na lang number ko. Para di ka na mahirapan." sabi niya. Sabay dial ng number ko. Nagring naman agad ito. "Ayan yung number ko." sabi pa niya sabay ngiti ulit. Oo na! Kanina ko pa sinasabi yung pagngiti. Kase, hilig niya talaga yun. Masayahin talaga siyang nilalang.
Anyways, after namin magpalitan ng mga number. Nag aya na kong umuwi. Hinatid naman niya ko sa sakayan. Nagyakapan kami tas, nagwave na ko para magbabye sa kanya. Nagwave din siya and nagsensyas na tatawag siya. Buong biyahe naghihintay ako ng tawag niya pero, wala naman. Baliw na ata yun. Sabi niya tatawag siya. Hmp! Hayaan mo na nga. Baka pagnakauwi na siya saka siya tatawag.