Oras (Part 2)

57 6 4
                                    


Daniel POV

"ako sa Rafael , sakop ng kapangyarihan ko ang oras, simbolo ko ang araw" pag bukas ko ng mata ko, nakita ko isang leon, kulay pula namay gold yung kulay ng leon, ang lalim ng  boses niya. "Saan ka galing?"bakit ako? kayo ni Odin mag kakilala kayo?" nlilitong tanong ko sakanya. "Walang nagkataon lang sa mundo na to, lahat ng bagay may dahilan at may pinagmulan, hindi matagal mo na akong kasama, hindi mo lang alam" sagot niya saakin. "paanong matagal na? eh ngayon lang kita nakita" sabi ko, hayaan mong ipakita ko sayo lahat mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Lumabas yung symbolo ng araw napakpak sa gilid, umikot yung araw na ng mabilis at lumagablab ang paligid, "ito ang lahat ng buhay na meron ka" sabi ni Rafael. Iba-ibang anyo ang nakita ko, may babae may lalaki, bata at matanda, pabalik ng pabaalik hanggang sa nakita ko, may tatlong bola ng liwanag na sumabog sa kalangitan, naulanan ako ng liwanag, iba-iba yung kulay, puti, ginto at pula nagliwanag ako pagtapos may nakita akong sumasabog na liwanagg sa kalangitan, may mga liwanag na dumulim at naglaho, 8 liwanag at isa lang ang natira. Biglang bumilis yung ikot ng araw nakita ko nanaman yung mga buhay ko, tapos meron akong kasama bawat buhay ko, hindi ko makilala, lalaki na naging babae, tapos naging lalaki ulit, lagi ko siyang kasama, hanggang sa nag salita si Rafael "ito siya ngayon" nakita ko si Bryan. Hindi lang ito yung unang beses na nagkita kaming dalawa, paulit-ulit napala, dumami lang yung tanong ko, pero pinapanood ko lang lahat. "Joseph at GJ sino yang mga yan?", "Makikilala mo ang mga yan at gagabayan mo, walang may alam kung kalian at kung saan, pwedeng pag katapos nito o sa mga susunod na mga araw at taon, darating ang mga darating, at di mapipigilan. Pagkatapos niya mag salita bigang may kadilimang bumalot ng panandalian. "may kadiliman sa labas na kailangan nating harapin at talunin, tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako." Binukasan ko ang mata ko, medyo na gulat ako kay Bryan yung liwanag niya, ang ganda, ang sarap sa pakiramdan, asul, puti at gold ang ganda. Sabi ko sakanya " tara na". Sabay namin sinabi "Rafael!" habang siya naman "Aurora!"

Third Person POV

Lumakas na ang ihip ng hangin at ng ulan, Si Odin at Heaven ay nakatingin sa langit, may nakatayo lalaki, nabubulok ang muka, at ibang parte ng katawan, at napakabaho ng amoy na amoy nabubulok. Nagulat sila sa nakit nila. "Sigurado ba kayo na lahat ay  nalipol niyo na" sabi ng lalaki biglang nabalot ng dilim ang  buong paligid. "Hindi na to ordinaryong kadiliman, nakatataas na uri na to" sabi ni Heaven. "Hindi natin to makakaya ng elemento lang." sabi ni Odin. "mukang may mga kasama tayo" sabi ng nilalang". Narinig nila Odin na may mga batang humihingi ng tulong, "tulungan niyo po kami!" may mga sumisigaw na bata, hindi nila alam kung saan nanggagaling yung tunog dahil kadilimanang nakabalot, pero alam nilanag may masamang balak yung nilalang na lalaki. "bahala na, kailanagan matulugan yung mga bata" sabi ni Heaven. Tinaas ni Heaven ang espda niya at nag dasal "makapangyarihang lumikha sa mga bagay na nakikita at di nakikita, pakinggan nawa ang panalangin ko , hayaang bumalot ang liwanag sa mga batang nangangailanagan ng tulong mo." Lumabas ang gintog liwanag, at isang na parang isang malaking bola at may mga nakasulat na salita. Itinarak ni Heaven ang  espada sa lupa at doon lumitaw yung 3 batang lalaki, gulat na gulat sila, di nag sasalita at nanginginig, "ligtas kayo dito" sabi ni Odin. Nakatingin lang ang mga bata sa kanila, Lalo silang natakot sa nakita nila nung tinignan nila yung nag salita "mga mumunting liwanag, mukang masarap yang mga yan" habang nakatingin sa mga bata. "subukan mo" at nagliwanag si Heaven, "meron pa palang may kakayang gumamit ng banal na liwanag pero mukang di mo kayang tagalan" sabi ng nilalang. Naramdana ni Heaven na nahilo siya ay nanghina pero kailangan niyang lumabas, "nasaloob pa yung dalawa at di sila pwedeng mapahamak" sabi niya sa isip niya, "poprotektahan ko ang mga batang ito" Nag anyong aguila si Odin at binalot niya ang pakpak niya sa mga bata, biglang umihip an gang hangin na napaka lakas, "hindi ko matatagalan ito pero, para sa buhay gagawin ko" sabi ni Odin sa isip niya.

Nilabana ni Heaven ang nilalang, tubig at liwanag pero makapanyarihan talaga. "yun lang ba?" Ito tinaas ng nilalang ang kamay nito, may mga letra at simbolo ang lumabas sa kalngitan, bigalang kumidat ng kulay itim, tinamaan si Heaven pati si Odin, sa isang iglap nawala ang harang ni Odin, nag anyong tao si Odin at sugatan parehas sila ni Heaven. Tumayo sila nasa likod ang mga bata at pati narin ang kinalalagyan nila Bryan at Daniel. "Hangin, na nagbibigay buhay na nilika ng lumikha, maging talim gagapi sa kadiliman" dasal ni Odin, umikot ang hangin ng mabilis na para bang mga espadang sumasayaw. "tubig na nagbibigay buhay na nilikha ng lumikha, maging makapang yarihang kadena at igapos mo siya" sabi ni Heaven, sumayaw ag tubug at nag hugis kadena. "Kadiliman na bumalot sa mundo, mula sa kadiliman ng mga tao, ibabalik ko sa inyo ang lahat ng kapangyarihang ginamit niyo" pag kasabi ng nilalang, ang talim ni Odin ay bumalik sa kanya, at naigapos ng sariling niyang kadena si Heaven. " Ngayon ito na" palapit na ng palapit ang nilalang, Hindi na makatayo si Odin at si Heaven at din a makagalaw, nanginginig na ang mga bata at umiiyak nalang. Biglang may sumigaw, "AURORA!" "RAFAEL!". May lumabas sa likod ng kalasag na hangin na gawa ni Odin. Biglang sumabog ang mlakas na liwanag, ang init ng liwang, napakaganda. "sino yan?!" sabi ng kadiliman humupa ng dahan dahan ang liwanag,  sa harap nila Odin at Heaven ay may nakatayo, nanlaki ang mga mata nila, nakaaninag sila ng mga pakpak, sabi ng isang bata, "Jameson, tignan mo, may mga angel" ng bata "oo nga, Joniell nag dadasal ako, milagro" sagot ng isang bata. "kuya Yngwie" sabi ni Joniell nakikita mo ba, tumango lang si ang kuya niya.

Kulay pula ang pakpak ni Daniel at Asul kay Bryan. May baluting suot si Daniel, kulay pula at dilaw, si Bryan naman parang damit ng mga sinaunang pari, pero kulay asul na may berde. "Apoy, simbolo ng liwanag na gawa ng Lumikha, tupukin mo ang kadiliman" sabi ni Daniel, pag katapos niyang sabihin tila isang maliit na araw ang lumitaw, napakainit, umusok ang nilalang at sumigaw. "Tubig, na nilakaran ng Lumikha, linisin ang maduming kaluluwa" sumayaw ang tubig bumalot sa nilalang. "LIWANAG NG KALANGITAN, WAKASA ANG KADLIMAN, ALISIN ANG SUMPA LIWANAG AY PAKAWALAN!" bumuka ang mga pakpak nila at nag liwanag sila ng sabay. Sumigaw ang nilalang at naglaho sa liwanag. Nawala ang dilim na bumabalot sa kanila, nasa bakanteng lote na sila ulit, wala ng gapos si Heaven,pero sugatan parin sila ni Odin. Tinaas ni Bryan ang kamay niya, maybinulong siya at nagkaroon ng hamog. Gumaling ang mga sugat nila, nawala sa isip nila na may mga bata pa doon. Pati sila Odin ay natulala sa nangyari. "hoy, Heaven buhay kapa? Galaw naman diyan" sabi ni Bryan. "ang angas ko no! ang pogi ko! Dan puta ang angas mo rin! Igop!!!" sabi ni Bryan. "Odin ayos kana ba?" tanong ni Daniel. Sasagot na si Odin ng bigalang may sumigaw "Hoy Yngwie!" natigilan ang isa pang batang lalaki sa nakita niya natulala at di nakagawal, "Yngwie?" pag lingon ni Bryan may mga bata, nagulat din sila Odin dahil nawala sa isip nila namay ibang tao "tara umalis na tayo dito bago may ibang tao pa makaita satin" sabi ni Heaven. "Ako na" sabi ni Dan "Odin umalis na tayo dito" sabi ni Daniel. Nabalot sila ng Hangin ng mabilis at biglang nag laho.

Naiwan ang mga batang nakatulala. Hanggang sa nag salita si Yngwie "Nakita mo ba yun Billy?" "oo kitang kita ko, kahit Malabo yung mata ko" sagot ni Billy. "Kuya mababaliw na ata ako sa nakita ko" sabi ni Joniell, "daan nga tayo sa simbahan tanungin nati sila Kuya GJ ay Joseph kung ano yun, baka may alam sila" sabi ni Jameson. Nag lakad sila at umalis papunta sa simbahan. "baka isipin nila baliw tayo, pero bahala na basta alam natin yung totoo." sabi ni Yngwie, "yung muka nila di ko makakalimutan" sabi ni Joniell. Napatingin si Jameson at medyo madilim na pero may liwanag parin "anong oras naba?".

8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon