Entry #11

97 7 2
                                    

Hiiii again! Nakapag update nanaman po ako. Hahaha! Nakakawalang gana tuloy mag type :( Nahulog cellphoe ko tas ayun may basag. Leshe >_< By the way, may nag'chat pala sakin sa facebook. Si Bernadeth Capiz. Hi uli sayo. Namention na kita dati diba? Salamat talaga sayo ng marami. Dedicate ko sayo tong chapter 11 :* Arbie and Dazha, wait lang kayo hahaha mababasa niyo na pangalan niyo :*

x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x

Grabe talaga kahapon! Nakakatuwa ^_^ Ang daming itinuro sakin ni Ate Bea ^_^ Tinuruan niya ko kung pano maglakad ng naka'heels, kung pano mag terno terno ng skirt and damit at pumili ng magandang kulay na damit para sakin, tsaka tinuruan din niya ko kung pano mag make up ^____^ Nakakataba lang ng puso

Andito nga ako sa school ngayon at ohlala. Ito na ang first day ng pagtitinda ng ticket para sa Ms. AMA. Shit nakakakaba!

Habang naglalakad ako sa hallway, syempre andaming estudyante ang nakatingin sakin. From shirt-pants-rubber shoes kasi, ngayon white polo na long sleeve na naka tack-in sa aking black skirt and 4inches high heel. Odiba :D Naka make up din ako pero light lang naman. Naka head band ako na may ribbon para mas mukha akong cute+maganda sa paningin nila. Turo iyon ni AteBea. And oh, hindi na pala bag pack ang gamit ko ngayon kundi sholder bag and may dala akong folder na hawak naman ng kaliwang kamay ko. Sabi ni Ate Bea wag raw akong mahiyang maglakad at wag ipahalata na kinakabahan ako. Dapat daw confident ako rumampa. Para daw lalong maging mataas ang tingin sakin ng mga tao.

Sinunod ko ang sinabi ni Ate Bea. Confident akong rumampa sa hallway. Actually papunta nako sa student council's office para kunin yung mga ticket na ibebenta at nang makapag-gawa na ng booth.

Maraming mata ang nakatingin sakin. May masamang tingin, pero karamihan, gulat. Di siguro nila inaakala na magiging ganto ako. Kahit kinakabahan, tuloy parin.

Malapit nako sa office. May nakaharang naman na grupo ng mga babae sa hallway kaya hindi ako makadaan. Nakatalikod pa muna sila.

"Ehem, excuse me," sabi ko sakanila. Bahagya naman silang napalingon sakin at halata mong nanlaki ang mga mata nang makita ako. Ohh, si Katherine pala to. Gulat na gulat siya. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Makatingin naman to >___< ganda ko kasi! :D

"OMG," bulong niya sa sarili niya na narinig ko naman. Naka-suot lang to ng skirt din pero iba ang kulay. Gray sakanya eh. Tapos naka sleeveless na damit.

Sabay sabay namang napatakip ng bibig ang mga kasama niya na sina Arbie, Khrizza, Jewel at Jhoanna. (Eto po yung first four characters na napili ko sa nagcomment sa post ko. Mamaya po yung iba haaa?) Arte nila ha grabe may pa-ganung effect pa. Duh?!

"I said excuse me? Paharang harang kasi kayo sa daan," lakas loob na sabi ko sakanila. Nahiwa naman sa dalawa ang daan at rumampa nga ako sa gitna nila. Hindi pa ako nakakalayo nang may nasabi nanaman si Katherine. Pwe -,-

"H-hindi porke ganyan na hitsura mo, may karapatan ka ng utusan ako? Kami ng mga kaibigan ko? Tandaan mong pagmamay-ari namin tong school! Isa akong AMAdeo at sa AMA ka palang nag-aaral!!!" sigaw niya. Napalingon naman ako sakanya. Hindi pa naman ako malayo sakanya. Sobrang natataguro na siya. Lol uusok na yata.

Sumagot ako, "Alam ko namang pagmamay-ari niyo tong school pero karapatan kong dumaan sa hallway na to. Dahil isa akong estudyante. At isa pa hindi naman kita inutusan. Nag'excuse nga ako diba? Maraming saksi. Lumalaki na yang butas ng ilong mo," pagkatapos ko siyang asarin ay naglakad nako palayo at di na siya pinansin. Nag tuloy nako sa office. Hindi ko kailangang ma'issue nanaman dahil lang sakanya.





Katherine's POV:

Shit! Shit! Shit! Ang ganda ni Jilliane! Shit talaga! Bakit ganon?!!!!! Ang ganda niya letse!!!!!! Anong nangyari sakin after niya sumagot sa sinabi ko? Bakit hindi ako nakasagot?! Siguro nagulat lang ako sa hitsura niya. Pero hindi! Mas maganda parin talaga ko saknya. Oo! Mas maganda ako! Nakakaimbyerna lang talaga pagmumukha non >_____<

"Kath, are you okay?" tanong ni Khrizza na mukhang alalang alala sakin. Pinapaypayan naman ako nina Arbie, Jewel, at Jhoanna.

"Alam mo, wag mo na siyang pansinin. Inggit lang yun sayo!" -Arbie.

"Oo nga, alam mo naman ugali ni Jilliane diba? Hayaan mo na yun," -Jhoanna.

"Atsaka ang isipin mo, mas maganda ka kesa sakanya," -Jewel.

Arrrgh! Napairap nalang tuloy ako sa sobrang inis at naglakad palayo sakanila. Na-stress ako. Sinundan naman nila ko.

"A.. Ang.. Argh! Ang ganda niya!!!!  Bakit ganon? Feeling ko kinakalaban talaga niya ko," napahampas ako sa pader dahil sa sobrang inis. Itong apat na kasama ko naman todo paypay.

"Wag mo nga isipin yon, mas maganda ka sabe. Hayaan mo siya," -Khrizza.

"Tama. Like hello? Walang panama yun sayo," -Arbie.

"Okay okay, tulungan niyo ko sa paggawa sa booth. Dali. Sayang oras," nagpunta ako agad sa student council's office dahil andun lahat ng gamit ko. Sumunod naman tong apat na kasama ko.






Third Person's POV:

Busy na ang lahat sa pag aayos at pagkakabit ng kung anu ano para sa festival nila. May mga kung anu anong booths na hindi pa natatapos, may mga rides na hindi padin natatapos ikabit, at syempre, may mga nag-uumpisa na ring magtinda ng ticket para sa Ms. AMA. May mga posters na agad na mukha ng isang candidate. Grabe nga eh. Excited much. Pero tama naman din. Dapat walang sayangin na oras, araw at panahon.

Katulong ni Jilliane si Bryan at iba pang kaibigan ni Bryan na sina Richard, JL, Chelsea, at Dwinie Ji na mga student council rin sa pag ayos ng booth niya. Booth ito para sa pagtitinda niya ng ticket. Naglagay sila ng mahabang mesa, at limang upuan. Mga upuan yon ng kasama ni Jill sa pagbebenta ng ticket. Bilang background naman nila, naglagay sila ng malaking parang bulletin board tapos may nakadikit na malaking  tarpouline at nakalagay don ang picture niya kahapon. Nagpictorial siya kunno XD Ang sexy niya doon sa picture. Bale dalawa yon. Yung first picture ay nung simpleng naka shirt and pants lang siya. Yung 2nd photo naman ay yung naka dress na siya tas may make up pa. Ay basta ang sexy niya doon <3 Isang coupon ay may 15 na pirasong ticket, tapos 5 pesos naman bawat isa.

Hanggang sa matapos na nila ang booth. Naglunch muna sila. Mamaya na nila sisimulan ang pagbebenta. Actually nasa social hall yung mga booth ng candidates. Pagandahan nalang pang attract ng mga bibili.




--


Abangan kung pano dumamoves si Bryan kay Jilliane! May sisingit kaya sa pagdamoves ni Bryan? Sino kaya iyon? Eh si Daniel kaya? Anong magiging reaction niya sa pagbabago ng Ex niyang si Jilliane? Abangan.. :*



























Hi guys! Hahahaha! So yun muna yung mga bagong characters! Hi Arbie, Jewel, Khrizza, Jhoanna, Richard, Chelsea, Dwinie Ji and JL Alcisto! Hindi pa masyado role niyo dyan. Antayin niyo nalang sa mga next chapter. Sa iba pang nag-comment, hintayin niyo nalang din yung pangalan niyo haaaa? :*

Vote|Comment|Be a Fan <3

~gwyn

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon