Lost in the dark

15 0 0
                                    

=ICE POV=

(Naknam! May POV na din ako! Hahaha! This is my time to shine!.)

"Ang sakit ng batok ko kakatingala doon sa mga poon." reklamo ni Light habang hinihimas ang batok nya. "Bakit kasi sobrang lalaki ng mga karo nun? Hindi ba pwedeng yung maliit lang?" tanong pa nya.

"Gusto mo pang yung mga poon ay maging kasinlaki mo. Edi magiging pandak na yung mga yun." sagot naman ni Sky. Ayan na naman po sila. Kanina pa yang mga yan sa kakabangayan buti na lang mukhang hindi na natatakot si Ren sa kanila. And speaking of Ren, nasaan na nga ba yung babaeng yun? Lagot na ako nito kapag nawala yun. Mukhang inosente pa naman sa direksyon.

"Mga Pips! Nakita nyo ba si Ren? Kanina pa sya nawawala." tanong ko sa kanila. Lumingon lingon pa ako dahil baka nasa paligid lang sya.

Lumapit naman sa akin si Fall at nagsalita, "Nagpapaalam kanina sa inyo kaya lang ang gugulo nyo kaya hindi nyo narinig. Bibili lang daw sya ng inumin at kanina pa daw sya nauuhaw. Hindi mo man lang kasi inaalagaan, ikaw nagsama sa kanya dito." pangongosensya pa nito.

"So kailangan may kasama pang pangongonsensya?" sabat bigla ni Wind. "Hanapin na lang natin sya at baka kung napaano na yun."

"BAKIT?! ANONG NANGYARI KAY REN? NASAAN NA SYA?" biglang sigaw ni Light.

"Pigilan nyo ko at tatamaan na to sakin. Kanina pa to namumuro eh. Napakaingay!" banta ni Thunder at umakto pa na naghahanda para sa isang wrestling match.

"Hindi ka na namin pipigilan. Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin sa lalaking yan. Tutal ang gulo naman nyang kausap. Laslasan mo na para matigil." - Wind

"Huhuhu! Ang bad mo talaga Papa Wind! Madaming girls ang iiyak kapag ginawa nyo ang masamang binabalak nyo." - Light

Walang mangyayari kapag hinintay ko lang na kumilos tong mga ugok na to. Hahanapin ko na si Ren para makasigurado. Baka napahamak na kasi yun. Gabi pa naman. "Saang gawi ba sya pumunta Fall? Susundan ko na lang sya."

"Doon ko sya nakitang pumunta." Tinuro nya yung direksyon at dali dali na kong umalis para hanapin si Ren. Kung bakit naman kasi umalis pa sya ng nag-iisa. Malay ko ba kung nakapunta na dito yun dati o hindi pa. Baka maligaw pa yun. Nag-iba pa naman na itong bayan namin. Madami ng natanggal at napatayong mga establisyimento. Haist! Mga babae talaga, laging pinag-aalala mga kasama nila.

"Ren!" sigaw ko. Ang dami pa kasing tao kahit na tapos na yung prusisyon. May firework display pa kasi.

"REN!" this time mas malakas na yung sigaw ko. Ang iingay kasi ng mga tao sa paligid ko.

"Ahh iho, yung babae ba na nakawite na t-shirt yung hinahanap mo? Yung maganda at mukhang sosyalin?" tinanong na lang ako bigla nung ale na nagtitinda ng kandila dito sa may gilid ng kalsada. Pero parang si Ren nga yung tinutukoy nya.

"Nakaputi nga po yung babaeng hinahanap ko tapos medyo kulot yung buhok. Yung kasama po namin kanina dito sa harap ng tindahan nyo. Bakit po? Nakita nyo po ba sya?" Mahaba kong sabi sa matanda. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Kung bakit naman kasi alis pa ng alis. Hindi na lang nagpasama sa akin. "Nagpasama sya sayo kanina kaya lang hindi mo sya napansin. Remember?" sabi ng maliit na boses sa isip ko.

Ou nga pala, kinakausap nga pala nya ko kanina kaya lang hindi ko sya gaanong narinig dahil nakipagharutan sila Thunder sakin.

"Nakita ko sya kanina bumili ng tubig doon sa may tindahan na yon kaya lang kanina pa yun. Hindi ko na napansin kung bumalik na sya ulit dahil may bumili sakin  bigla ng kandila." saad ng matanda.

My cousin's ex-boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon