Isa sa paborito kong tambayan noong bata pa ako ay sa bubongan namin, na-aalala ko pa noon tuwing papagalitan ako ng mga tao sa bahay namin ay umaakyat ako sa bubongan namin para magtago at magpalipas narin ng sama nang loob...
Noong mga panahon na yun ay wala pa sa kapitbahay namin ang may second flor ang bahay kaya sa tuwing aakyat ako sa bubongan namin ay ang nakikita kong tanawin ay ang mga bubongan din nang mga kapitbahay (ibig sabihin na wala sayong makakakita pag nasa bubongan ka depende nalang kung may mga kapitbahay ka na aakyat din sa bubongan nila)
Masarap tumambay sa Bubongan namin dahil sa mahangin at makulimlim dito gawa nang natatakpan ito ng mga dahon ng punong mangga na nakatayo sa gilid ng bahay namin kaya madalas tuwing tanghali ay dito ako natutulog.
Naaalala ko pa nga nung bata pa ako pag pumupunta sa amin ang magkapatid kong pinsan na sina sheryll at Roslyn ay madalas na umaakyat kami sa bubongan namin para mag picnic, Kumukuha ako nang malalaking patatas sa may tindahan namin at lulutuin ko yun na parang French fries tapos bumibili kami nang cake o junk food, yun yung madalas naming kainin kapag umaakyat kami sa aming bubongan..
May isang pangyayari pa nga na nagkagulo na ang mga tao sa bahay namin sa pagahahanap sa ate maita ko dahil mag -gagabi na ay hinde pa siya umuuwi sa bahay at kalaunan ay nakita rin siya nang kuya ko na natutulog lang pala sa may bubongan namin (nakatulog siya sa sobrang pagod mula sa paglalaba ng mga damit namin dahil noong mga panahon nayon ay wala pa kaming washing machine kaya mano-mano sa paglalaba ang ate ko)
May mga pagkakataon pa na umaakyat kami doon at ang iba ko pang kababata sa tuwing kapanahunan na nang tag bunga nang mangga para kumuha nang bunga nito.
Maraming magagandang ala-ala ang naiwan sa akin ng bubongan namin ngunit meron ding pangyayari doon na hanggang ngayon ay nagpapatayo ng balahibo ko sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang ala-alang iyon......
Alas onse nang gabi sa may bubongan namin ay masaya kaming nag-uusap ng barkada kong bakla na si jovee (kapatid siya ng bestfriend kong si junjun) habang ang isa ko namang tropa na si melai ay nakahiga sa semento na nagsisilbing fire wall nang kapitbahay namin. Nakahiga ako patagilid at nakaharap ako sa right side habang si jovee naman ay nakaupo sa paahan ko paharap sa akin samantalang si melai ay nakapwesto sa likuran ko nakahiga rin siya patalikod sa akin mejo malayo siya sa amin nang mga isang talampakan hinde siya sumasali sa usapan namin ni jovee nakahiga lang talaga siya at nagpapahinga. (may time na tumatambay kami ng tropa ko sa may bubongan namin tuwing gabi basta maliwanag ang buwan, pare-parehas kaming hinde matatakutin kaya okay lang sa amin na tumambay doon kahit na dis-oras pa nang gabi)
Nagtatawanan kami ni jovee nang bigla naming narinig na nagsalita si melai
Wag tol!! ang sabi ni melai
Napahinto kami ni jovee sa pag kukwentuhan at nagkatitigan tanda na nagtataka kami sa sinabi ni melai pero maya-maya lang ay pinagpatuloy ulit namin ang kwentuhan namin at hinde nalang namin pinansin ang sinabi ni melai
At habang nasa kasarapan kami nang aming usapan ni jovee ay bigla kaming napahinto dahil narinig na naman namin na nagsalita si melai but this time pasigaw na ang pagkakasabi niya
Wag kase tol! kita ninyong nagpapahinga ako dito iniistorbo nyo ako! Ang sigaw ni melai
Nagkatinginan ulit kami ni jovee at sabay pa kaming tumingin sa lugar kung saan nakahiga si melai nakita pa namin siyang pinapagpag ang laylayan ng likod ng short niya...
BINABASA MO ANG
TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)
Horrorsadyang mahiwaga ang mundong kinabibilangin natin may mga taong nakakaranas nang hinde maipaliwanag na kababalaghan maaring sasabihin ng iba ito ay kathang isip lamang pero para sa may akda ito ay pangyayaring nangyari sa totoong buhay na naranasa...