Make over Entry #9

61 9 1
                                    

"Anong mas bagay sakin, Bryan? Etong pink or blue?" itinaas ni Jill yung dalawang damit na napili niya para ipakita kay Bryan. Inilagay naman ni Bryan ang daliri niya sa baba niya na para bang nag iisip.

"Much better if you choose color blue,"

"Okay!" ibinalik ni Jill yung pink na damit dun sa mga nakasampay na display at yung napili niya naman, ibinigay niya kay Bryan. Si Bryan ngayon ang taga bitbit ng mga napamili niya.

Nasa Mall sila ngayon at kasalukuyang namimili ng damit para sa araw araw na isusuot ni Jill at para rin sa isusuot niya sa mismong araw na ng Ms. AMA. Puro mga casual wear lang ang napili ni Jill para sa isusuot niya palagi sa school. Alangan naman kasing mag gown siya diba? XD

Meron din namang sense of fashion si Jill pero hindi yung gantong pa girl masyado. Swag kasi si Jill eh kaya puro kaastigan lang siya. Magsusuot lang siya ng dress or gown kapag may event or occassion sakanila. Medyo hindi siya sanay pero kakayanin naman niya para manalo sa Ms. AMA at para makuha niya na ulit si Daniel.

Sa gitna ng pamimili nilaaa...

"Oooops! Sorry po! Sorry" may nabangga si Jill na isang babae na mukhang namimili rin. Nahulog naman ang mga damit na napili ni Jill. Agad naman ding lumapit si Bryan sa kanila.

"Hey, okay lang kayo?" -bryan. May dala dala na ngayon itong cart. Lalagyan ng mga napamili nila ni Jill. Medyo marami rami narin kasi ang napamili nila.

"Im okay, sorry," -girl

"Sorry po talaga haaa? Hindi ko sinasad---" -Jill

"Ateeeee?!!!!" -bryan.
"Baby boyyyyy!!!!!"- girl.

Nagyakapan sila. Si Jilliane?
------> O__________O

"Kamusta kana baby boy? Diko nasabi sayo na nakauwi na pala ko galing states,"

"Okay lang ako ate. Tsaka okay lang yun. Basta andito kana. By the way ate. She's Jilliane," itinuro ni Bryan si Jilliane. Humarap naman yung ate ni Bryan at inilahad ang kamay na tila makikipag shake hands.

"Hi Jilliane! Im Beatrice, call me Ate Bea. Brother ko si Bryan. Nice to meet you! And sorry for what happened. I didn't see you kasi eh," nagshake hands naman silang dalawa.

"Okay lang po yun," sagot naman ni Jilliane. Manghang mangha parin si Jilliane dahil ang ganda ng Ate ni Bryan. Matangkad eto na nakaheels pa tapos naka dress lang ng simple pero kapag sinuot niya ang bongga. Ang puti at ang kinis din ng Ate niya. Parang artista lang! Magkamukhang magkamukha nga sila ni Bryan O____O

"What brought you here Ate?" -bryan.

"Haaay, you know me right? Wala akong kapaguran," sabi ng Ate niya sabay tingin tingin sa mga naka sabit na dress.

"Kayo? Todo shopping ata kayo ng girlfriend mo aahh?" parehas na nagblush si Bryan at Jill sa sinabi ni Bea.

Sandali silang natahimik.

"Hey," napansin ata ng Ate ni Bryan na hindi nila sinagot ang sinabi niya.

Napakamot naman sa batok si Bryan.

"Ah kasi Ateee... Hindi ko po girlfriend si Jill. We're just friends," napangiti naman si Bea.

"Awww, you're so cute Baby brother,"

"Ate stop calling me baby. Im not a baby anymore,"

"Sus, nahiya pa eh," napalingon naman si Bea kay Jilliane.

"Hey Jilliane, para san ba tong mga pinapamili niyo ni Bab--- ahh... Bryan?" tiningnan tingnan ni Bea yung mga pinagkukuha nila Jilliane na nasa cart.

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon