Panaginip

133 8 2
                                    

Bryan POV

"Bryan" isang tinig ang narinig ko, "Bryan" muli ko itong narinig, at palakas ng palakas ang pagtawag nito sa pangalan ko, "BRYAN!!" at biglang isang malakas na hampas ang tuluyang gumising saakin mula sa nanay ko, "TANGHALI NA WALA KA BANG BALAK NA PUMASOK!!" sa gulat ko ay napabalikwas at bigalang upo kaya ako biglang nahilo, tumingin ako sa bintana at nakita kona pasikat na ang araw. Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at mag sipilyo, "sa daan nalang ako kakain habang papasok" sabi ko sa sarili ko, binuksan ko ang tubig ng shower, ang lamig tubig ay siyang bumuhay sa katawang lupa at kaluluwa ko, habang naliligo ako bigalang sumagi sa isip ko ang panaginip ko, naalala ko ang lahat, mula sa bituin na nahulog hanggang sa mga mata na tila kakainin ang buong katawan ko, nabalalot ako ng kilabot sa takot at pagkamangha, inalis ko nalanng sa isip ko ang lahat, inisip ko nalang na panaginip lang yun, nagbihis na ako ta nag madaling umalis sa bahay dahil mahuhuli na ako kaya kinuha ko na ang  bike ko at nagpunta na sa school para pumasok, dumaan na ako sa short-cut sa isang maliit na kalsada na madalang lang daanan ng sasakyan sa likod ng pabrika ng pintura at plastic, may isang malakas na hagin ang tumama saakin at nawalan ako ng  balanse habang patayo ako ay nagulat ako ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko...

Unknown POV

Nananaginip siya, masyado ng malalim ang panaginip niya, kailang na niya gumising dahil malapit sa sumikat ang araw, "Bryan".. "Bryan".. "Bryan!!" .. biglang dumating ang nanay niya sa at ginising siya sa isang malakas na hampas na kinagulat niya, nag madali na siya para maligo at sinundan ko siya nakita ko sa mata niya ang malalim na pag-iisip at biglang bumalot ang takot sa kanya, papasok na siya gamit bike niya, ng napansin ko ang isang anino ng di maipaliwanag na na ninilang sa likod niya at walang anu-ano, pipigilan ko sana ito pero nahuli na ako at tinawag ko siyang muli..

Bryan POV

Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko at dali-dali akong tumayo para tignan kung sino ito, pero wala, tumingin ako sa paligid pero wala, nagsimula na akong kabahan narinig ko ang ungol na para bang isang leon na ngangalit, tumingin ako sa paligid pero wala maski tao wala, sinumpa ko na hindi na ulit ako dadaan sa lugar na yun makaalis lang ako may isang tila malakas ng hangin ang muling tumulak saakin, tumama ako sa pader at biglang parang nabalot ng dilim ang paligid at naglaho lahat, nabalot na ako ng takot nag simula na ako ng umiyak at sumigaw ng tulong pero wala, naglakad ako pero mukang hindi ako umaalis sa kawalan, narinig ko ulit ang ungol at ngayon ay tumatawa na ito ng may malim na boses, lalo ako natakot at tumakbo, napatigil ako sa pag takbo ng biglang may nag salita, "hindi ka makakaalis dito, kitang kita sa gitna ng kadiliman", para akong baliw na tingin ng tingin kung saan-saan, inisip ko tuloy paano niya ako nakita, matagal akong nag-isip at nakatulala sa kawalan, ng maisip ko na sampalina ng salirli dahil baka panaginip lang ito, pero hindi, masakit eh, tinignan ko ang palad ko at nakikita ko ito, may liwanag, may liwanag ako. Pero paano? yun ang iniisip ko.. nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko ang malalim na boses, "hindi ka makakalabas dito at dito ka mamatay ng walang nakakalaam", naramdaman ko nalang na may parang may tumusok sa kanang braso ko, at nakita ko ang dugo na tumutulo mula sa katawan ko, bumagsak ako, "Diyos ko, sana tulungan niyo po ako".. may malakas na parang sipa ang natamo ko sa sikmura at pang may tumapak sa sugat ko, napahiyaw ako sa sakit, at naririnig ko siyang tumatawa, naliligayahan sa ginawa niya ang sakit na muli ay may tumusok sa tagiliran ako at hindi ko na kaya, nanlalamig na ako, nasabi ko nalang tulong, tulongan niyo ako.. sana kung panaginip lang ito, magising na ako.. mula sa saaking likuran ay may isang sinag ng liwanag at doon nawalan na ko ng malay..

Nagisinng nalang ako na ako ay nakasandal sa pader sa likod ng pabrika, nawalan ata ako ng malay nung nahulog ako sa bike, pero inisip ko kung  sino ang naglagay saakin doon, nagulat ako ng may tumawag saakin, "Bry anong ginagawa mo diyan?" tanong ng Best Friend ko na si Daniel," ah nahulog ako sa bike eh pero ayos lang ako" sagot ko sa kanya, "sigurado ka?" tanong niya, tumango lang ako.. "Halika na" at tinulungan niya ako tumayo, iniabot ko ang kanang kamay ko tinulungan niya ako tumayo.. Iniisip ano kaya nangyari, pero buti nalang panaginip lang ang lahat..


8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon