Oras (Part 1)

57 6 6
                                    

Bryan POV

Sabi ni Odin simulan na daw namin. Pero bago yun tumingin muna ako dun sa lalaki na kamuka ko "ano bang pangalan mo? kasama ka namin, nawawala ka tapos mag papakita. Anong pangalan mo? " tanong ko sa kanya, medyop nag-sisp siya bago mag sumagot "Alkatlan" yun lang ang sinabi niya, sa wakas may pangalan na siya, gusto ko pa siya makilala, ang dami ko , gustong itanong sa kanya. Pero saka na ako mag tatanong. "makinig lang kayong dalawa sa sasabihin namin, at kung ano na ang sasabibihin namin gawin niyo lang". Tumingin lang ako kay Daniel, at tumango lang siya saakin. "pumikit kayong dalawa" sabi ni Odin. "huminga kayo nga lalalim, dahan dahan at paulit ulit" sabi ni Alkatlan. Ginawa ko ang sinabi nila, tuloyo-tuloy lang, mga ilang minuto ko ng ginagawa yun, pakiramdam ko gumagaan na ako gumagaan na yung pakiramdam ko  " isipin niyo nawawala lahat ng mga tunong maliban sa boses ko" sabi ni Odin. "Daniel isipin mo na babalot ka ng hangin, Bryan ikaw naman nababalot ka tubig". Inisip ko nababalutana ko tubig pakiramdam ko nawala lahat ng mga tunog at ang naririnig ko nalang puro agos ng tubig. "Tubig, unang-unang elemento, kung saan lumakad ang espirtu ng lumikha, at may kakayahang luminis ng nahawakan ng kadilimang masama, hayaan mo ibalik kita sa nakaraan at dalin kita sa hinaharap". Babe yung boses hindi si Odin, hindi rin Alkatlan, babae yung boses.

Daniel POV

Sinunod ko yung  sinabi ni Odin, nararamdaman ko yung hangin, malamig yung hangin, pro habang tumatagal umiinit, ihip ng hangin ang naririnig ko,  pero ngayong parang may lagablab na ng apoy, "hangin, pangalawang elemento na nilikha mula sa tubig ng lupa at tubig ng kalangitan, nag bibigay hinga sa lahat ng may buhay" sabi ng boses pero hindi si Odin. "Apoy, pangatlong elemento na nilikha, ginamit ito para paghiwalayin ang umaga at gabi, natatanging elemento ka kayang humawi ng kadiliman tulad ng liwanag. Ang apoy ay sumisimbolo sa oras, hayaan mo dalin kita sa nakaraan at hinaharap.

Third Person POV

Sinusunod nila Bryan at Daniel ang sinasabi ni Odin pero nag taka sila sa mga nagyayari si Bryan habang ginagawa ay umilaw ng kulay asul at si Daniel naman ay kulay pula, "hindi ko alam kung tama ba na gawin natin ito ngayon" sabi Alkatlan. "Pero nauubusan na tayo ng oras, nakikita mo naman ang mga nangyayari lumalakas na ang mga anino kaya kailangan sila maihanda." "makapang yarihan silang dalawa" sabi ni Odin, "pero di na sila katulad ng dati" sabi ni Alkatlan. "hintayin nalang natin ang mangyayari". Pag kasagot ni Odin ay bigla nalan umihip ng malakas ang hangin, bigla silang tumindig at naalerto sa paligid nila, "May mga bisita tayo at mukanga marami sila" sabi ni Alkatlan, "handa na ako, protektahan sila kahit anong mangyari! Hangin maging kalasag ka sa mga tinakda, wag hayaan makalapit ang masasama, wag hayaan mahawakan ng kadiliman ang mga magsisilbing liwanag sa mga mortal" pag kasabi ni Odin ay umihip ang malakas na hangin at pumalobot kila Daniel at Bryan na nag liliwanag parin. Sinundan ito ni Alkatlan, "makapang yarihang tubig ng kalangitan, maging isang pananggalang laban sa kahit anong sandata ng kalaban, maging isang makapangyarihang salamin na babalot sa kanila, hanggang sa humupa ang panganib sa kanila". Dahang dahang nabalot ng yelo ang hangin, nagkaroon ng bagyo ng yelo na bumabalot sa kanila. "Masyado natin maapektuhan ang pisikan  mundo" sabi ni Alkatlan, "dapat di tayo makita ng mga mortal, gumawa tayo ng ulan para walang lumabas ng bahay" naisip ni Odin, at gumawa ng sila ng ulan na napakalakas. Dumating ang ibat-ibang uri ng mga nilalang napakarami nila. Nilabanan ito nila ito, pero pang di nauubos ang mga kalaban alasingko palang hapon pero mukang alasyete na ng gabi sa dilim.Gamit ni Alkatlan ang espada niya at si Odin naman ay mga inkantasyon upang maging talim ang hangin. Sinabi ni Alkatlan " di natin to kaya ng tayong dalawa lang lalo na may pumipigil na magamit mo ang buong lakas mo". "liwanag dinggin mo ang pag tawag ko sayo, tinatawag ko ang liwnag na gagapi sa kadilimang ito, lumabas at lipunin sila, EZEKIEL!" biglang lumabas ang isang bola ng liwanag at mula doon  lahat ng mga nilalang ay naabo. "ayaw talaga niyang mag pakita pero salamat at nilipol niya ang mga kadiliman". 

