Namatay at nailibing ang ate maita ko na hinde man lang siya nasilayan ng mama ko, Nakakalungkot mang isipin na hinde man lang nabigyan ng pagkakataon ang isang mabuting ina na makapag-paalam man lang at makita kahit sa huling sandali ang pinaka mabait niyang anak......
Masakit sa amin na hinde ipaalam sa mama ko ang nangyari sa ate maita ko ngunit bilang mga anak niya mas pipiliin namin na hinde nalang siya makapag-paalam pa sa huling sandali sa ate maita ko, hinde namin kayang sumugal sa kakahinatnan kung malalaman nang mama ko na namatayan siya nang isang anak... alam ko na matapang ang mama ko pero alam ko rin na mahal na mahal ng mama ko kaming mga anak niya kaya sigurado kami na hinde kakayanin ng mama ko na malamang iniwan siya nang kahit na sino sa isa sa amin.
Hinde na nakakalakad pa si mama dahil aksidente siyang nadulas ilang buwan bago namatay si ate maita, Hinde narin siya gaanong nakakapagsalita pa dahil sa pangatlong stroke na pinagdaanan niya ay ang dila niya ang napinsala masyado.. kaya masisi nyo ba kami kung natakot kaming ipaalam sa kanya ang nangyari???? masisisi mo ba kami kung natakot kaming baka pati ang mama ko mawala sa amin???? dahil kami wala kaming pagsisisi at alam ko na kahit si ate maita ay naiintindihan niya kami....
Ngayon naniniwala na ako sa kasabihang nararamdaman ng isang ina kung may nangyaring masama sa anak niya... Dahil alam namin kahit hinde namin sabihin sa mama ko ang nangyari ay alam nito na may nangyaring masama sa ate maita ko dahil noong araw na inilibing si ate maita ay umpisa rin nang araw nang pag-iyak ni mama...
Simula nag inilibing ang ate maita ko araw-araw nalang nakikita ko na bigla nalang iiyak ang mama ko kasabay ng pag-iyak niya ang pagturo niya sa litrato ng ate maita ko na nakasabit sa dingding ng sala namin... umaga, tanghali, gabi at madaling araw maririnig mo ang pag-iyak ng mama ko, nung una nagtatanong pa ang mga kapitbahay namin kung ano ang nangyayari sa mama ko kung bakit palagi itong umiiyak pero kalaunan ay nasanay narin ang mga kapit bahay namin sa iyak ni mama...
Pero ang pag-iyak ni mama ay unti-unting nababawasan kapalit nito ay ang maganda naman niyang ngiti, Ayaw namin mag-isip, ayaw rin naming maniwala pero paano namin iiwasang hinde mag-isip ng masama kung makikita mo ang mama mo na may nginingitian sa ibat-ibang parte ng bahay namin sa magkakaibang oras at araw? na para bang may kumakausap sa kanya na taong siya lamang ang nakakakita????
Hinde kami naniniwala sa mga maligno, engkanto, multo, aswang at lalong lalo na sa mga kaluluwa pero sa mga nasaksihan namin kay mama parang gusto kong mag-isip totoo nga ba sila??
Isang madaling araw nagising ako sa malakas na iyak ni mama, dali dali akong tumakbo papuntang sala kung saan natutulog ang mama ko, nakita ko siya na nanginginig at takot na takot... nakaturo ang kamay niya sa gilid ng tv namin... niyakap namin siya, inalo namin siya para matanggal ang takot niya ngunit walang nangyari iyak parin siya nang iyak tinanong namin siya kung ano ang nakita niya sa pamamagitan nag pag senyas niya at sa pautal-utal na salita niya nasabi niya rin sa amin ang kinakatakutan niya..
May nakita daw siyang malaking lalaki, maiitim daw ito at may mahabang balbas... walang suot na damit pang taas naka tayo daw iyon malapit sa may tv namin at nakatingin sa kanya...
Noong mga oras na iyon ay kaaalis lang nang uncle bobby ko para mamili sa balintawak ng mga paninda kaya dali-dali siyang hinabol ni kuya at pinabalik sa bahay namin... pinakita namin kay mama si uncle bobby naisip kase namin baka naalimpungatan ang mama ko at ang nakita niya lang ay ang uncle bobby ko malaki rin kasing tao ang uncle ko at may balbas din ito, pag kakita ni mama kay uncle bobby ay umiling -iling ito kaya ang ginawa namin ay pinatayo namin ang uncle ko sa lugar kung saan nakita ni mama ang lalakeng sinasabi niya pagkatayo ni uncle bobby doon ay pinahubad naman namin sa kanya ang t-shirt niya tinitigan naman siya ni mama pero makikita mo parin ang takot sa mata niya... pinilit namin siyang kumbinsihin na baka si uncle bobby lang ang nakita niya kaya wag na siyang matakot... sobrang pula na kase ng mukha ni mama at natatakot kami na baka tumaas ang dugo niya kaya pinakakalma namin siya... ngunit kahit anong pakalma namin ay hinde siya kumakalma... alam ko na mahihirapan kaming gawin iyon, palinga-linga lang si mama sa amin at iniikot niya ang paningin niya sa kabuuan ng sala namin nararamdaman ko parin ang panginginig niya at makikita mo parin ang takot sa mga mata niya.. pero maya maya lang ay huminto ang tingin niya sa isang direction makikita mo ang reaksyon ng mukha at mata niya na para na naman siyang may kausap..
pagkatapos ng ilang minutong nakatingin lang siya sa direction na iyon ay bigla na siyang kumalma at maya-maya ay ngumiti na ulit siya...
noong mga oras na yun hinde ko naiwasan ang hinde umiyak, naiyak ako kase natakot ako para sa mama ko, naiyak ako kase natakot ako sa isipin na sino ang lalakeng nakita ni mama?? at mas naiyak ako sa kadahilanang kumalma si mama, diba sinabi ko kanina na alam kong mahihirapan kaming gawin iyon? wala ni isa man sa amin ang makakayang pakalmahin siya dahil iisang tao lang ang may kakayahang gumawa noon at iyon ang ate maita ko.....
Ayaw ko maniwala sa mga kaluluwa dahil para sa akin pag namatay na ang tao wala na siyang kakayahan pang mabuhay sa mundong ito.. pero tama nga kaya ang paniniwala ko?? naaalala ko pa ang kwento sa akin ni kuya nung mamatay si ate maita ay napaginipan niya ito tinawag daw siya nito at sinabi niya sa kuya ko na hinde niya kayang umalis sa bahay namin dahil babantayan at aalagaan pa daw niya ang mama ko...
maaring panaginip nga lang iyon pero ang sabi nila kadalasan ang panaginip ay totoo...
kung ano man ang katotohanan sa lahat ng ito isa lang ang alam ko mahal na mahal ni ate maita ang mama ko at hinde siya papayag na may mangyaring masama dito.....
BINABASA MO ANG
TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)
Horrorsadyang mahiwaga ang mundong kinabibilangin natin may mga taong nakakaranas nang hinde maipaliwanag na kababalaghan maaring sasabihin ng iba ito ay kathang isip lamang pero para sa may akda ito ay pangyayaring nangyari sa totoong buhay na naranasa...