Chapter 3- Friends

74 4 0
                                    


Jilliane's POV:


"hi babe! gising na. Tanghali naaaa. Magkikita pa tayo. Iloveyou!"


Hmmmm...


"hi babe! gising na. Tanghali naaaa. Magkikita pa tayo. Iloveyou!"

Daniel?



"hi babe! gising na. Tanghali naaaa. Magkikita pa tayo. Iloveyou!"


Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Alarm ring tone ko yun. Boses ni Daniel. Nirecord niya nung 1st monthsary namin. Late kasi ako laging pumapasok. Tas sabi niya, irerecord daw niya yung boses niya sa phone ko tapos gagawin daw niyang alarm ringtone para daw magising ako agad.


Hindi ko pa pala napapalitan. Nakakamiss lang kasi....


"Jilliane!!! Hoy Jilliane!" uhhh, boses ni Ate Maan.


"Pooo?"


"Gising na! May pasok kapa ah? Dika ba papasok? Masakit paba ulo mo?"


"Ah okay nako. Eto na maliligo na,"

"Oh sige bilisan mo nakapag-luto nako dun. Sunod ka nalang pagkatapos mong maligo haaa,"

"Oo na sige na,"

Tumayo nako at dumiretso sa cr ng kwarto ko.

So yeah, ayun nga. Magaling nako. Nakauwi nako kagabi galing hospital. Sobrang asikaso nga nila Mama at Papa sakin eh. Pati nadin si Ate Maan. Infairness namiss ko rin tong babaita nato.

Kung tatanungin niyo naman kung okay na yung puso ko, hindi pa. Hindi padin ako sanay na wala after ng tunog nung alarm sa phone ko, tatawagan niya ako. Ganun kasi yun eh. Kahit madaling araw palang tatawag na para mag goodmorning.

Siguro masaya na si Katherine. Siguro yung babae na yun na ang tinatawagan niya tuwing madaling araw. Nakakapikon nyeta -_-

Habang naliligo ako, iniisip ko nanaman si Daniel. May picture kasi siya dito sa loob ng banyo eh. Gusto ko kasi nakikita ko siya palagi kahit san ako magpunta. Yung wall nga pati ceiling ng buong kwarto ko puro picture ni Daniel eh. Kaya ayaw matulog ni Ate Maan dito sa kwarto ko kasi naaalibadbaran raw siya.

Hmp inggitera lang yun.

After kong maligo, syempre nagbihis na ng damit. Wala kaming uniform sa school namin. Ewan ko ba sa principal namin -_-

Sinuot ko na ang school ID ko tsaka sinakbit ko nadin ang bag ko sa likod ko.

Lumabas nako sa kwarto ko tapos dumiretso na sa pinto palabas ng bahay.

"Hoy hoy Jill!! Hindi kana ba kakain?" tanong ni Ate maan.

"Wag na Ate, wala kong gana eh,"

"Sabi ni Tita kumain ka raw,"

"Sa school nalang ako kakain,"

"Siguraduhin mo yan,"

Lumabas nako ng bahay ng tahimik. Nag abang nako ng tricycle.

Sa school..

Tahimik lang akong naglakad papasok sa school. Maraming taong nakatingin sakin. Tssss. Sikat nanaman ako dahil sa ginawa ko.

Alam ko kahiya-hiya yun. Eh wala eh. Nakainom ako nun. Diko na napigilan sarili ko.

Tahimik lang uli akong naglakas paakyat ng classroom namin. Suddenly, nakita ko si Daniel at Katherine na magkasama. Ang sweet nilang dalawa. Si Daniel kaakbay niya si Katherine. Naalala ko gawain namin yan dati eh :(

Napaluha nanaman ako.

Naglakad ako papalapit sakanilang dalawa. Nagulat naman sila nung nakita nila ako.

"Daniel...." hahawakan ko sana ang kamay ni Daniel kaso iniwas nito ang kamay niya.

"Pwede ba Jilliane lumayo ka samin. Wag ka ng manggulo. Masaya na kami ohh,"

"Pag usapan naman kasi natin to Daniel. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Daniel please sorry kung ano man yung kinaayawan mo sakin. Danieeeel....." pilit kong hinahawakan ang kamay niya pero pilit din niyang iniiwas.

Tinulak naman ako nung Katherine. Napaupo ako sa sahig.

"Ano ba Jilliane! Tumigil kana nga! Ayaw na sayo ng boyfriend ko kaya tigilan mo na kami! Martir kaba talaga? Hindi kana niya gusto! Isaksak mo nga sa kukote mo yan!" sigaw sakin ni Katherine. marami nanaman ang mga estudyanteng nakatingin samin.

Tumayo ako at lumuhod sa harapan ni Katherine.

"Katherine please.... Layuan mo na si Daniel. Alam kong mahal pa ako ni Daniel. Kaya utang na loob naman oh. pakawalan mo na siya. Hindi ko kaya kapag nawala pa siya sakin. Ikamamatay ko. Katherine," patuloy ako sa paghagulgol. Wala eh. Hindi ko kayang pigilan ang luha sa mga mata ko. Mahal na mahal ko talaga si Daniel at gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sakin.

Sinampal ako ni Katherine sabay tulak and this time, napasubsob ang bibig ko sa sahig at dumugo ito. Syempre masakit yung mga ginagawa niya sakin. Pero mas masakit parin talaga yung puso kong sinasaktan nila pareho.

"Jilliane! Wag kang tanga! Kung nakikiusap ka, pwes wala akong pakialam sayo at wag mo nang asahang hihiwalayan ko si Daniel para sayo! Tandaan mong ayaw niya sayo kaya wag mo nang ipagpilitan yang sarili mo! hindi ko naman papakwalan tong taong mahal ko para lang sa ikaliligaya mo. Madamot ako tandaan mo yan! Kaya kung ako sayo, Lumayas kana! tigilan mo na kami! Itigil mo na yang panggugulo mo dahil wala kang mapapala samin!" sigaw sakin ni Katherine. Lalo pakong napahagulgol.

Niyakap ko ang mga binti nilang dalawa.

"Ano ba Jilliane! Bumitaw ka nga!"- Daniel

"Jilliane Tangina mo bumitaw ka ano ba!!! Nakakahiya!!!"- Katherine

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Bryan's POV:

Naglalakad lang ako papunta sa classroom ko nang bigla kong nakitang andaming tao sa may tapat ng classroom namin.

"Grabe talaga si Jilliane noh? Napaka obssessed," -girl 1

"Oo nga eh. Ayaw na nga sakanya ni Daniel pero mapilit siya," girl2

"Mukha siyang tanaga dun," girl3

Sabay nagtawanan silang tatlo.

Si Jilliane.

Tumakbo ako papalit dun sa maraming tao.

Ano ba kasing pinaggagagawa ng babaeng to?!

Nakita ko si Jilliane na yakap yakap niya yung binti nila Daniel at Katherine. tsk. Mali to. Maling mali.

Nilapitan ko sila. Pipigilan ko si Jilliane.

"Jilliane tama na yan," hinila ko si Jilliane palayo sakanila. Salamat naman at nahatak ko din siya kaagad. Napatayo siya at niyakap ko siya. Teka dumudugo yung labi niya >_<

"Pare! Pag sabihan mo yang si Jilliane haa? Ayoko na talaga sakanya. Ginugulo niya kami ng girlfriend ko," dinuro duro ako ni Daniel. Yabang din neto eh nakakabanas >_<

Hindi nalang ako sumagot. Hinila ko nalang si Jilliane palayo sa mga hayup na yun.


I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon