Now Reading: Bestfriends Lovers
Lagi na lang ba ako ang magpaparaya para sa iba?
Hindi pa pwedeng sila naman ang magparaya para sa kaligayahan ko?
***
Ako si Serenity Dee. Masaya naman ako kahit papaano. Marami akong Barkada kaya masaya ako. Ako ay 15 years old. 3rd Year Student. Sa Isang pamPubliko lamang na Paaralan.
---
Alam niyo ba ngayon ay malungkot ako. At hindi yun alam ng barkada, dahil busy sila at walang paki sa pagiging Emo ko.
Alam niyo ba yung Feeling ng LAGi ka na lang Magpaparaya para sa Kaligayahan ng iba ?
Kahit na para sayo e..Sobrang sakit na ?
Ganyan lagi ang Routine ko pagdating sa Barkada at sa ibang kakilala ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang magparaya para sa kaligayahan ng iba. Pwede ko naman sabihin sa kanila na may gusto ako sa taong yun o kaya mahal ko ang taong yun.
Pero sadyang tanga nga siguro ako. Ako nga siguro yung taong martyr. Na kahit alam kong ikasasakit ko e..Tinutuloy ko pa rin.
Ganyan ko kamahal ang Barkada at mga Kakilala ko. Kahit masaktan ko na ang sarili ko Emotionally. Ayos lang basta makita kong masaya sila.
May bestfriend akong babae. Ang pangalan niya ay Joshella Lim. May dalawa sa aming barkada na lalaki ang may gusto sa kanya ..
..At yung dalawang yun ay isa sa mga hinahangaan ko.
Habang tumatagal ang isa sa kanila ay hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang pangalan niya ay Rylor Avenida. Siya ang bestfriend ni Joshella. Sa kasamaang palad. Nabalitaan kong sila na ..
..At ang masakit pa nun ay Alam ni Rylor na may gusto ako sa kanya.
Kahit na ganun ang nangyari. Hindi naman ako nagalit kay Rylor. Dahil sa umpisa pa lang naman, bagay na talaga sila ni Joshella.
Matagal nang sinasabi sa akin ni Joshella na mahal niya si Rylor. Para quits kami sinabi ko naman na may gusto ako kay Rylor kahit mas pa doon ang nararamdaman ko.
Habang tumatagal lalong masakit para sa akin. Yung tipong ako yung lagi ang kasama nila pag naglalambingan sila. Mga ganun.
Tapos naging matalik na kaibigan pa ako ni Rylor. Dahil ang sabi niya ..
"Kung sino ang bestfriend ni YAM ay bestfriend ko na din. Kaya ikaw Serenity, simula ngayon ay magbestfriend na tayo." yan yung exactly word na sinabi niya sa akin.
Nung marinig ko yun.
Parang pinagbaksakan ako ng langit at lupa. Gusto kong umiyak sa mga oras na yun. Pero hindi pwede. Dapat hindi ako umiyak sa harap nila.
Mahal ko silang dalawa.
Kaya kailangan kong magparaya.
Pangit tignan na may stupida na humarang sa kanilang pagmamahalan.
Hindi lang ako basta bastang kaibigan. Matalik na kaibigan ako.
Ako na lang ang lalayo. Ako na lang ang hindi makikipag usap sa kanila. Ako na lang ang sasalo ng sakit.
Kahit mahirap ako na lang ang lumayo.
Hanggang sa may nabalitaan ako, naghiwalay na raw sila. Alam niyo kung sino ang nagsabi sa akin? Si Rylor. Siya lang naman ang nagsabi sa akin.
Dahil 'bestfriend' niya nga ako. Ayun sinabi niya yun ng makikita mong nanghihinayang sa mga mata niya. Ang sabi niya ..
"Wala na kami ni Joshella. Nakipaghiwalay siya dahil mas pinaniwalaan niya sa Rexter, kaysa sa akin." sabi niya.
"Sana pala ikaw na lang ang pinili ko, kaysa siya. Dahil kahit na nagagalit ka na, binibigyan mo pa rin ako ng oras para makapag explain sayo ng maayos. Kaso siya ang pinili ko kaya wala na kong magagawa." dagdag pa niya.
"Wala e..Siya ang pinili mo. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. Kahit na masakit sinuportahan ko kayo. Kahit na ayaw ko, ginawa ko para sa pinagsamahan natin." sabi ko sa kanya.
Marami pa kaming napag usapan nung gabing yaon. Pero mga walang kwenta naman na yun.
Nung nabalitaan ko yun mula sa kanya. Parang nagdiwang ang puso ko. Alam kong masyadong brutal. Pero masama bang magsaya ako dahil wala na sila?
Dumaan ang ilang araw, Para kay Joshella parang wala lang yung nangyari. Back to normal silang dalawa. Pero..not totally normal. Dahil may ibang pinagbago. Ang Friends with Benefits nila ay nawala na.
Oo. Tama kayo ng binasa. Nung hindi pa sila. Ay may iba ng namamagitan sa kanila. Kaya nga sabi ko ..
"Sa umpisa pa lang. Ay talo na ako." hindi ako ganun kasabik para makipagsabayan sa kanila. May dignidad ako kaya hindi ko pwedeng gawin ang ganung bagay.
Hinayaan ko na lang ang sarili ko na makapagMove On ng hindi ko namamalayan. Isang araw ang pagtingin ko na lang sa kanya ay isang paghanga na lamang.
Doon sa isang barkada ko na lang tinuon ang kakaibang nararamdaman ko noon. Ang pangalan niya ay Loyan Macalindong. Barkada namin siya ni Joshella. Hindi ko alam na nagiging malapit na silang dalawa.
Nagkaroon din sila ng friends with benefits. Natalo na naman ako sa kanyang KARiSMA. Mukhang mas malakas ang Karisma niya at Ganda kaysa sa akin.
Ganun na naman ang nangyari. Lumayo ako at hindi sila kinausap.
Pero..Hanggang ngayon ganun pa rin ang Routine namin. Pagtuwing kaming tatlo lang naiiwan umaalis ako at sabi ko e pupunta lang ako sa ganitong lugar.
***
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpaparaya para sa kaligayahan ng iba.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging Tanga.
Hindi ko alam kung kanino na naman ako magpaparaya at kung sino na naman ang mamahalin ko nang may kahating iba.
--- The End ---
November 22,2013
