Now Reading: My Bestfriend, FOREVER.
1st Year High School kame noon, nung una ko siyang makilala.
Nung una isang malaking AWKWARDNESS ang nasa pagitan naming dalawa.
Hanggang siya na ang unang kumausap saken. Not totally usap, kase pang aasar yung ginagawa niya.
For me He is so really annoying. Hate na hate ko siya, dahil lagi niya akong inaasar.
Pero isang araw may naramdaman na lang akong hindi normal.
Yung sa tuwing tatawa siya dahil sa inaasar niya saken, parang yung PUSO ko nagpiyesta sa tuwa.
Hanggang sa isang araw lumevel up ako relasyon namin. Nagsimula sa pagiging STRANGER, hanggang sa naging FRiEND, hanggang sa naging BESTFRiEND ko siya.
Ang saklap no? FRiENDZONED lang talaga kame.
Pero siguro para sa inyo hanggang doon lang yun.
Para sa akin hindi. Dahil ..
***
Best alam mo ba? Miss na miss na kita. sabe niya sa akin thru Facebook.
aHahaha! XD Si best talaga! Lagi ka na lang nagbibiro! Pero sige, Miss na miss na rin kita. sabe ko naman sa kanya.
Best hindi naman ako nagbibiro e. Miss na talaga kita. pagpapatunay niya.
Oo nalang. sabe ko.
Tapos sa hinaba haba na ng pinagusapan namin ...
Best paano kaya kung MAHAL na pala kita higit pa sa mayroon tayo, Anong gagawin mo? biglang tanong niya sa akin.
Huh? Hindi ko alam. Pero..Siguro, Hmmm.. Tatanggapin ko kung ano yang feelings mo. Malay mo ganyan din yung nararamdaman ko diba? Chance na yun! sagot ko naman sa kanya.
ahhh.. Ganun ba? Hmmm .. Paano kaya kung totoo yung nararamdaman ko sayo? tanong ulit niya.
Edi maganda! masayang pahayag ko sa kanya.
Best alam kung hindi lang siguro ako TAKEN ngayon. Ikaw siguro yung mamahalin ko. Kaso best pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabe sayo yung nararamdaman ko. Alam mo best MAHAL na MAHAL Kita. Pasensya na ha. NaTorpe kase ako. biglang pagtatapat nya sa akin.
Ayos lang best. Pasensya ka na rin kung ngayon ko lang din 'to sasabihin. Pero.. MAHAL na MAHAL din kita. Higit pa sa pagiging magBestFriend natin. sagot ko naman.
Sige best. Out na ko. sabe niya.
Sige best, Take Care Always. Always Be A Good Boy. pang-aasar ko naman.
hahaha! Si best talaga. huling sabe niya bago magOffline.
***
Yun yung unang pagchaChat namin tungkol sa nararamdaman namin para sa isa't isa.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o Hindi.
Dahil sa Katayuan ko ngayon, Hindi na ko marunong magTiwala pang muli.
Lalo na sa mga LALAKi. Kahit pa siya na ang pinakaMAHALAGANG lalaki sa buhay ko.
Mayroon pa isang beses.
Hindi ko inaasahang sasabihin niya yun sa akin.
At yun na din siguro ang pinakamasayang ARAW sa buhay ko.
Pero sabi nga nila, Laging may kapalit ang KALiGAYAHAN.
***
Oi! sabe niya.
Baket? sagot ko naman.
Hmmm.. Best .. nahihiyang sabe niya.
Ano bang sasabihin mo at parang nahihiya ka pa? diretsong sabe ko sa kanya.
Ahmm.. Ano.. Kase... PWEDE BANG MANLiGAW? sabe niya at nagBlush pa siya bigla.
Huh? Anong sabe mo? Weh? Wag ka ngang magbiro ng ganyan. di makapaniwalang sagot ko sa kanya.
Hindi ako nagbibiro best. Seryoso ako. sabe niya sa akin.
Seryoso ka na sa mukhang yan, Best? pang aasar ko sa kanya.
Best naman! Seryoso ako dito tapos ganyan ka naman! Nakakainis ka naman best e. sabe niya na parang batang nagtraTrantums.
Sorry naman best! E sa hindi lang talaga ako makapaniwala! sagot ko sa kanya.
O ano nang sagot mo? biglang tanong niya.
Ahmm.. Si-Sige. nahihiyang sagot ko sa kanya.
****
Nung araw na yun ang pinakamasayang nangyari sa akin.
Naging kame.
Pero hindi naman pala kame magtatagal.
Dahil sa padalos dalos kong sagot sa kanya.
3 days pa lang ang pagiging magOn namin.
Tinapos ko na agad yun, kahit pa sabihin nating mahal ko siya mas higit pa sa pagiging magbestfriend namin.
Sayang yung friendship!
****
2 years after pagkatapos nun.
Naging COLD na siya sa akin. Naging kaibigan na pag may kailangan lang siya saka lang lalapit sa akin.
Tapos Doon Ko na lang naRealize na..
Hindi pala isa lang pala akong malapit na kaibigan niya.
Yung parang..Basta! Yung kaibigan ka niya pero mahalaga ka rin sa kanya.
Ganun lang.
Yun yung isang malaking PiNAGSiSiSiHAN ko sa lahat ng nagawa ko sa buhay.
Sobrang saket kase, nung una pa lang naman e.
Parang nararamdaman ko na I'm Not A BestFriend For Him.
Pero mukhang ganun talaga si TADHANA e. Sadyang mapaglaro.
Kaya kahit siguro MAHAL na Mahal ko pa rin siya hindi na niya mararamdaman yun. Kase sobrang layo na niya sa akin. Na dati abot kamay ko lang siya.
---The End---
October, 2013