SALUBONG

201 6 0
                                    

I would like to dedicate this story to my followers namely: JehanObid, khyemarian,chix05,LuisaPadills,LeaAnnMontederamos,jandria05 & AishacolynFranco

thank you guys for following me & reading my stories... :-) dahil sa inyo lalo akong magpipilit gumawa ng kwento kahit na hinde naman ako talaga magaling na writer... hehehe....



Itago nyo ako sa pangalang Bibe bunso sa magkakapatid, college student ako sa isa sa mga sikat na university sa morayta..


at ito ang kwento ko...............

Ansakit na ng mga paa ko sa kakalakad sa buong divisoria sa katunayan nalibot ko na ang lahat ng mall na nandito pero wala parin akong nagugustuhang damit na isusuot ko para sa Defense ko, marami naman akong nakitang magaganda, ewan ko ba kung bakit hinde ko makuhang bilhin sila kaya nga nagulat at nagtaka ako sa sarili ko kung bakit bigla kung binili ang white polo na nakita ko na naka hanger sa booth na pinagbilhan ko...

Pag-uwi ko sa bahay namin ay tinanong ako ng ate ko kung saan ako nanggaling at gabi na ako umuwi


Galing akong divisoria bibili sana ako ng isusuot ko para sa defense ko , ang sagot ko sa ate ko


Yan ba ang nabili mo yang hawak mo? Patingin nga ako,YY ang sabi nang ate ko habang nakatingin sa paper bag na hawak ko..

Inabot ko sa kanya ang paper bag na hawak ko at dali dali niyang nilabas ang laman nito..


Ito Ba ang isusuot mo sa Defense mo? Eh simpleng white polo lang ito ah! Ang reaction ng ate ko pagkakita sa binili ko.


Hinde yan ang isusuot ko no, ewan ko nga ba kung bat binili ko yan eh hinde naman ako mahilig sa polo saka wala rin naman akong pang gagamitan nyan.. ang tinatamad na sagot ko sa ate ko...


Yun naman pala eh, bat binili mo pa? ikaw masyado kang magastos ah, hinde ka mayaman para bumili ng kung ano-ano lang ang sermon ng ate ko sa akin


Dahil sa pagod at masakit narin ang mga paa ko hinde ko nalang pinansin ang ate ko at dumiretso nalang ako sa kwarto para matulog...



Lumipas ang tatlong araw nagmamadali akong pumunta sa bahay ng pinsan ko para makigamit ng computer nila.... Habang nag ta type at tutok na tutok ang atensyon ko sa computer ay pumasok ang auntie Abby ko ( kapatid ng mama ko) sa kwarto kung saan ako ng cocomputer


Kamusta na si nine? (tawag nila sa mama ko) ang pangangamusta ng auntie ko.


Ok naman cia auntie, madalas ka niya hanapin nakakatawa nga eh kase pag hinahanap ka niya tapos di ka nya nakita biglang magagalit kase tumakas ka na naman daw para mag disco.. tapos si auntie jho at angkol bobby pinapagalitan din niya kase nga daw pintakas ka nila.. (mga kapatid din ni mama na hinde na nag sipag-asawa at kasama namin sa bahay) ang kwento ko sa auntie ko. ( actually may sakit ang mama ko at minsan bumabalik ang pag-iisip niya sa panahon na dalaga pa cia pero kahit ganon ang sitwasyon ng mama ko humahanga parin ako sa kanya dahil kahit na hinde na niya naa-lala ang kasalukuyan never naman niya kaming nakalimutan na mga anak niya)

TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon