One Shot Entry #09

6 0 0
                                    

Now Reading: UNFORGETTABLE KISS

Nagtatanong sa iyong mga mata ,
madalas ako'y nakatitig sa iyong mga labi.
Sa tingin ko ito'y napakalambot.
.
.
.

.

.

Pwede bang...
.

.

.

.

.

ika'y mahalikan ko?

***

Ako'y isang taong naghahangad na mapansin ang aking tinatagong pagtingin sa isang taong napaka espesyal sa akin. Hindi ko maamin sa kanya. Kasi bestfriend ko siya. Oo, bestfriend ko sya. Ang hirap ng sitwasyon ko kasi, babae ako. Oo, babae ako. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo maniwalang babae ako. Anyways, ayun nga. Mahirap ngang umamin kasi, babae ako. Nakakahiya kasi. Ayokong pagdating ng huli, ako pa yung magmumukhang talo. 

Sa buhay, may mga sekretong nabubunyag talaga. Madalas dumadating pa 'to sa puntong hindi mo inaasahan. Sa sitwasyon ko, ganun yung nangyari. Well ...

3 years ago...
Magkachat kami ng bestfriend ko, umabot kami sa puntong nagtanong siya ..
"Bes? Paano kung mahal pala kita, anong gagawin mo?" -siya
"Gagawin ko? Edi, mamahalin din kita. Hindi ka naman mahihirapan e. Mahal din naman kasi kita." -ako.
"Huh? Hindi nga bes? Mahal mo ko? As in, yung love talaga? -siya
"Oo nga kulit nito!" -ako.
Hindi ko napansin napaamin na pala ako sa kanya. Ilang minuto ang lumipas. Wala pa rin siyang reply. Hanggang sa tinignan ko ulit yung nireply ko sa kanya. At.. &^#%*(*#&%()&^ Nakng tinapang nahulog sa imburnal naman o! Bakit ganun yung sinabi ko??!!
"Bes! Ano.. Ahm.. Kung sakali lang naman na mahal mo ko diba? Yun yung point ko. Hehehe.." -ako
"Hindi e. Bes, hinintay kong magganyan ka within 1min. dahil kung nagbibiro ka lang ganun yun e. Dahil ganun yung ginagawa mo pag nagbibiro ka. Ngayon, bes. Iba e. Yung totoo? Mahal mo ba talaga ako? -siya
"Huh? Bes, ano ka ba naman? Malay mo naclose ko lang yung chatbox natin, tapos hinihintay ko yung reply mo. Diba? -ako
"Hindi bes. Imposible. Pagdating sakin, hindi mo ginagawa yan. Mabilis kang magreply. Yung tipong kakareply ko lang may reply ka na agad. Sige na, bes. Ano? Mahal mo ba ko?" -siya
"Hays.. Para namang may magagawa pa ko. Oo na. Mahal kita. Happy? Sige na, ireject mo na ko. Sorry kasi, nainlove ako sayo. Ayan na, okay ka na?" -ako
"Bes? Ano ka ba? Okay na okay sakin. Akala ko, ako lang yung nagmamahal dito. Pero.. mahal mo rin pala ako. Grabe bes! Kaso.. Oo, mahal kita. Pero, hindi tayo pwede. May girlfriend ako e. Alam mo naman yun diba?" -siya
"Oo naman! Ano ka ba?! Okay lang 'to! Mas maganda na yun. Mas makakapag isip isip pa tayo. Malay mo bugso lang ng damdamin 'tong nararamdaman natin diba?" -ako
"HAHAHA! Oo nga bes! Hindi naman kasi pwedeng dalawa ang mahal ko." -siya
"HAHAHAH! O'diba? Sige na bes. Out na ko. Babush!" -ako

Then, ayun na nga yung nangyari. Heartbreak ang nakuha ko sa nalaman ko. Kung matagal ko na sigurong inamin. Matagal na sigurong naging kami. Ako siguro yung minamahal niya nun. Hindi yung 1st girlfriend. Edi sana ako ang 1st girlfriend niya. Kaso ganun talaga ang buhay. Kung para sayo, para sayo talaga. Kung hindi, edi hindi. 

Balik tayo sa kasalukuyan..
Ilang taon na ang nakalipas simula nung aminan porsyon na yun. Naging kami rin nun, pero parang hindi, na parang Oo. Basta, yun na yun. Sandaling, nagbreak ang friendship namin dahil, sa relationship na paudlot udlot. Pagdating nung 4th year high school namin. Bumalik din naman ang friendship namin. Pero, hindi na siya ganun kalinis katulad noon. Pero again, okay lang. Dahil atleast bestfriend ko ulit yung taong mahal ko. Oo, hanggang sa nagfourth year. Siya pa rin. Sa totoo lang, hanggang ngayong, 1st year college, 2nd sem na. Ganun pa rin yung nararamdaman ko para sa kanya. Masochista diba? Wala e. Mahal ko e. Itatago ko na lang. Kasi, baka masira ulit yung bagay na ayoko nang masira pa ulit.

Pero, ito talaga yung hindi ko malilimutan. Naganap ang unang halik naming dalawa. Grabe! Alam mo yung feeling?! Para kang lumilipad sa ere!

Ang nangyari kasi nun..
Nanonood kami ng anime sa bahay. Syempre, sa sala lang kami. May pagkababaeng pilipina pa naman ako noh. Pero, sensitive pagdating sa ayos nang kwarto. Syempre, lalaki pa rin siya at babae ako. May mga bagay talagang hindi dapat ipaalam sa bestfriend mong lalaki.

Anyways, ayun na nga. Nanonood kami ng anime. Nagkita kasi kami sa malapit na mall sa bahay ko. Then yun, nood kami. Hanggang sa sinabi niyang parang inaantok siya. Then, inayos ko yung sofa. May nakalagay na unan sa may lap ko. Then, tinap ko. Sabi ko, "Dito ka na umulo o." Tas sabi niya, "Sige, wait lang."

Tapos ilang minuto lang. Humiga na siya sa lap ko. Then, nood pa rin kami. Hanggang sa parang nakaramdam ako nang antok. Share lang, pag inaantok kasi ako pero may kasama ako, babae man o lalaki. Hilig kong hawakan yung leeg o kaya yung tenga. Not totally, hawak. Parang kiliti ganun.

Tapos, nung tinerace ko yung tenga niya hanggang sa may pinakaopen nung tenga, nakiliti siya bigla. So bale, natawa talaga ako. Hanggang sa yung sa may bandang batok naman. Ganun ulit yung nangyari. E.. natuwa ako sa reaksyon niya. Ayun, inulit ko nang inulit yun. Hanggang sa naisipan kong ihipan yung tenga niya. Then, suddenly..

.

.

.

.

.

.

.

he kiss me ..

Paano, nakahiga siya sa lap ko diba? Then, yumuko ako para ihipan yung tenga niya. Then , yung kamay niya, biglang hinawakan yung batok ko. Then, pumihit paharap sakin yung mukha niya. Then, yun! Kiniss niya ko. Hindi ko alam kung lumaki pa yung mata ko, or what. Pero, feeling ko, lumaki e. HIndi ko ineExpect na kaya niyang gawin sakin yun. Dahil ilang taon na ang nakakalipas!

Guys! Hello! 1st year high school pa yun! 1st year college na kami! Hindi ko alam kung bibigyan ko nang malisya yung ginawa niya. Dahil, wala siyang sinasabi sakin.

Pero, ito lang masasabi ko, hindi na ko umaasang magkakaroon ng malisya ang ginawa niya sakin. Dahil ang lalaking bestfriend ko, noong high school kami. Malaki na ang pinagbago nung tumungtong na kami sa kolehiyo.

Ang laki na nang pinagbago niya. Party Goer na siya, marami na siyang babaeng naikama, at higit sa lahat. Ayaw na muna niya nang seryosong relasyon, kasi "He don't make love, He fuck hard." <|3

--The End--

November 25, 2015

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now