The day

29 0 0
                                    

=REN's POV=

"Wow Ren! Sabi ko na nga ba at sasama ka! Talagang hindi mo ko matitiis no?" sabi ni Ice pagkalapit ko sa kanya. Nandito nga pala kami ngayon sa may kanto nagkita dahil hindi ako pumayag na sunduin pa niya ko sa may bahay nila tita. Alam nyo naman ang mga tanders, minsan advanced ang mga isip.

"Adik! Ikaw ba naman ang sumpain hindi ka kaya matakot? Tapos galing pa sa isang mukhang may saltik yung sumpa alangan naman na magback-out pa ko?" Naiinis kong sabi habang lumalapit sa kanya.

"Ouch naman. Akala ko ba friends na tayo? Bakit ganyan ka sakin ha? Ang sama sama mo!" umarte pa ito na para bang tunay na nasasaktan. Kamay sa tapat ng puso may pakabog-kabog effect pa at puppy eyes na mukhang nakadrugs.

"Lubayan mo nga yan Ice at hindi bagay sa iyo."

"Wow ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko at ngayon lang din may taong hindi umubra ang charms ko. Aminin mo nga, tomboy ka ba?" tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa.

"May saltik ka talaga. Gusto mo ng sapak?" inumang ko pa ang kamao ko sa kanya na para bang sinasabi na 'magsalita ka pa at mababangasan ka!'

"^___________^V peace mah men! Wag na ikaw init ulo. Tayo alis na baka tayo late."

"Ang panget mong gaganap. HAHAHAHAHA!" sabi ko at diretso ng naglakad papunta sa may simbahan kung saan sisimulan ang prusisyon.

"At least benta naman sayo." sabi nya at tumakbo upang makahabol sakin at nang sabay na kaming maglakad.

Nailang naman ako ng konti kaya inutusan ko sya na lumayo sakin. "Layo ka nga dun! Tsupi! Baka mapagkamalan pang boyfriend kita" sabay tulak ng mahina sa kanya.

"Ayaw mo nun? May boyfriend kang gwapo?"

"Ewwww. Shut up dre."

"Tignan mo si Ice may kasamang babae!" girl 1

"Asan? Ou nga ano?! Sino kaya yun? Ngayon ko lang yun nakita ah. At maganda sya!" girl 2

"Ou nga. Girlfriend nya kaya yun? Huwag naman sana. Masisira ang mga pangarap kong binuo kasama si Ice." girl 1

"Panget mo. As if naman mapapansin ka talaga nya no. Tignan mo nga yung kasama nya rich kid. Sosyalan ang dating." girl 2

Teka lang. Kami ba ang pinag-uusapan nun? Parang kami kasi sa amin naman sila nakatingin habang kunwari eh nagbubulungan pero naririnig ko naman.

"Ice, tayo ba pinag-uusapan nila?" siniko ko pa sya. Kung kani-kanino pa kasi tumitingin eh ako naman ang kasama.

"Huh? Nino ba? Sila? Baka oo. Sa atin kasi sila nakatingin. Depende na alng kung banlag silang dalawa, ganun, baka nagkakamali lang tayo."

"Huwag ka ngang manlait. Kapal nito akala mo sya walang kapintasan eh nu?"

"Oo na. Sorry na po." sabi ni Ice habang kakamot kamot pa sa ulo.

"Ice!"

Pareho kaming napatingin sa kung sino mang tumawag sa pangalan ni Ice. Sa sobrang dami kasi ng tao siksikan na kami at kailangan mo pang tumingkayad para makita kung sino ang hinahanap mo. Buti na lang may biyaya ng katangkarang natanggap si Ice kaya mabilis naming nakita kung sino man ang tumatawag sa kanya.

My cousin's ex-boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon