“Mahal kita”
“Alam ko.”
“Alam mo lang? Yun lang yun?”
….
“Mahal ka din nya.”
“P***!!! Wala akong pakialam sa nararamdaman niya!”
“Pwes ako meron!!!”
“Bakit?! Lagi naman di ba? Bakit?!! Kahit nahihirapan ka na bakit inuuna mo pa rin sya? Alam mong ang mahalaga sa akin ay yung nararamdaman ko! Yung nararamdaman nating dalawa! Alam kong mahal mo rin ako pero bakit ayaw mong pagbigyan yung sarili mo?! Ayaw mong pagbigyan tayong dalawa?! S**t naman!!!! Lagi na lang sya yung inuuna mo! Paano ka naman? Yung kaligayahan mo pati na ako?! Alam mong hindi ako sasaya sa kanya dahil ikaw ang mahal ko at kailan man ay hindi na yun magbabago.”
“Please…. T-tama na. Ayoko ng marinig yung mga sinasabi mo.”
“Dahil ba totoo? Dahil ba masakit? Hindi lang ikaw yung nasasaktan. Ako din. Lalo na at yung taong mahal ko ay pinagtutulakan ako sa iba. Naririnig mo ba ako? Tayo naman please. Huwag mo na muna syang isipin. Yung kaligayahan naman muna natin. Ngayon lang. Dito lang. Kahit ito lang.”
“Mahal din kita.”
“Mahal na mahal ki-.”
“Pero mahal na mahal ka din nya. Di ko magagawa yung sinasabi mo. Alam kong masakit. Alam kong mahirap pero in time alam kong lilipas din tong nararamdaman natin na ito. Sorry. I’m so sorry.”
“Huwag. Tayo naman please. Lahat gagawin ko para lang sayo.”
“Patawad. Hindi talaga pwede at kung may magagawa ka man yun ay ang balikan siya. Mahalin mo sya ulit. Iyon lang hinihiling ko sayo. Iyon lang at sana ay magawa mo.”
“Alam mo ba ang hinihingi mo? Iyon lang ba?! Iyon na yon? Eh para mo na ring hiningi na sana kalimutan kita. Na kalimutan ko na yung pagmamahal ko sayo. Hindi ko yun magagawa. Mahal kita. Mahal na mahal kita at siya ay hindi ko na magagawa pang mahalin!”
“Nagawa mo dati magagawa mo ulit ngayon! Di ba nga sana kayo na ulit ngayon kung hindi lang ako nakisali sa usapan nyo nung gabi na magtatapat ka na at makikipagbalikan sa kanya. Kung hindi mo ako nakilala nun! Kung hindi ako naging maingay nun! Ibabalik mo lang naman yung dati eh. Yung dati…. yung time na kayo pa. Yung feelings mo sa kanya. Yung pagmamahal mo sa kanya. Dati..”
“Sige. Kung iyan ang gusto mo. Dati. Sige. Yung dati. T****na dati!!! Magiging kami ulit hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa utos mo! Lahat nga gagawin ko di ba? Pero isa lang ang hindi ko magagawa. Yun ay ang mahalin ulit siya. Sinabi ko na gagawin ko ang lahat ng inutos mo pero hindi ang bagay na iyon. Hinding-hindi kahit kailan.”
“Huwag mo syang sasaktan.”
-------------------------------------
“Ayoko na. Sobrang masakit na. Ayoko ng maalala.”

BINABASA MO ANG
My cousin's ex-boyfriend.
RomansaI love him and I think that he still loves me. But the situation didn’t allow us to be together so the relationship we had seems to be a false relationship. A relationship that was full of lies, pretention and broken promises. I still want to be wit...