HHWW

18 0 0
                                    

"Kailangan talaga direct to the point? Hindi kami pero naging kami."

"So bakit kayo nagsosolo ngayon? Makikipagbalikan ka ulit hanu? Hahahahaha!" para namang hindi sila bagay. Napakaingay ng pinsan ko na yun tapos sya parang napakatahimik na tao pero nasa loob ang kulo.

"Wala ka talagang preno sa pagtatanong. Ou yun sana ang balak ko pero unfortunately dumating ka at dumagdag pa sa malas na ang tagal nila Ice at kung hindi ba naman maalat ang araw ko ngayon ay nandun yung pinsan mo at may kausap na iba sa cellphone nya. Paano pa ko makakapagtapat nung pakay ko di ba?" ang haba nung lintanya nya. Madaldal pala to.

"Okay. -___- Huwag kang mang-away. Hinga ka ng lima. Bilis." At ang bahog ay huminga nga ng limang beses. "Okay ka na? Back to the game na tayo." Ako na walang konsiderasyon. Masama akong tao at alam ko yun.

~~~~1 hour after~~~~

"Ano ba naman yan! Wala na kong maitanong sayo! Weak ka naman pala kasi eh! Nakikipagpustahan ka pa. Itigil na natin to!" sabi ko. Sa loob ng isang oras naming paglalaro ay hindi na ulit sya nanalo sakin.

"Wala naman kasing masyadong interesante sa buhay ko."

"Tama ka. Nababagot na ko sa pagkausap sayo. Ni hindi ka man lang nanalo sakin after nung unang tanong mo."

"Grabe. Ang hard mo talagang babae ka. Pagkatapos mong pigain lahat ng gusto mong itanong sakin sasabihan mo ko na boring ako. Buti pa si Cam sweet sakin."

"Pwes hindi ako si Cam tsaka pinanganak na kong ganito. Wala na tayong magagawa. Hard talaga ako. Astig. rock. Punk nga eh."

"Ou na. Pwede bang magtanong kahit isa lang? Hindi counted yung ngayon ha?"

"Ok sige. Isa lang ha?"

"Bakit ayaw mo dito?"

"How did you know?" gulat kong react. Wala naman kasi akong ibang pinagsasabihan nun kundi sarili ko lang. No one knows that I hate staying in this place.

"I just know. Parang hate mo tong lugar na to."

"Too personal. Pero I don't hate this place. I just hate being in this place. I hate staying here. Yes the people are good but I don't belong here."

"Why? Maybe there's a reason. Kasi hindi naman magiging ganyan yung ti-" hindi na nya natapos yung sasabihin nya ng biglang

"REN! CLOUD!"

"Ice! Bakit hingal na hingal ka? Saan ka galing?! Anong ginawa mo?! Siguro-?!!!"

"Oy Ren yung bibig mo. Tumakbo ko papunta dito kasi may nabalitaan akong babaeng naliligaw daw at nagliliwaliw lang kung saan. Sino kaya yung babaeng yun at nang-iistorbo ng dalawang taong nagmamahalan?" sagot sakin ni Ice. Ang haba ng sinabi.

"Hahaha. Sorry na kasi. Nawala kasi ako bigla, di ko na alam yung daan pabalik kaya ayun, naligaw ako. hehehe"

"Haaay. Pinag-alala mo ko babae ka. Tara na nga dito. Hawakan na kita. Baka mawala ka pa eh."

Natigilan ako bigla. Parang iba yun ah. Napatitig na lang ako sa kanya habang hila hila nya ako palabas sa covered court na kinauupuan namin ni Cloud kanina.

"Sa susunod naman kasi magpapaalam ka na aalis ka para man lang may kasama ka. Hindi yung bigla bigla ka na lang nawawala. Hindi mo alam may mga taong nag-aalala sayo at naghahanap at nag-iisip kung napano ka na. Paano pala kung may masasamang tao ang humarang sayo jan at dalhin ka sa kung saan edi pano ka na? Walang tutulong sayo. May mga freak pa naman dito minsan." Here he goes. Ang haba ng ratsada nya. Daig pa tatay ko kung pagalitan ako eh. Tsaka nag-aalala? Malabo.

"Ang haba ng sinabi mo. Hindi naman ako napahamak a. Tsaka kaya ko namang depensahan yung sarili ko kung sakali na may humarang nga sakin. Ako pa?!" 

Parang nafrustrate ata sya sa sagot ko dahil wala syang ibang ginawa kundi paulit ulit na padaan yung kamay nya sa ulo nya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Tara na nga." sabi nya at hinila na naman ako.

Ano ba namang feeling to? Kinakabahan ako at pinagpapawisan ng marami. Bakit pa kasi kailangang hawakan ako sa kamay e kaya ko namang maglakad mag-isa.

"Mister yung kamay ko po. Kaya ko pong maglakad mag-isa." reklamo ko at sinubukang bawiin yung kamay kong hawak nya.

"Alam ko naman un kaya lang baka mawala ka na naman sa paligid ko. Mag-alala pa ulit ako." 

Aba't parang kinikilig ata ako? Hindi tama to. ERASE! ERASE!

"Mag-alala? Tss." bulong ko.

"May sinasabi ka ba?" Tanong ni Ice.

"Wala. Akina na yung kamay ko. Hindi na ko mawawala. Dito lang ako sa tabi mo kung nag-iisip ka man na mawala ako bigla." seryoso kong sabi.

"Okey ka lang ba? Bakit para atang nasaniban ng kakaibang ispiritu yung Ren na kausap ko kanina?" sabi nya at binitawan yung kamay ko.

"Adik. Ako pa rin to." sabi ko at tumakbo pabalik sa covered court na pinanggalingan namin.

"Oy Ren saan ka pupunta?! Hintayin mo nga ako." sabi ni Ice at tumakbo din para maabutan ako.

"Luko ka kasi. Bigla ka na lang nanghihila, hindi tuloy tayo nakapag-paalam kay Cloud at kay Cam. Ikaw ata ang freak eh. Magpapaalam lang ako na uuwi na ko at may kasama akong isang freak na tulad mo."

"Well, pogi naman yung freak na tinutukoy mo at sigurado ako na ipapaubaya ka nila sa isang gwapong gwapong tulad ko." pagmamayabang pa ni Ice.

"Tss. Conceited. Hahahahaha!"

"HAHAHAHAHA! At least napatawa kita." well siguro nga. Hindi naman siguro masama kung maniwala ako sa kanya minsan di ba?

"Cloud uuwi na ka-"

"Cloud, uuwi na kami ha? Pakisabi na lang sa ex mo na ako ang kasama ni Ren ha?"

"Salam-"

"Salamat na din sa pagbantay sa babae na to nung nawala bigla."

"Tsaka nga pa-"

"Sige tol! Alis na kami." at hinila na ulit ako ng hinayupak palabas sa court.

"Panget kang lalaki ka. hindi mo man lang ako pinatapos na magsalita dun sa loob. Ni hindi nakasagot si Cloud sayo dahil parang atat na atat ka ng umalis. Problema mo ha?!"

"Uuwi na kasi tayo. Gabi na bahala ka. Madilim sa daan. Iiwanan kita jan kapag mabagal ka."

"Sus. Ou na! Nananakot pa eh." sabi ko at tumahimik na lang.

"May kwento ako sayo." nagulat na lang ako ng magsalita sya bigla.

"Tungkol naman saan?" sagot ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Tungkol last year. Nung pumunta kayo dito. Yung first day na nakilala kita."

My cousin's ex-boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon