Doppelgangers

71 4 5
                                    

I would like to dedicate this story to liliyjoycanja.. thanks for reading & voting my stories... :-)

                  ************************************************************************


Sampu kami dating nakatira sa bahay namin ang dalawang uncle ko si auntie jho (mga kapatid sila ng mama ko na hinde na nagsipag-asawa pa, sila ang katulong ni mama sa pagpapalaki sa aming magkakapatid) ang mama ko, si kuya, si ate yasi,ate maita, ako at ang dalawa ko pang pinsan si ate gracia at ate gems (magkapatid sila)

Nung naka graduate na nang college si ate gems at nagkaroon na siya ng trabaho ay bumukod na sila ni ate gracia sa amin kasama ng iba pa nilang kapatid.... Year 2008 naman nung mamatay ang isang uncle ko.

Ang sampu na dating nakatira sa bahay namin ay naging pito nalang at pagdating nang 2002 ay parehas naman namatay ang mama at ate maita ko kaya sa pitong nakatira sa amin ay naging lima....

At mula sa lima ay naging apat nalang kami nang mag-asawa ang kuya ko at nanirahan sila sa malayong probinsiya...



Mula sa Masaya at maingay na pamamahay ay nabalot ito ng lungkot at katahimikan dahil tuwing araw ay mag-isa lang akong naiiwan sa bahay dahil ang auntie at uncle ko ay naghahanap buhay at ang ate yasi ko naman ay busy sa activity ng church nila. Tuwing gabi lang kami nagkikita kita at madalas hinde pa kami kumpleto dahil kung hinde si ate yasi ang wala ay ang uncle ko naman....

Hinde ako nasanay sa ganuong buhay dahil kahit na nag-aaway away kami minsan sa bahay ay hinde maitatatwang Masaya at nagmamahalan ang aming pamilya never naming naranasang magkakapatid ang malayo sa isat-isa kaya nung dumating ang malaking pagbabago sa buhay ko ay hinde ka agad ako naka pag-adjust sa buhay ko... sa tuwing naiiwan ako mag-isa sa bahay namin ay hinde ko maiwasang makaramdam ng lungkot at para maiwasan ko ang kalungkutan at makalimutan ang mga pangyayari sa buhay ko ay ginawa kong sentro nang buhay ko ang barkada...

Kung dati na bahay, school at tindahan lang umiikot ang buhay ko ngayon halos tatlong beses sa isang lingo kung mag disco kami nang barkada ko, kung dati na hinde ako marunong uminum at mag yosi ngayon ay expert na ako doon... Sa isang iglap biglang nagbago ang pagkatao ko.....

Hinde na ako gaanong nakakaramdam ng lungkot sa tuwing nasa bahay ako dahil hinde naman na ako naiiwang mag-isa sa dahil ang ibang barkada ko ay halos nakatira narin sa bahay namin, doon sila kumakain at natutulog....


Bibe saan na naman ba kayo gumimik nila junjun kagabi? Ang tanong sa akin ng ate yasi ko isang gabing umuwi siya sa bahay...


Hinde kami umalis kagabi noh! Ang sagot ko sa kanya habang nagbabasa ako ng pocket book


Puede ba wag ka nang mag sinungaling pa sa akin, Nakita ko sila kagabi noh! Ang naiinis na sabi sa akin ng ate ko.. (naiinis siya hinde sa barkada ko, actually close niya at ni auntie jho ang mga barkada ko kahit ang uncle bobby ko ay malaki ang tiwala sa dalawang bakla na barkada ko Madalas pag hinde siya sa bahay matutulog pag gabi ay sinasabihan niya ako na doon ko nalang patulugin ang dalawa sa bahay namin para kahit paano ay may kasama daw kaming lalaki... kase kahit na bakla ang dalawang iyon ay lalaking lalaki naman ang itsura at pangangatawan nila.. Alam ko kung bakit naiinis ang ate ko sa akin dahil iniisip na naman niyang nagsisinungaling ako sa kanya.

Nandito sila kagabi? eh hinatid ko nga sila sa sakayan kahapon ng umaga ah!! Wag mong sabihin sa akin na bumalik sila agad dito? Imposible naman ata na gumimik sila ng hinde ako kasama! Ang sabi ko sa ate ko

TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon