Now Reading: LESSLY VOiCE
Tahimik naman ang buhay ko noong wala pa siya.
Hindi naman magulo noong wala pa siya.
Pero, Lahat nang tungkol sa buhay ko bigla na lang nagbago simula noong dumating siya ..
***
Hi! Ako nga pala si Laelle Tan.
16 years old.
Graduating ng High School.
Isang NBSB, Kase priority ko ang pag-aaral. Naniniwala kase ako na Love Can Waits. Kaya ayun! Ayoko pa. Madami na nga akong naging Suitors e. Kaso Busted lahat. </3
Anyways, I'm here nga pala sa grandstand malapit lang sa school namen.
Naka-ugalian ko ng tumambay dito. Lagi akong maagang umaalis sa bahay namin kase..wala lang!
Hmmm..Gusto ko kase sa tahimik na mga lugar. Ayoko sa mga sobrang ingay na lugar.
Sobrang tahimik 'tong lugar na 'to.
Maliban sa isang araw, ......
***
Hays.. Yes! Buti wala na namang tao dito.
Sobrang tahimik ulit! ^_______^
MagsaSoundtr--
"Ah..Ms? Pwede bang magtanong?" isang boses ng lalaki na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Hmmm..Sige. Total nagtatanong ka na rin naman. Ge. Ano bang itatanong mo?" sagot ko sa kanya.
"First of all. Ako nga pala si Jacob. Jacob Handsome." sabi niya, sabay abot ng kamay sa akin.
"Laelle. Laelle Tan." inabot ko ang kamay niya at nakipagshakehands sa kanya. -________-
"Now, what is you question all about?" i asked him again.
"Ah..Kase lagi kitang napapansin dito. Hmmm..Malapit lang kasi ang bahay ko dito. Hmmm..Lagi kitang pinagmamasdan sa hindi naman masyadong malayo. Ahm..Pwede ba akong maging Suitor mo?" mahabang sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla na lang akong napalingon sa kanya. Kasi hindi ako nakatingin sa kanya nung nag eexplain siya.
"Sorry kung tinitignan kita." dagdag niya at tumayo na.
"Ge. Alis na ako. Ahm..Kalimutan mo na lang yung tinanong ko." sabi niya at tumalikod na sa akin at naglakad. Pero bago pa siya makalayo, hinawakan ko agad ang braso niya para pigilan siya sa kanyang pag-alis.
"Hindi mo lang ba papakinggan ang sagot ko?" agad kong sabi sa kanya.
Agad siyang napalingon sa akin at halatang halata sa kanya ang Gulat, pero saglit lang yun at nawala na agad ang expression na yun at bigla na lang siyang nagPoker Face.
"Ayoko. Huwag na baka matulad lang ako sa ibang nanligaw sayo. Baka katulad nila hindi pa ako nagsisimula BUSTED na." diretsong sabi niya sa akin.
Nabitawan ko siya dahil pati pala sa mga nabusted kong mga 'magiging' suitors ko 'sana' noon, e alam niya.
Tumalikod na siya ulit at naglakad palayo sa akin. Pero habang hindi pa siya gaanong nakakalayo sakin sinabi ko na ..
"Iba ka sa kanila! Alam mo ba yung Love at First Sight?!! Yun yung mangyari sakin ngayon! Pero kailangan ko pang mag-aral! Pwede ka naman manligaw e! Pero kaya no bang maghintay ng apat na taon pa para sa sagot ko?!"
