Bagong Simula

204 12 4
                                    

Noong unapa ay magkalaban na ang Liwanag at ang Dilim isang labanan na nag-simula at tumapos sa mga unang nilikha. Isang mapayapang araw ang dinaranas ng Mundo ng bigla nalang nabalot ng dilim ang kalangitan, mula sa makakapal na ulap ay dumagundong ang malakas kulog at na ngangalit na kidlat, mula sa madilim na ulap ay may maliliit na liwanag ang sumilip at doon ay biglaang nahulong ang mga bituin sa mula sa langit, na tumupok sa buong kalupaan at nahulog sa karagatan at pagkapos noon ay katahimikan, isang nakakabinging katahimikan..

Nabalot ng abo at dilim ang buong Mundo, mula sa kadiliman ay may tila isang maliit na bituin na isang iglap ay nag ning-ning at hinawi nito ang dilim, mula sa nakabubulag na liwanag ay isang tila nilalang na pinang gagalingan nito at sa pag-kakataong ito muling nasilayan ang Mundo pero wala na ang kalupaan nito, pag katapos ng nito ay umihip ang isang malakas na hangin sa ibabaw ng karagatan at yumanig ang buong Mundo, habang humahangin ay biglang nabuo ang isang alab ng apoy sa kalangitan, kasama nga bolang alab ay lumutang ang mga bato sa kailaliman ng karagatan, nagsama-sama ang malalaking tipak ng bato habang umaangat sa kalangitan, kasabay nito ang ilang bahagi ng tubig mula karagatan, unti-unting nabawasan ang tubig ng karagatan, at ang tubig sa kalangitan malapit sa bolang alab ay naging hangin nalang, habang umaangat ang tubig ay patuloy ang pag yanig ng buong Mundo, lumilitaw mula sa karagatan ng mga bato at di naglaon naging kalupaan, mula sa lupa ay sumibol ang isang nilalang kasama ng mahalimuyak at makukulay na mga bulaklak, nagtataasang puno at luntiang kapaligiran at tumigil ang malakas na pagyanig at isang mala hamog na bahaghari ang ang bumalot sa mundo, nag mula ito sa isang nilalang, napuno ng ibat-iban uri ng buhay ang buong mundo, sa karagatan, sa himpapawid at kalupaan, at balot ng kapayapaan ang mundo, ang kita ang tatlong nilalang sa kauna-unahang pagkakataon sa kalangitan, at doon muling nagsimula ang lahat.

Sa isang iglap sila ay naglaho, pero sa ibaba ng lupa ay may mga matang nagtatago at nanunuod lamang sa kanila isang nilalang na nababalot ng mga anino, tila ba nag aabang sa isang panahon para umahon .


8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon