Karit I

46 4 5
                                    

Third Person POV

Sinimulan na nila ang pag punta sa gitnang kaharian, nag lakad ng mabilis sila Joniell, Yngwie at Odin, "bakit hindi nalang tayo mag laho Odin? Parang yung. Ginagawa niyo dati?" Tanong ni Joniell, "sa pag kakataon na ganito hindi natin yan maaasahan, yung mga kalaban sa taas yung may mga pulang kristal sa noo nila may kakayahan silang hulihin tayo habang nag lalakabay gamit natin yung abilidad na yun, mas maganda siguro kung lilipag tayo pero sa mababalang yung hindi tayo lalagpas sa taas ng mga puno para di tayo makita" pag kasabi nun ni Odin nag anyong aguila ulit siya at sinakay niya sila Joniell at Yngwie , "kumapit kayo ng miigi" sabi ni Odin pero sabi ni Yngwie "lilipad nalang ako si Joniell na ang dalin mo" nagtitigan silang dalawa ng ilang segundo, "Joniell sumakay kana at kumapit ka ng mabuti" sabi ni Odin "kuya ikaw?" Tanong ni Joniell "ayus lang ako may pakpak naman ako eh" nakangiti niyang sinabi kay Joniell "kuya natatakot ako baka di na tayo makabalik", "wag kang matakot kasama mo ako at makakabalik tayo, promise yan sabay tayong uuwi, okay?" sabi ni Yngwie "sige kuya" pagka sabi ni Joniell nun, niyakap siya ni Yngwie "sige sakay na kay Odin" sumakay na si Joniell kay Odin at nag simula na silang lumipad, mag kasabay silang lumilipag at tahimik sila, walang umiimik at tuloy lang ang paglipad nila, sinusundan nila ang ilog "malapit na tayo" sabi ni Odin natatanaw na nila ang lagusan "tubig at buwan maging sandata ka sa kamay ko na lalaban sa kadiliman na nakatingin sa malayo" sabi ni Yngwie, nag karoon siya ng isang gintong tungkod na sa dulo ay may apat na crescent moon, sa gitna ng mga crescent moon may parang kristal na hugis patak ng tubig at sa ibabaw ay may bilog na may krus sa ibabaw. "Jerry!" Tawag ni Yngwie, pero walang dumating. Pagtapos nun ay biglang may sumabog.

Yngwie POV

""lilipad nalang ako si Joniell na ang dalin mo" sabi ko nagtitigan kami ni Odin "naririnig mo ako Odin?" Tanong ko sa isip ko "oo" naririnig na sagot niya sa isip ko "may nag-aabang na saatin sa dulo nito sigurado yan masyadong tahimik" sabi ko "kaya nga sana saakin kana rin sumakay para ma protektahan kita" sabi ni Odin "protekahan mo yang kapatid ko kahit anong mangyari, tatawagin ko Jerry pero pag di siya dumating lalaban ako" nakatingin lang siya saakin at di na sumagot, "Joniell sumakay kana at kumapit ka ng mabuti" sabi ni Odin "kuya ikaw?" Tanong ng kapatid ko "ayus lang ako may pakpak naman ako eh" nakangiti akong sunagot sa kanya "kuya natatakot ako baka di na tayo makabalik", "wag kang matakot kasama mo ako at makakabalik tayo, promise yan sabay tayong uuwi, okay?" sabi ko "sige kuya" pagka sabi ni Joniell nun, niyakap ko siya, dahil natatakot din ako at naiisip ko rin yung sinabi niya pero kailangan ko ipakita na di ako natatakot kasi lalo siyang pang hihinaan ng loob  "sige sakay na kay Odin" sumakay na si Joniell kay Odin at nag simula na silang lumipad, tahimik ang buong pag lipad namin pero nag uusap kami sa isip ni Odin, "Odin hindi pa rin sumasagot si Jerry naka ilang tawag na ako sa kanya" "mukang mapapalaban tayo nito" sagot ni Odin "pakiusap ko ipagtanggol mo yung kapatid ko kahit anong mangyari ipagtanggol mo, mangako ka saakin" pakiusap ko sa kanya, "Gagawin ko lahat" sagot niya saakin, "salamat". Nanatili kaming tahimik sa pag lipad natataw na namin yung gate pero nararamdam ko yung kilabot ang lakas sobra alam ko kailangan ko mag handa. "malapit na tayo" sabi ni Odin natatanaw na namin ang gate "tubig at buwan maging sandata ka sa kamay ko na lalaban sa kadiliman na nakatingin sa malayo" dasal ko, may lumabas na gintong tungkod na may kakaibang design . "Jerry!" sinagaw ko ang pangalan niya. Pagtapos nun ay biglang may sumabog. Pag bukas ko ng mata ko nakita ko na nababalot na kami ng hangin. "KUYA!!" Sabi ng kapatid ko, tumakbo siya palapit saakin, "dito ka lang sa tabi namin wag kang aalis".

"Alam ko na nandiyan pa kayo kaya lumabas na kayo" may boses ng isang babae na nag salita, "ibaba mo na yang harang mo, wawasakin din naman niya yan" sabi ko kay Odin, inalis ni Odin ang harang, nagulat siya ng makita ako, "may mandirigma ng kalangitan ka palang kasama magiging masaya to" sabi ng babae, "ano bang ginawa namin sa inyo, pwede ba paalisin mo na kami" sagot ko, "ibigay mo saakin yang lahat ng kapangyarihan mo at pababayaan ko kayo" sabi niya, "hindi ako naniniwala sayo, tapos pag nakuha mo saka mo kami dadalihin, wag na" sabi ko sa kanya "edi wag mamatay na kayo dito, yung isang bata kasama niyo mukang masarap kainin yan, tao siya naamoy ko" nung narinig ko yun binuksan ko ang pakpak ko, "wag kang mag kakamaling hawakan ang kapatid ko, magkakamatayan tayo!" Nagliwanag ako pero natatakot ako, pakiramdam ko katapusan ko na to, pero di na mahalaga kung mamatay ako basta mabuhay ang kapatid ko ayus lang. Lalabanan ko nato, babae na mukang normal pero may pulang crystal siya sa noo niya at may kaliskis ang balat na parang sahas pag tinatamaan ng liwang nag kukulay rainbow na, bahala na wala si Jerry lalaban ko na siya.  Naglitawan yung mga kasama niya, ang dami nila sobra  "katapusan niyo na" sabi ng babae "ODIN SI JONIELL!!" sigaw ko "alam ko, ibubuhos ko lahat ng lakas para protektahan siya" sagot ni Odin "KUYA!! WAG MO NA LABANA YAN, YANG YUNG SINABI NILA WAG MO NA LABANA!!" Umiiyak na si Joniell nung sinigaw niya yun ngumiti nalang ako "wag kang mag alala makakapasok tayo kaunti nalang".

8 (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon