KALULUWA

94 4 0
                                    

For MaryJeanDecatoria

salamat sa pakikipag kaibigan at salamat sa suporta sa takot ako!! (compilation of true horror story)

Tutal naman lagi na tayo nag cha chat i follow mo narin ako para masaya!!! hehehe.....


*********************************************************************************



Habang bumibili ako nang fishball sa kanto ng lugar namin ay may lumapit sa aking lalaki hinde ko siya pinapansin hinde dahil sa hinde ko siya kilala... sa katunayan niyan kilala ko siya! hinde ko lang siya pinapansin dahil naiinis ako sa tinatanong niya sa akin, sa totoo lang naiinis ako sa mga taong laging nagtatanong tungkol sa ate maita ko. Nakakainis kase sa bawat tanong nila sa akin pakiramdam ko naman ay para akong sirang plaka na paulit-ulit na sumasagot sa mga tanong nila......

Dinedma ko nalang yung lalaking nagtatanong sa akin at nagkunwari ako na hinde ko siya naririnig pero hinde ko alam na manhid pala ang lalaking ito dahil hinde siya makaramdam na ayoko siyang kausapin...

Ilang beses parin niyang tinanong sa akin ang tanong na kinaiinisan ko kaya't tinignan ko nalang siya ng matalim then tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya pero bigla akong napahinto sa paglalakad dahil mayroon siyang sinabi sa akin na nakakuha ng atensyon ko kaya dahan dahan akong lumingon sa kanya at deretsahan ko siyang tinanong


Ano yung sinabi mo?? Ang mejo mataray na tanong ko sa lalaki


Sabi ko asan ba ang ate maita mo? Puede ko ba siyang makausap?? By the way im anjo friend ako nag ate mo, ang nakangiting sabi niya sa akin


kilala kita, nakikita kita minsan kausap mo si lanie at ate maita, ang malamig na sagot ko sa kanya


ahhh, akala ko kase hinde mo ako kilala hinde mo kase ako pinapansin kahit na kinakausap kita.. ang nakangiti paring sabi niya sa akin...


tama ba yung narinig kong sinabi mo kanina na last week nakita mo si ate maita sa tindahan namin pero hinde mo lang kinausap kase nagmamadali ka dahil male late kana sa pagsamba? Ang curious na tanong ko sa kanya


oo tama yun, may photo shop na kase ako ngayon then balak ko sanang kunin ang ate mo bilang photographer usapan kase namin yun dati na kapag nakapagpatayo na ako ng sarili kong photo shop siya ang kukunin kong photographer nito , kaya lang nung last year pa namin huling napag-usapan yung balak namin na yun. ang kwento niya sa akin


last year? Ang nagtatakang tanong ko sa kanya


nakasalubong ko kase siya nung October last year sa morayta sa harap ng school nila hinde ko nga lang naitanong sa kanya kung anong ginawa niya sa school nila.... Kase napukos yung usapan namin sa balak ko at pumayag naman siya sabi pa nga niya sa akin sabihan ko lang siya if matuloy ang photo studio ko .. ang kwento niya sa akin..


talaga nakita mo ang ate ko last year?? Ang hinde makapaniwalang tanong ko sa kanya


oo nga bakit ba? asan ba si maita? Bihira ko nalang kase siya Makita sa tindahan nyo then kung Makita ko man siya lagi naman wrong timing dahil hinde ako puedeng makipag kwentuhan sa kanya kase nagmamadali ako dahil baka malate ako sa pagsamba.. ang mahabang paliwanag niya

TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon