Tagpo I

73 6 5
                                    

Third Person POV
Matagal silang natahimik sa at nag isip. "Natakot ako doon sa lalaking nabubulok yung muka pero dun sa lalaking mukang nakapajama hindi" sabi ni Jameson, "parang yung bigla silang lumitaw nawala lahat, parang ligtas tayo" tuloy ni Jameson, "ang daming tumatakbo sa isip ko, ang dami kong tanong" sabi ni Joniell, "hindi ko lang maalala kasi mukang nakita ko na silang dalawa, hindi ko lang alam kung tama ako" sabi Jameson, "namukaan ko yung naka blue, kasi nabalot sila ng tubig eh tapos biglang nawala yung tubig naging normal na tao siya" pag ka sabi ni Cedric nun nag tinginan sila lahat sa kanya, "bakit di ko sinabi yun?" sabi ni Joseph, "naalala ko lang kasi nag taka nga siya kung ano nangyari, bakit nawala ata yung ginagawa niya" sabi ni Cedric, "anong itsura niya?" Nagtanong si GJ, "matangkad, matangkad ng kaunti kay kuya Joseph, makapal kilay, yung isa maputi eh, pero natatakpan ng helmet na bakal na kulay pula muka niya" sabi ni Cedric. "Saka na natin pag usapan ulit gumagabi na, teka sasama ba kayo sa camping?" tanong ni GJ tumango sila maliban kay Jameson, "bakit di ka sasama?" sabi ni Joniell, "badtrip nga eh, ayaw ako payagan kasi malayo daw" sagot ni Jameson "pero susubuka ko pa kulitin sila papa" dugtong ni Jameson. Pag katapos nun ay unalis na yung mag kakaibigan at umuwi. Nag hiwa-hiwalay na sila pauwi sa sarili nilang bahay.

Bryan POV
Daming pinagagawa sa school, hindi lang sasama sa camping eh. Nak ng tokwa bibili pa ako ng mga gagamitin sa book report sa english. Pupunta ako sa botika, oo sa botika ako bibili ng school supplies na gagamitin ko, sana lang wag akong hanapan ng reseta para makbili ng school supplies. Medyo wierd yung botikang bookstore pero totoo siya, pag tingin ko sa relo 6:30 na. Kumuha na ako ng pera at nag paalam na may bibilin lang ako, nag lakad na ako palabas ng bahay, "pwede bang sumama" bulong ni Alkatlan na kinagulat ko, "PACKING TAPE KA!!" nasigawan ko siya "aatakihin ako sa puso sayo eh" sabi ko, "Aurora?" " ano yun?" sagot ni Aurora "sumama kana nakaka boring na rin kasi sa bahay kaya sumama na kayo baka nabuburyo na kayo eh". Hindi ko alam kung naintindihan nila ako pero sumunod naman sila saakin, di sila nakikita ng iba buti may ganun silang kayang gawin, mababaliw yung mga tao pg nakita nilang may kasama akong paging lumilipad at kakambal na wierd ang suot. Medyo napalalim ang iniisip ko, tumawid na ako ng kalsada tapos nabunggo ako nga batang lalaki "sorry kuya, di ako tumitingin sa daanan ko" nginitian ko lang siya at sabi ko "ayus lang, mukang malim iniisip mo eh" pag kasabi ko nun ay may naramdaman ako, medyo nabigla ako, napansil ko yung dalawa na biglang nakiramdam, kaya naintindihan ko ka meron nanaman epaliod sa paligid, tinignan ko yung batang lalaki "umuwi kana madilim na, ingat" sabi ko sa kanya, pinag mamasdan ko siya habang papalayo kasi nag aalala ako, lumingon siya saakin at ngumiti lang ako sa kanya. Naka liko na siya sa kanto papasok sa eskenita, bigla nalang pumutok yung poste, at dahan nawalan ng ilaw. At naramdaman ko yung mabilis na hangin, nakakakilabot na hangin, "sundan natin!" sabi ni Alkatlan nakalabas na yung espda niya, "sige" yun ang sagot ko. Tumakbo kami pabababa paliko "papasok doon sabi ni Aurora" pero tumalbog kami pabalik, merong shield yung daanan, kailangan matibag tinaas ni Alkatlan ang espada niya ang nag salita ng mga salitang ala alien. Nag liwanag yung espda niya pero di parin natitibag yung shield, naalala ko yung bata na nasa loob baka kung mapano na yun. Kinakabahan ako para sa bata, baka mamaya kung ano mangyari sa kanya, baka mapahamak yung bata, naalala ko gawin yung tinuro nila saakin, inisip ko na sana mailigtas ko yung bata, gusto ko tulungan yung bata, sa loob ko yun ang gusto ko mangyari, biglang lumitaw yung Crystal sa dibdib ko tapos asul lahat, narinig ko nalang na prang bumaon na bagay sa laman. Tapos biglang tahimik.

Jameson POV
Naglalakad na ako at medyo may kalaliman ang iniisip ko, may nabungo akong lalaki, "sorry kuya, di ako tumitingin sa daanan ko" napatingin ako sa lalaki, nakangiti lang siya saakin, "ayus lang, mukang malim iniisip mo eh" pag katapos nun biglang nagbago yung timpla ng muka niya parang nagulat kasi nanlaki yung mata niya at naging seryoso, natakot ako, pero pagtingin niya saakin ngumiti ulit siya, sabi niya "umuwi kana madilim na, ingat." sabi niya saakin. Nakatayo lang siya, may tinitignan sa may poste, tapos tumingin siya saakin, ngumiti lang ulit nag lakad na ako lumiko na ako sa eskenita, palabas na ako ng eskinita ng may marinig ako na sumabog at isa-isang mamatay yung ilaw sa daanan, papalapit saakin, aatras na ako tapos yung mga ilaw sa likod ko namatay din pa isa-isa papalapit saakin mukang poste ata yung putok. Natatakot na ako, hindi na ako makagalaw, bigla nalang may nakita ako 2 pairs ng mata, kulay red yung isang pair tapos yung isa green. "Mukang makakain na tayo" naiyak na ako nung narinig ko yung nag salalita, tapos may parang uwak na tumunog sa likod ko, nanginig na ako sa takot, natulala ako habang umiiyak gustong sumigaw pero walang lumalabas sa natunog sa bibig ko nung lumabas yung dalawang pairs ng mata, isa lang yung kawan nila, pero yung ulo dalawa, ang laki ng tiyan, may kadena sa kamay tapos may itak na malaki. Umaagos lang yung iyak sa mata ko. Tinaas na niya yung itak na hawak niya, iitakin na niya ako, mamamatay na ako, hindi ko na makikita yung magulang at kapatid ko. Pinikit ko yung mata ko, narinig ko ko yung wasiwas ng itak tapos natinig ko na bumaon sa laman. Tapos katahimikan.

8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon