=REN POV=
"Wait lang. Una mo kong nakilala? e di ba kagabi lang tayo unang nagkita?" naguguluhan kong sabi sa kanya.
"Hindi. Baka ikaw kagabi mo lang ako nakilala. Ikaw nung last year ko pa kilala. Hahahahaha!"
"Aya! Stalker kita dati no? Umamin ka kundi malilintikan ka sakin!" pagbabanta ko pa.
"Ang kapal lang. o ano? Napakagulo mo. Ikekwento ko pa ba o hindi na?!"
"osige na. kwento mo na. Mananahimik na nga ako o." sabi ko at nanahimik na. Gusto ko din naman marinig yung kwento nya. Biruin nyo kilala na pala ako nitong unggoy na ito last year pa pero sya ni hindi ko alam ang existence sa mundong ibabaw? Biruin nyo yun?! naku, dugyutin pa naman ako dati. Shemay. Kahiya.
"Yung totoo? Akala ko ba mananahimik ka na? Bakit salita ka pa rin ng salita sa loob ng isip mo?"
"paano mong-?!" sabi kong gulat na gulat.
"Your expressions says it all. Tss. Ang dali mong basahin." ngumisi pa sya.
Bakit ang poging ngumisi ng hinayupak na to? Nagpapractice siguro to ng ngiti nya sa harap ng salamin dalawang oras isang araw.
"Manahimik ka na. Magkekwento na ko. Tumingin ka sakin para makita ko kung nakikinig ka nga."
"Shemay! Kailangan pa bang tumingin sayo? Huwag na! Makikinig naman ako. PRAMIS!" titingin pa? Mata sa mata? As in?! Ayaw ko nga! Nakakakilig kaya yun! Baka mahalata ako. Nyek! Ano ba tong iniisip ko. Ako kiligin? Asa.
"Wala namang problema sa mukha ko. Bakit ayaw mong tumingin? Ikaw siguro tong may crush sakin. Hahahahaha. Umamin ka na, hindi naman kita ipe-friendzone. Sasagutin naman kita kung sakali na manligaw ka man sakin."
BINABASA MO ANG
My cousin's ex-boyfriend.
RomansaI love him and I think that he still loves me. But the situation didn’t allow us to be together so the relationship we had seems to be a false relationship. A relationship that was full of lies, pretention and broken promises. I still want to be wit...