"Sigurado ba na lahat ay nalipol na niya?" sabi isang lalaki na may malamig na boses, nagulat silang dalawa lalo na ng biglang balutin ng dilim ang buong paligid.....

Bryan POV

"bukasa mo ang mata mo" sabi ng boses ng isang babae. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nababalot ako tubig at wala ako kahit anong suot na damit pag tingin ko sa dibdib ko, meroong pang isang simbolo, parang bilog na merong parang maliit na krus sa ibabaw at kulay asul ang liwanag nito. "sino ka?, magpakita saakin" yun ang sabi ko, lummiwanag ang dibdib ko ay meroong lumabas na Pagi, ang laki ang ganda, kulay blue at nababalutan siya ng gintong liwanag. "Anong pangalan mo? at ano ka?" tanong ko sa knaya. "ako si Aurora espiritu ng tubig". " salamat sa pag sagot ng tanong ko, teka nasaan ba tayo bakit ganito puro tubig, nakakahinga ako sa tubig, naging syokoy naba ako?" tanong ko  sakanya. "nasa loob tayo ng iyong kaluluwa. hindi ko alam kung ano ang syokoy pero, hindi ka ibang nilalang, ikaw parin yan. nandito ako para sagutin ang mga tanong mo at magpasakop sa inyo, tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako." sabi  ni Aurora. "Ano ba tong lahat ng to?" tanong ko sanya. "hayaan mong dalhin kita sa nakaraan" pag kasabi ni Aurora biglang lumitaw yung  kulay blue na crystal, sa isip-isip ko magiging power ranger na ata ako ah. Biglang umikot ang tubig ng mabilis ang tubig may mga picture akong nakikita and dami, parang nag rerewind lahat.

"Simulan natin sa umpisa"

Eto yung panaginip ko, yung mundo pero iba yung mga nakatira, eto yung panaginip ko. Ibig sabihin ito yung panaginip ko, totoo yung panaginip ko. Pinapanood ko lahat eto nga yung panaginip ko, nakita ko rin ang matang nakasilip sa dilim.  "may kasunod pa yan". Nakita ko may may lumilipad pero di ko maaninag pero tatlo sila, hinahabol sila ng parang isang mukang kalabaw na baka, ang laki, naunang sumabog yung isa, tapos yung pangawa at yung pangatlo, tapos biglang may liwanag, bumukas yung mga ulap, may 8 bituin na nahulong galing sa kalawakan, ang ganda, nahuhulog papaunta doon sa mukang buffalo na di maintindihan, may sinasalubong ng walong liwanag yung dilim na parang sumasayaw, tapos bigla nalangpinalibutan ng walong ilaw yung kalabaw na nakatayo,  nagliwanag sila ng napakaliwanag pero yung kalabaw nag didilim pero nabubura siya paunti-unti, bigla nalang  nagkaroon ng spear na kulay black tinamaan yung pitong liwanag tapos unti-unti nawawala yung liwanag naging itim nalang yung isa na liwanag bigla nalang nawala. Biglang nagkaroon ng bula at umikot nanaman ang tubig ang daming picture iba-ibang muka, ng tao "ano yung mga yun? sino yang mga yan?". "ikaw yan sa iba-ibang panahon ,iba -ibang buhay" sabi ni Aurora. napatanga lang ako sa naring ko sa kanya, ang daming libro ko nakikita na sinusulat ko, tapos umiilaw yung nasa dibdib ko, sa isip ko Iron Man ata ako, ang daming pumapasok sa isip ko mga bagay na di ko alam, pero ang dami, mga salita, symbols ang dami. Tapos biglang tumigil lahat. Umikot ang tubig may mga nakikita ako, tao pero mga bata, puro lalaki, may mga pangalan, " Cedric, Jameson, Joniell, Yngwie, Billy, Joshua, Alphonse at Paulo sino yang mga yan?" tanong sa kanya, tapos ang dami pang nasa isip ko may mga di ako naintindhan. "Hindi lahat sakop ng kapangyarihan ko, may mga bagay na pwede ko  sabihin may mga bagay na pwede ko ipakita, Sa hinaharap makikilala mo sila, pwedeng pag ka tapos nito o bukas, o pag  kalipas ng taon, walang nakakaalam, bigla  nalang umikot ang tubig at bumalik kami, biglang kumurap ang liwanag at nagulat ako. "may malakas na kadiliman, kailangan nating lumaban, basta tawagin mo ang pangalan ko, darating ako". "ikaw at ang tubig ay iisa, magliwanag ka, tulad nung una". hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Binuksan ko ang mata at napatingin kay Daniel natulala ako sa kanya Dahil kulay pula ang liwanag niya na may puti. Sabi ni Daniel, "Tara na."  Sabay namin sinabi "Aurora!" habang si Daniel naman "Rafael!"

8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon