Itinayo ang bahay namin noong taong 1984 ang papa ko ang mag-isang nagpakahirap para magawa ang aming mumunting bahay... Nung panahon na yon ay apat palang ang nakatayong bahay sa lugar na iyon at halos magkakalapit lang ang agwat nila, sa harapan ng pang-apat na bahay itinayo ang bahay namin at kami ang panglimang pamilya na nanirahan sa lugar na iyon. Naaalala ko pa nung una kong makita ang lugar na iyon natatakot akong maglakad mag-isa doon dahil sa puro talahiban ang kapaligiran nito.
Simple lang ang pagkakagawa ng bahay namin pagpasok mo sa pinto ay ang sala namin ang una mong makikita at mula sa sala ay may pintuan na natatakpan ng kurtina iyon naman ang daanan papunta sa kusina namin deretsuhin mo lang iyon ay may makikita kang pintuan na gawa sa yero iyon naman ang daanan papunta sa cr namin, sa gilid ng cr namin ay may isa pang pintuan palabas sa likuran namin kung saan makikita mo ang sampayan at mga punong langga at abokado na tinanim ng papa ko. Sa kaliwang bahagi naman ng kusina namin ay may isa ulit na pintuan na natatakpan ng kurtina ito naman ay daanan papunta sa kwarto namin.
Taong 1985 nung mamatay ang papa ko at doon din una akong nakarinig nang masamang obserbasyon tungkol sa bahay namin.. Marami ang nagsasabi na kaya namatay ang papa ko ay dahil minalas daw kami at ang tinuturong dahilan nila ay ang semento na nasa harapan ng pintuan namin. Hugis kabaong daw kase ang sementong iyon kaya kamalasan daw ang dala niyon sa pamilya namin.. Dahil doon pagkatapos ilibing ng papa ko ay pinagiba nang mga uncle ko ang sementong iyon at nung nagdalaga na kami ay naisipan ng uncle tommy ko na ipaayos ang bahay namin.. ang dating maliit na garden sa harapan ng bahay namin ay nawala at napalitan ito nang magandang terrace, ang kusina namin na gawa sa kahoy ay pina tiles naman ng uncle ko at ang dating likuran namin na tinataniman ng mga punong langga at abokado ay pinatayuan ng uncle ko nang kwarto naming mga babae.
2nd year college naman ako nang makarinig ako ng mga hinde kapanipaniwalang bagay tungkol sa bahay namin.. Isang hapon iyon pag-uwi ko galing sa school ay may naabutan akong albularyo sa bahay namin, nung una nagtataka pa ako kung bakit may ganoon sa bahay namin hanggang sa nakita kong lumabas ang uncle roldan ko mula sa kwarto namin kasama ang asawa nito at ang lola ko... ( si uncle roldan ay bunsong kapatid ng mama ko)
Nagkasakit ang uncle roldan ko at pinagamot siya sa doctor sabi nila ay nagkaroon daw nang nervous breakdown ang uncle ko mula nang mamatay ang uncle tommy ko, pero kahit na anong inom ng uncle roldan ko nang gamot na nireseta sa kanya ng doctor ay hinde parin ito gumagaling kaya naisipan ng uncle bobby at lola ko na ipagamot nalang ito sa isang albularyo at para hinde mag-alala ang dalawang anak nito na sina sheryll at roslyn sa kalagayan ng uncle roldan ko ay sa bahay namin ito ipinagamot nang lola ko.
Habang ginagamot ng albularyo ang uncle roldan ko ay nakaupo lang ako habang nanonood sa kanila katabi ko ang mama at kuya ko. Pagkatapos gamutin ng albularyo ang uncle ko ay narinig ko itong humingi nang pahintulot sa uncle bobby ko na kung puede ay gusto niyang makita ang kabuoan ng bahay namin... Pagkatapos niyang malibot ang buong kabahayan ay pinatawag niya kaming lahat...
Sabi nang albularyo sa amin ay may kapre daw na naninirahan sa loob ng bahay namin, nagsimula daw iyon manirahan sa bahay namin nung pinutol ang puno na nagsisilbing bahay nito, bukod pa daw sa kapre na nakatira sa bahay namin ay may isa pa daw na kapre na naninirahan naman sa nag iisang natirang punong langga na nasa likuran ng bahay namin. sabi ng albularyo ay wala daw kaming dapat ikatakot sa mga kapreng iyon dahil wala naman daw silang balak na saktan kami ngunit kailangan pa rin daw namin nang ibayong pag-iingat dahil may kakaibang pwersa daw siyang nararamdaman sa bahay namin at natatakot daw siya sa pwersang iyon dahil hinde niya malaman kung anong klase bang pwersa ang nararamdaman niya sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
TAKOT AKO!! (COMPILATION OF TRUE HORROR STORY)
Horrorsadyang mahiwaga ang mundong kinabibilangin natin may mga taong nakakaranas nang hinde maipaliwanag na kababalaghan maaring sasabihin ng iba ito ay kathang isip lamang pero para sa may akda ito ay pangyayaring nangyari sa totoong buhay na naranasa...