Bunyag I

37 4 0
                                    

Alkatlan POV

"ikaw yung bata sa eskenita diba?"nung  makita ko yung  batang lalaki, tumango lang yung bata, "magkakilala na kayo?" tanong ni Daniel, "siya yung bata na nung gabi na may nangyari sa kanya". nakatingin lang si Daniel at nakatulala sa bata, alam ko na nabigla siya kasi di talaga maganda yung lagay ni Bryan. "Pwede ko ba kayong kausapin isasama ko si Aurora at Rafael bukas, kasama ka din Daniel, anong mga pangalan niyo?"at sumagot sila isa-isa "Jameson" "Joniell"  "Cedric" "GJ" "Joseph" "Yngwie" "Billy". tumingin ako paligid, at meron pang mga tao. "pumunta tayo sa walang tao at may sasabihin ako sa inyo". di ko na to paaabutin ng bukas ngayon na. 

"Orion, Rafael at Aurora sumagot kayo" kinakausap ko sila sa isip ko pumunta kayo dito ngayon na kakausapin nanatin sila. "Punta tayo sa adoration chapel, kasi madalas pag ganitong oras walang tao doon"  nag lakad kami papunta doon at wala ngang tao, napakatahimik at may isang malaking kandilang bukas at lahat kami na upo sa gilid ng chapel. "alam ko nanandito na kayo 3 kaya mag pakita na kayo. Lumiwanag sa loob ng chapel at nag pakita sila Aurora, Rafael at Orion. "Sumama kayo saakin may kailangan kayong malaman at hindi ko na pwede pang-ipagpabukas". Ibinuka ko ang aking pakpak at pinaglapat ang aking mga kamay "Jerry bukas mo ang lagusan"...

Daniel POV

Lumiwanag ng lumabas ang pakpak ni Alkatlan "Jerry bukasan mo ang lagusan" sabi niya may makaling gate akong nakita, sabi niya pumasok kayo, wag kayog matakot, pumasok nga kami at nauna ako, hindi ko alam pero pag pasok ko nasilaw ng napakatingkad na liwanag, para akong nasa loob ng palabas sa sine nakatayo lang ako at kusang gumagalaw ang mga bagay-bagay, nanunood lang ako, may dalawang lalaking nakatayo, parang lumapit saakin yung isa nakatingin lang siya saakin, matangkad siya, parang red wine yung kulay ng mata niya muka siyang royalty. Nagliwanag siya, naging bilog na liwanag at pumasok sa dibdib ko, parang biglang huminto ang oras at tumigil ang mundo, "ano to?" yun ang tanong ko, "ako ay ikaw at ikaw ay ako, hindi mo maalala lahat ngayon pero paunti-unti malalaman mo, sa ngayon eto ang maibabahagi ko" yun ang sinabi ng boses, tatanungin ko sana kung sino siya pero nawala na. biglang gumalaw lahat, lumiwanag at napapikit ako, pag bukas ko ng mata ko nasa isang hardin ako, "nasaan na yung mga bata?" tanong ko sa sarili ko. Narinig ko nalang na may malakas na pag sabog, "Odin!! Rafael!!" may umiikot na hangin at apoy sa harap ko at napakita sila, "Anong nangyayari? bakit may sumabog? yung mga bata?", sumagot si Odin, "May mga nakapasok na kalaban, nasa loob ng palasyo ang nga bata, kailngan tayo doon", "sige tara na" yun ang sinabi ko, hindi ko alam kung pano pero ang alam ko nasaisip ko na, pinaglapat ko ang  dalawang kamay ko, may lumabas na simbolo kung saan ako nakatayo, nakatingin lang saakin si Odin at Rafael na parang nagulat, may lumabas na simbolo ng buwan na crescent  na may pakpak na pula. nabalot kaming liwanag at pag mulat ng mata ko nasa hagdan na ako ng palasyo sa harap ng pinto  sa magkabilang gilid ay may dalawang estatwa ng dragon na parang nagbabantay sa pinto ng  palasyo. "ayan na sila"sabi ni Rafael.

Third Person POV


"Jerry buksan mo ang lagusan" sabi ni Alkatlan, pumasok na silang lahat sa loob ng lagusan, "maligayang pag dating mga mortal" pag-bati mula sa isang lalaking matangkad na asul ang mata at matangos ang ilong niya at kulay abo ang buhok. "ako nga pala si Jerry isa ako sa mga hari ng Lupain ng Ezekiel", "nasaan si Daniel?" tanong ni Akatlan, "nandiyan lang siya, mag papakita din yun mamaya". "Kuya tiganan mo ang ganda" sabi ni Joniell, tumigin silang lahat sa paligid, may nakita sila sa malayo na isang palasyo na nakalutang sa hangin, may isang ilog na napakaba na ummagos galing sa isang palasyo at napaka raming mga puno , pag tumingin ka sa kalangitan ay may tila salamin na kabalot sa buong lupain. "anong klaseng lugar to?" sabi ni Yngwie, "lahat kayo tumayo ka gitna ng nung mga malalaking kristal" Sabi ni Alkatlan, tumayo sila Joseph, GJ, Cedric, Yngwie, Joniell, Jameson at Billy, "dadalin ko kayo sa pinaka palasyo ng kaharian" sabi ni Jerry. "Inang yan!!! Ang daming palasyo tapos eto pa!! tapos may main castle pa?!! wow!! Kayo na!!" sabi ni Billy, napatingin lang silang lahat sa kanya " ay. Nadala lang sige na tara na" sabi ni Billy. "tara na" sabi ni Jerry , lumiwanag yung mga Crystal, tapos unti-unting silang umangat at nalaho sila na parang bula.

Pagbukas ng mga mata nila nasa harap na sila ng isang palasyo, napakalaki at ang nag liliwanag ito, may hagdan papaitaas na may dalwang rebulto ng malaking dragon parang nag babantay sa malaking gate. "pumasok na tayo" sabi ni Jerry. Tinaas ni Jerry ang mga kamay niya, may mga sinabi siyang salita na di masyadog maunawaan. Sa taas ng gate ay may 5 simbolo, isang bilog n may krus sa ibabaw, isang nag lalagablab na na bilog, isang bilog na may pakpak sa magkabilang gilid, isang bilog na may tatlong pahalang na guhit sa magkabilang gilid at isang bilog na may tila tatlong patusok sa gilid. Umilaw lahat ng ito bumukas ang gate. Napakalawak ng palasyo nakakalula at napaka ganda. Nagulat sila ng biglang lumiwanag si Cedric at Billy parang nawala sila sa sarili,nabigla rin si Jerry at Alkatlan sanakita nila, tinawag nila ang pangalan ng dalawa " Cedric!! Billy!!" sabi ni Jameson, ginungon ni Yngwie ang dalawa ng sabay, naglaho ang liwanag at parang natauhan sila, "Anong nangyari?" sabi ni Cedric, lahat sila ay walang imik, "paranag nakarating na ako sa lugar na to" sabi ni Billy at Cedric ng magkasabay. "anong nangyari sa kanila?" tanong ni GJ kay Jerry. "sa ngayon sumama muna kayo saakin sa loob kailangan niyo tong makita". Nag lakad pasila ulit papasok pa lalo sa palasyo may isang kwarto na nandoon may isang parang kama, napapalinutan ito ng 5 crystal isang asul, pula, puti, kulay lupa at kulay berde nasa loob nito yung mga simbolo na nasa gate. Bilog na may krus sa ibabaw yung nasa asul, bilog na nag lalagablab sa pula, bilog na may pakpak sa puti, bilog na may tatlong pahalang sa gilid sa may kulay ng lupa at ant bilog na may tatlong patusok sa loob ng berdeng crystal. Umiikot ang mga crystal sa ibabaw ng higaan, paglapit nila doon tinignan nila kung sino ang nakahiga, si Bryan.

8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon