Nung taong December 2004 ay naisipan nang kuya ko na pauwiin kami sa visayas kung saan sila na ninirahang mag-asawa at dahil dito ay napalayo ako sa aking barkada. Bumalik ako sa maynila nung june 2005 pero kasabay nang pagbalik ko sa lugar na kinalakihan ko ay ang malaking pagbabago sa buhay ko.. Unti-unti umiwas na akong sumama sa barkada ko sa mga gimik nila (iniwasan ko na ang gumimik sa malalayong lugar, mag disco at higit sa lahat ang makipag-inuman kasama nang mga kaibigan naming lalaki) Si icel at rose ay nagkaroon nang conflict dahil sa isang lalaki, kaya naisipan ni rose na lumayo pansamantala sa amin. Si junior at junjun naman ay naka kilala nang bagong grupo na parehas din nang gender nila dahil doon tuluyan nang nagkalayo-layo kaming magkakaibigan pero kahit na hinde na kami madalas magsama tulad nang dati ay nanatili parin naman ang aming pagkakaibigan..
Hinde nagla-on ay nagkaroon ako nang mga bagong kaibigan na mga kapitbahay rin lang namin, sila ang madalas kong makakwentuhan pag naiisipan kong tumambay sa labas ng bahay namin, Naka graduate na nga pala ako nang college yun nga lang wala parin akong trabaho sa kadahilanang ayaw ko pa muna magtrabaho, gusto ko munang magpahinga mula sa mahaba-habang panahon na ginugol ko sa aking pag-aaral... ( ang totoo po nyan nag stop ako ng 1yr sa college para mag give way sa mga nakakatanda kong kapatid kaya nung bumalik ako sa pag-aaral ay wala na akong pahi-pahinga dahil pati summer classes ay hinde ko pinatawad nag-aaral parin ako kahit summer para madali akong makagraduate)
Isa lang ang hinde nagbago sa buhay ko, Yun ay ang pagtambay-tambay ko parin sa gabi at madalas ay madaling-araw parin ako natutulog kaya tanghali na ako na gigising para kumain at maglinis nang bahay namin (hinde ako yung tipo ng taong mahaba ang oras kung matulog kahit pa puyat pa ako, kadalasan pag madaling-araw na ako natutulog mga 9:00 or 10:00 am ay gising na ako).
Pagkatapos ko naman gawin lahat ng mga gawaing bahay ay mahihiga ako sa sofa namin na malapit sa bintana namin habang magpapalipas oras naman ako sa panonood ng tv (kadalasan ang mga barkada ko ay hapon na nagigising kaya hinde rin ako tumatambay sa labas pag tanghali) at habang nanonood ako nang tv ay hinde ko namamalayan na nakakatulog na pala ulit ako, magigising nalang ako na humihingal at pagod na pagod at pag ganito ang pakiramdam ko pag gising ko isa lang po ang ibig sabihin noon.........
Binangungot na naman ako!!!
Napapansin ko na madalas akong bangungotin pag natutulog ako sa sofa namin madalas na nakikita ko sa panaginip ko ay mga nakakatakot na nilalang na nakatingin lang sa akin habang ako ay natutulog at mararamdaman ko nalang na gising na ang diwa ko, aware ako na nanaginip lang ako ngunit gustuhin ko mang imulat ang mata ko para magising ako ay hinde ko magawa, Pag ganoon na ang sitwasyon ko pinipilit ko talagang maigalaw ang mga kamay ko at imulat ang mga mata ko at bandang huli ay lagi akong nagtatagumpay yun nga lang pagod na pagod at nanghihina na ako pag gising ko...
Ang mga ganoong pangyayari sa buhay ko ay nai-open ko sa ate yasi ko pinayuhan naman niya ako nang dapat kong gawin kung sakaling mangyari daw ulit sa akin yun. Ang sabi nang ate ko ang mabisang panlaban sa bangungot ay ang DASAL.
Isang tanghali na nagising ako para kumain at maglinis ay bigla akong napahiga dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko, pagtumatayo ako at iminumulat ko ang mga mata ko pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid ko kaya hinayaan ko nalang muna ang sarili ko na humiga.
Dahil nga sa masama ang pakiramdam ko ay hinde ko nagawang makapunta sa tindahan ng auntie jho ko para humingi nang pambili nang pananghalian ko at dahil doon ay nagtaka si auntie jho kaya naisipan niya akong icheck sa bahay...
BINABASA MO ANG
TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)
Horrorsadyang mahiwaga ang mundong kinabibilangin natin may mga taong nakakaranas nang hinde maipaliwanag na kababalaghan maaring sasabihin ng iba ito ay kathang isip lamang pero para sa may akda ito ay pangyayaring nangyari sa totoong buhay na naranasa...