One Shot Entry #11

1 0 0
                                    


Now Reading: The Pain Of Loving Her


His POV

Ako si Skyler Mendoza. Minahal ko lang naman siya. Pero bakit ganun? Mas pinili pa rin niyang iwan ako. Kaysa ipagpatuloy 'tong sinimulan naming relasyon? Ganun ganun na lang ba sa kanya ang lahat? Minahal ko naman siya ng lubos at tapat. Nagbago ako para sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit ganito pa rin yung natanggap ko? Sa lahat ng ginawa ko, ito lang ba yung matatanggap ko pabalik? Hindi pa ba sapat sa kanyang minahal ko siya ng sobra at binigay ko sa kanya ang lahat?

Sino ba talagang nagkulang samin? Ako, alam ko sa sarili kong hindi siya nagkulang at hindi rin ako nagkulang. Pero , ba't ganun? Humantong pa rin kami sa katapusang na ayaw kong makamtan?

Her POV

Ako si Vianca Tolentino. Minahal ko naman talaga siya. Nagsawa na lang kasi ako sa mga bagay na paulit ulit naming pinag aawayan. At isa pa, ayaw sa kanya ng magulang ko. Hindi ko maintindihan kung saang parte ba hindi niya maintindihan yung ipinapasok ko sa kokote niya. Isang araw, nagkita kami. At..

Vianca? Nagmamakaawa ako sayo. Ano bang kulang? Minahal naman kita e. Please.. Bumalik ka na. Ano bang ayaw mo sakin? Babaguhin ko para sayo. Para satin. Gagawin ko naman lahat e. Basta , wag ka lang mawala sakin. Please.. Ikaw nagpatino sakin. Wag mo naman akong iwan.. Mahal na Mahal Kita..  sabi niya sakin.

Sky! Ano ba! Hindi mo ba naiintindihan yung salitang ayaw ko na?! Saan ba banda dun yung hindi mo maintindihan?! Lilinawin ko para sayo! Ayaw ko na! Tama na! Ayaw nga sayo ng parents ko e! Pati ako sawa na sa relasyong 'to! Tigilan mo na ko! Wag mo na kong guluhin! Dun ka na lang sa Antipolo! Wag ka nang babalik pa dito!  sabi ko sa kanya. At pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya sa pulso ko.

Vianca naman! Ganun na lang ba kadali sayo ang lahat? Itatapon mo na lang ba lahat? Ilang taon tayong magkarelasyon! Ngayon ka pa ba susuko?! Ano ba, Vianca! Wag naman ganito.. Lahat gagawin ko, bumalik ka lang sakin.. Please..  pagmamakaawa niya sakin. Hindi ko alam kung sadyang mahina lang ang pick-up nito sa sinasabi ko o tanga lang talaga siya't pinagpipilitan yung bagay na hindi na pwede e.

Ano bang hindi mo naiintindihan , Sky? Ayaw ko na nga e. Diba? Ano bang mahirap intindihin dun?  sabi ko.

Ikaw! Ikaw yung hindi ko maitindihan , Vianca! Ang dali lang kasi sayong bitawan lahat ng pinagsamahan nating dalawa! Ano ba ko sayo?! Naging ano ba ko sayo?! Ano ba ko sa buhay mo?! Hindi kita maintindihan. Bakit kaya mong gawin sakin 'to? Satin. Minahal mo ba ko? O pinaglaruan mo lang ako?   panlulumo niyang sabi sakin. Ayaw ko naman talaga siyang saktan e. Pero, ito yung tama. Mas magandang ngayon ko na gawin. Kaysa umabot sa puntong maipit pa kami sa sitwasyong hindi ko kakayanin. Mahal kita Skyler. Pero, hindi tayo mabubuhay sa salitang mahal kita. Sorry..

Minahal kita , Sky! Umabot nga lang sa puntong.. hindi na tama. I mean, hindi na kaya. Kakayanin mong wala ako sa buhay mo. Kaya mo yun! Please.. Kalimutan mo na ko. Dahil, hindi na ko babalik pa sayo. Tama na. Tapos na 'to! Dalawang buwan na! To be exact! Tapos naghahabol ka pa rin?! Tantanan mo na ko, Karelle! Please lang.  sabi ko. I'm sorry , Skyler..

Vianca.. Wag naman ganito..  -Skyler

Kyler, ano 'to? Diba wala na kayo? Hayaan mo na siya.  -Kuya Marc (pinsan ni Skyler)

Kuya! Mahal ko siya! Hayaan mo na ko. Aayusin ko to. Please.. Wag mo kong pigilan!  -Skyler

Kuya Marc, uuwi na ko. Anong oras na e. Ikaw na pong bahala sa kanya. Sorry po talaga..

Walang uuwi! Hindi pa tayo tapos mag usap! Please.. Vianca.. Ayusin natin 'to.. Ayaw kong mawala ka sakin. Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng kagaguhan ko. Wag mo namang hayaang bumalik ako sa dating ako. Please Vianca! Please!   -Skyler

Ano ba! Kyler! Wag kang mag-iskandalo dito! Tama! Bitawan mo na si Vianca! Nasasaktan na siya! Kung ayaw na niya sayo, tanggapin mo na lang. Wala ka namang magagawa e. Hindi mo mababago yung desisyon niya!  -K'Marc

Ate Vianca , tara na. Dalian mo..  -Thristan (kaibigan ko)

Oo sandali lang , Thris. Harangan niyo. Tatakbo ako.  Ano ba! Sky! Uuwi na ko. Tama na. Wag mo na kong tatawagan pang muli.

Pagtapos nun, hindi ko na alam yung nangyari. Kasi, nakaalis na ko dun. Ang huling narinig ko na lang. Nagalit na siya Kuya Marc at sinabi niyang Susuntukin niya sa Sky kapag hindi siya tumigil..

Skyler's POV

Nung nagkausap kami. Wala pa ring nangyari. Ganun pa rin. Nung nakatakas siya. Nawalan na talaga ako ng pag-asang pwede pa. Pwede pang maging kami ulit. Na pwede pang bumalik ang lahat. Ako na lang pala yung umaasang magkakaayos pa kami at magkakabalikan. Matagal na niya palang natutunang kalimutan ako. Ang sakit! Para akong binagsakan ng langit at lupa. Para akong nawalan ng buhay. Nawalan ng pag-asang mabuhay. Wala na siya sa buhay ko. Ano pang silbi ko sa mundong 'to? Manloko at gumamit na naman ng babae para makalagpas ng isang araw? Magloko na naman? Nakakasawa na! Ano bang kasalanan ko?! Bakit ganito?! Nagmahal naman ako ng totoo a? Minahal ko naman siya ng wagas! Pero bakit ganito lang yung matatanggap ko?! Ano bang nagawa ko, at ganito yung nangyari sakin?

Mahal ko siya. Kaya hahayaan ko na siyang maging masaya. Kahit hindi ako yung kasama niya. Siguro, kailangan ko na ring kalimutan siya. At magpatuloy sa buhay. Pero, kung sakaling bumalik siya? Tatanggapin ko ulit siya. Pero, matututo na kong ibalanse ang lahat ng bagay na pwede kong ibigay sa kanya. Ayaw ko nang maging miserable ulit ng dahil lang sa kanya.

Atsaka, hindi ko na hahayaang bumalik pa ko sa dati. Kung ano yung binago ko, para sa kanya. Dadalhin ko pa rin. Baka kasi, kapag nagloko ako. Bawian lang ulit ako ng tadhana at saktan na naman ng sobra pa sa sobra. Hanggang dito na lang talaga ang lahat. At tinanggap ko yun. Kahit masakit.

--The End--

December 14, 2016

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now