Now Reading: The Painful Feeling
Akala ko okay na..
Akala ko siya na..
Pero .. Ba't ganun yung nangyari samin.
Para kaming pinaglalaruan ng tadhana ..
Sobrang sakit!
Hindi ko matanggap ..
Pero .. sobrang sakit na e.***
We've been in a relationship for 5 years. Pero, sa loob ng limang taon na yun. Hindi naging madali ang lahat. Away dito, away doon, sakitan doon, sakitan dito. Pero, umabot pa rin kami ng ganito katagal. Tanga na kung tanga. Pero, mahal ko kasi siya e. Ako si Claire Mendoza. Yung taong mahal ko? Siya si Jaime Sanchez. Sikat na dancer. Gwapo naman siya, at alam na alam niya yun. Dahil GGSS siya. Habulin ng mga babae. Madalas nagseselos ako dahil sa mga babaeng nalilink sa kanya. Pero, pinanghahawakan ang sinabi niyang mahal niya ko.
Days passed ...
Pinaglalaruan nga ata kami ng tadhana. It's a double date with my friend. We've been so happy that time. All of us are happy. But suddenly, all that happiness turns into the painful feeling. That feeling was all mine. Sobrang sakit. Binigay ko sa kanya lahat! Pati sarili ko! Pero bakit ganun? Ganun na lang kadali sa kanyang ibigay sa iba yung puri niya? Ang haba pa ng pinag usapan namin nung araw na yun..
*flashback*
"Ano? ayaw pa rin bang masend?" -ako.
"Oo e." -siya.
"Ako nga!" -ako. (that moment nahawakan ko yung cellphone niya. Hindi ko sinasadyang magbasa ng mga text na nandun dahil tinitignan ko yung mga nasend niya para sa load niya. Isang napakasakit na conversation ang nabasa ko. Halos durugin nito ang puso ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Basta, ang alam ko lang sobrang sakit ng nararamdaman ko at gusto kong lumayo sa kanya. Ayokong makita yung pagmumukha niya.)
"Ano 'to? Sino 'to?" -ako.
"Wala yan. Nawro-wrong send lang yan." -siya.
"Sino nga 'tong Justine na 'to?" -ako.
"Kapatid yan nung kaibigan ko. Nawro-wrong send nga lang yan." -siya.
"Nawro-wrong send? Hindi ako tanga, Jaime! Tignan mo nga 'tong mga convo niyo! Hindi wrong send 'to! Magtapat ka nga! Anong nangyari nung isang taong nagbreak tayo?!" -ako.
"Wala. Bahala ka kung paniniwalaan mo ko o hindi." -siya.
"Isang taon lang tayong naghiwalay! Pero hindi ko na alam kung anong mga nangyayari sa buhay mo! Grabe ka! Ano?! Wala ka bang sasabihin?!" -ako.
"Yun na nga e! Isang taon na! *speechless*" -siya.
"K , alam ko na. Sige, una na ko." -ako.
" *speechless* " -siya.(Hindi ko na kayang makita pa yung pagmumukha niya nung mga oras na yun. Kaya umalis na lang ako at umuwi. Nagpaalam na lang ako sa dalawa pa naming kaibigan. Ang masakit dun! Hindi manlang niya ko sinundan or should I say hinabol. Wala siyang kwenta! Sobrang sakit nung nalaman at nabasa ko. "Tigang ka pa ba?" , "Ano gusto mo ba ulit?" , "Kailan ulit tayo mag***?" , grabe! Hindi ko na alam kung dapat ko pa rin ba siya pagkatiwalaan.)
*end*
Sobra na kong nasasaktan. Days have passed ... Sobra akong nahirapan sa mga dapat kong sabihin sa kanya. Dahil sobra ko siyang mahal. Sobrang hirap rin para makawalan siya. Mahirap ding kalimutan lahat ng memories naming dalawa. Nanghihinayang ako sa mga memoryang binuo naming dalawa. Pero ganun talaga siguro.
Umaasa kasi ako na magbabago siya, dahil mahal niya nga ko. Gagawin niya lahat para lang hindi masaktan ang prinsesa niya. Pero, lahat ng saya mukhang sa umpisa lang talaga lahat. Lahat ng effort, lahat ng sweetness, lahat lahat. Habang tumatagal nagbabago unti unti. Alam mo imbis na paganda ng paganda ang pagbabago niya? Hindi e! Palala ng palala ang ugali niya. Nagagawa niyang magsinungaling sakin. Nagagawa niyang hindi magsabi sakin. Nagagawa niyang magtago sakin. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin sa kanya. Pagod na ko. Pagod na pagod na ko. Pagod na kong mag-effort. Pagod na kong intindihin ang ugali niya. At pagod na kong magpakatanga pa sa kanya. Nagpapahinga naman ako. Pero, ngayon? Parang imposible nang malunasan ng pahinga lang 'tong nararamdaman ko.