Hangin

49 5 1
                                    

Daniel POV

Nag lalakad ako papasok sa school, dumaan ako sa short cut, may nakatumba na na pulang bike sa kalsada "kilala ko yung bike na yun ah" kinabahan ako, kay Bryan yung bike, " hala na pano kaya siya, tumakbo ako papunra sa bike nakita ko siya nakasandal sa pader. Tinawag ko siya "Bry anong ginagawa mo diyan?" sabi niya "nahulog ako sa bike eh pero ayos lang ako", "sigurado ka?" sabi ko sa kanya, tumango lang siya, "halika na" at inabot ko ang kamay niya, napansin ko na medyo malamig yung kamay niya kaya inalalayan ko siya.
Uwian na, "hoy Dan!" nilingon si Bryan pala, "di ako makakapunta mamaya sa inyo, my groupings kami mamaya eh, badtrip ako leader". "Ayos lang yan, sige bukas nalang tayo gumala, biyernes na bukas" sagot ko sa kanya. Umuwi na ako, di ko alam pero parang ang tahimik ng paligid, umakyat ako sa rooftop dito nalang muna ako, malapit na mag alas tres, biglang kumulimlim yung langit, teka mukang uulan ata ah, tumingin ako sa langit, may nakita among kunislap tapos umulan, ang lakas ng ulan, nakakatakot yung ihip ng hangin, napaka lakas, parang umuungol na hayop yung hangin nakakatakot, mag aalas quatro na natapos yung ulan. Biglaan naman yung ulan, naisip ko kung natuloy ba yung groupings nila Bryan, naisip ko puntahan ko kaya, baka hindi natuloy yung groupings nila.
Kinuha ko yung tsinelas ko at nag punta ako sa bahay nila, feel at home ako doon dahil pangalawang bahay ko na yung lugar nila, bukas yung gate, pumasok nalang ako at pati yung pinto bukas din nasa sahig si Bryan parang wala atang malay may tumawag ng pangalan niya, "BRYAN!", tumakbo ako papasok ng bahay nila , nagulat ako sa nakita ko at nagulat din siya saakin, lalaki, kamukang kamuka ni Bryan asul yung mata, may pakpak na napaka puti may espada at naka baluti, anghel ba tong nakikita ko, patay naba si Bryan?, "Bryan santo kana ba?" lumuhod ako sa harap ng may pakpak na Bryan "HINDI AKO SANTO!! HINDI RIN AKO SI BRYAN!" nagulat ako sa sinabi niya, nakaluhod pa rin ako at nakatingin sa kanya, "tumayo ka nga diyan, hindi santo at lalong hindi ako Diyos kaya tumayo ka diyan."
Tumayo ako at naka titig sa kanya, bigla siyang natigilan at nabalot ng takot ang muka niya, biglang nabalot ng dilim ang paligid biglang lumamig, pero nakikita ko pa rin sila Bryan at sarili ko, parang nag iba ang demsiyon, may narinig kami na umungol, lumapit yung may pakpak saakin, samahan mo si Bryan sabi niya, nilapitna ko si Bryan, wala parin siyang malay, nasa tabi lang niya ako, nakita ko na dinukot niya ang espada niya may mga sinasabi siyang salita di ko masyado marinig tinarak na sa sahig ang espada niya at nag karoon ng isang salamin na bumalot saamin, " wag kang lalabas kahit anong mangyari".
"ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot, takot na takot na ako ng biglang bigla siyang hinablot ng kadiliman. Matagal ang oras na lumipas biglanag nalang narinig ko ang kulong nangangalit na kulog sa kung saan. Di ko malaman pero biglang umihip ang malakas na hangin, bumalot ito sa saakin at pag dilat ko di ko alam kung ano magiging reaksiyon ko sa mga nakikita ko.

Unknown POV

Di pa nga ata nagbabalik ang lakas ko mula sa labanan, akala ko naglaho na ako sa paningin ng mga mortal pero hindi pala, nagulat din ako sa kaibigan ni Bryan, di ko akalain na darating ang kaibigan niya, di ko kaagad naramdaman, ang masama pa huli ko na.naramdaman ang kadiliman, inutusan ko siya sa samahan si Bryan na wala paring malay, kinuha ko ang espada ko "makapangyarihang liwanag at tubig, dingin ang pag tawag ko, wag hayaang tumagos ang kadilimang ito, sa mga buhay nilalang na nandito" sana kayanin ng kalasag tong kalaban, mukang malakas to.
Bigla nalang ako hinugot sa kadiliman, mukang malakas to at mapapalaban ako. Lumabas ang isang babae na may hawak na sibat, "ibigay mo ma saamin ang kristal, para wala na tayong maging problema", di ako kumibo, may gintong ahas sa kaliwang kamay niya nakasuot siya ng pulang baluti na may mga tinik sa balikat, ang kalahating katwan niya ay katawan ng ahas yung sibat niya ay kulay pilak na lila ang talim. Paniguradong may lason ang sibat na yan. Kailangan ko mag ingat.
Inatake naniya ako gamit ang sibat niya at lumalaban naman ako gamit ang aking espada, itinaas niya ang sibat niya, na namuong simbolo sa sa itaas namin, "tapos kana" yung ang sinabi niya, nabuo ang ulap sa ilalaim ng mga simbolo, at biglang may itim na kidlat ang lumabas, alam ko na mataas na uri ng inkantasiyon iyon di kayang salagin dahil di nasapat ang lakas ko, kailangan ko nalang ilagan, nailagan ko ang una at pangalawa pero di na ang pangatlo, napaka lakas ng kapangyarihan niya, kung ibababa ko ang kalasag nila Bryan makakayana ko pang makaligtas pero sila, hindi. Pinilit ko na tumayo. "matigas ka ah, akalain mo buhay kapa", sinugatan ko ng palad ko at nanalangin "makapangyarihang hangin na nagbibigay hinga at buhay dinggin mo ang pagtawag ko dalin mo saakin ang nilalang na tatalo sa kadilmang ito", lumabas ang isang agila, isang napalaki at napakaputing aguila, ang makapangyarihang taga pangalaga ng hangin. Nag anyong tao ito naging isang lalaki na naka puti at dilaw na damit, "makapangyarihang epiritung taga pangalaga tulungan mo akong magapi ang kadiliman",itinaas nito ang kamay niya, sa kinatatayuan niya ay simbolo na lumtaw umikot ng malakas ang hangin, "anong ginagawa niyo?! Sabi ng kampon ng kadiliman, bumilis ang pag ikot ng hangin, at isang tao ang lumitaw, sa loob ng hanging umiikot, dahang dahang nawala ang hangin at ng tulayan ko siyang makita. "Daniel?".

8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon