Asaran Entry #8

55 7 0
                                    

Jilliane's POV:

At dahil sa candidate kunno ako sa Ms. AMA, hindi ako nakapakinig sa lesson namin. Hindi talaga ako makapag concentrate. Kailangan kong mahanap si Bryan at sabihing alisin ang pangalan ko dun.

Eh kasi naman, mapapahiya at mapapahiya at mapapahiya at mapapahiya nanaman ako dun. Maganda ako pero ayokong pa'expose sa tao noh. Charesss :P

"Okay, class dismissed," oyes! Sa wakas naman at nagpauwi na si Prof. Kailangan ko pa kasing hanapin si Bryan. Siguro nasa student council's office yun.

Pumunta ako sa student council's office at viola! Andun nga siya. Busy sa pagsusulat. Haaaaaist, sipag talaga ni Bryan.

"Pssst, Bryan!" sutsutan ko nalang siya. Nahihiya akong kumatok eh. Andun pa naman si Katherine. Tsss.

"Hooy! Bryan!!!" hindi naman masyadong pasigaw pero parang bulong na pasigaw.

Sa wakas at nilingon narin ako ni Bryan at nakita niya ako.

Lumabas naman siya at lumapit sakin.

"Ohh Jill, bakit?" nakangiti pang tanong niya sakin. Pogi mo Bryan ^_^

"Ahh, kasi Bryan. Itatanong ko lang sana yung tungkol sa Ms. AMA. Bakit nadawit dun yung pangalan ko?"

"Ah! Yun ba? Ayaw mo nun. Nasali ka. Exciting diba? Tutulungan naman kita eh,"

"Ehh kasi Bryan ayoko eh. Ikaw ba nagsali sakin? Pwede bang paki alis na yung pangalan ko dun? Nakakahiya," sabi ko sabay yuko. Hiyang hiya na talaga ako.

"Ano kaba Jilliane. Chill ka lang. Si Katherine nagsali sayo. Kausapin mo nalang siya mamaya na gusto mong mag back out. Sayang talaga," kumulo ang dugo ko ng marinig na si Katherine pala nagsali sakin sa Ms. AMA? Ano to? Nang aasar talaga siya? Grrrr!!!! Kakapikon haaaa >______<

"Sige kakausapin ko si Katherine. Asan ba siya?"

Tinawag naman ni Bryan si Katherine. Nabwibwisit na talaga ako dun. Anong gusto niyang palabasin? Wala pang nakatalo kay Katherine na Ms AMA kasi nga siya yung pinaka maganda dito sa AMA University. Lahat ng kababaihan may respeto sakanya kasi bukod sa maganda, matalino pa and apo ng may ari ng school. At ehem! Mabait DAW. DAW ha DAW. Letse yung nagsabing mabait siya -,-

Maya maya andito na si Katherine. Iniwan kami ni Bryan para makapag usap.

"Yes my dear? Hanap mo raw ako?" ay? Pabebe? Pacute ang gaga tsss.

"Oo. Ikaw daw nagsali sakin sa Ms. AMA. Ano nanaman bang kalokohan to haaaa?" pagtataray ko kay Katherine. Beastmode nanaman talaga ako.

"Chill Jilliane, ayaw mo nun? Magkakaron ka ng experience? Tsaka anong kalokohan? Hindi ito kalokohan. Dapat nga magpasalamat ka sakin eh. Kasi sinali kita dito," ngumiti si Kath. Ewww. As in ewww!!!!!

"Bakit naman ako magpapasalamat sayo kung alam ko din namang ipapahiya moko sa araw na yun? Pwede ba Katherine, tantanan mo nako. Kilala ako dito sa school bilang malandi. At puro negative mga pinagsasabi nila sakin. Kanina nga lang na nalaman nila na kasali pala ako ang sasama na ng tingin nila sakin eh. Dahil naman sayo to diba? Kagagawan mo to lahat," nag act naman siya na parang nagulat. Eww talaga.

"Ako pa sinisi mo? Kagagawan mo ang lahat Jill, nagpakatanga ka kay Daniel. Pinakita mo sa harap ng maraming tao kung gano ka katanga. Tapos ngayon isisisi mo sakin kung bakit ganyan tingin sayo ng maraming tao? Pwede ba Jilliane, boyfriend ko na si Daniel, kami na! Tigilan mo na kami. Tigilan mo na ang issue about dito!" napasigaw na siya. At dahil don, nakatingin nanaman ang ibang tao.

Napaiyak ako.. nasasaktan nanaman ako.. kapag tungkol kay Daniel talaga ang bilis kong umiyak. Napayuko ako habang umiiyak.

"Kung hindi mo sana inagaw sakin si Daniel, sana hindi ganun ang tingin sakin ng maraming tao. Kung hindi mo siya inagaw, sana kami parin hanggang ngayon, kung di mo siya inagaw, sana masaya kami ngayon. At kung hindi mo siya inagaw, malamang hindi ako umiiyak at nasasaktan ng ganto ngayon," pahikbi hikbi ako ngayon. Wala eh. Hindi ko nanaman mapigilan yung sarili ko. Masakit sa damdamin yung palagi nalang akong ganto. Feeling down na down ako. Si Bryan nalang ang kaibigan ko dito.

"Sana Katherine hindi mo nalang inagaw sakin si Daniel. Kasi masaya na kami eh. Kung hindi mo siya inakit, hindi magpapaakit yu---"

"Kung mahal ka talaga niya, hindi siya magpapaakit sakin! Tanga ka kasi kaya ka niya iniwan! Wag ka kasing masyadong seryoso. Kasi wala kapa sa tamang edad para magseryoso! Wala ka ng magagawa kasi candidate kana sa Ms. AMA. Goodluck nalang sayo. Galingan mo sa pagtitinda ng ticket. Sa monday na ang bigayan,"

Sabi niya sabay talikod na sakin. Pahikbi hikbi nako dito. Parang bata na inagawan ng candy. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko >__<

"Ohh wait Jilliane, ill make a bet,"

Napa angat yung ulo ko sa sinabi niya. Napatigil ako sa pag iyak. Bet? Anong bet? Betlog? XD

"Kapag nanalo ako sa Ms. AMA, wag na wag mo na kaming guguluhin ni Daniel. At kapag nanalo ka naman," lumapit sakin si Kath at bumulong sakin. Kinilabutan nga ako eh.

"Sayo na si Daniel. At hindi ako manggugulo," after niyang bumulong sakin ay umalis na siya. Seriously?! Ano si Daniel? Prize? Prize na kailangan mapanalunan?

Nabuhayan ako ng dugo. Osge. Lalaban ako para sa pag iibigan namin ni Daniel. Gagawin ko ang lahat para ako ang manalo sa Ms. AMA.



x x x x x x x x x x x x x x x x x

Bryan's POV:

Tapos na ang plano namin about sa festival. Magkakabit na ng rides at preparation na ng booths sa monday. Nakaka excite grabe. Ngayon lang ako na excite ng ganto ^_____^

"Bryaaan," inayos ko na ang mga gamit ko. Uwian nadin kasi. Baka makita ko pa si Jill sa labas eh sasabay nako sakanya umuwi. Nakakakilig hahaha! XD

Tae kalalaki kong tao kinikilig ako. Eh pano crush ko si Jilliane. Quiet lang kayo haaaaa^____^

"Bryaaaaan!!!" ay! May tumawag sakin. Ohhh si Jilliane? Andito na pala crush ko. Sinusundo ako hahahaha lande XD

"Uyy Jilliane. Sakto dating mo tapos na kami magplano for our festival. Sa monday na start ng preparation at pagkakabit ng mga rides pati pag aayos ng mga booths. Exciting talaga," bakas na bakas siguro sa mukha ko ang pagka'excite. Siya? Mukhang masaya din.

"Onga pala Jill, bat moko hinintay? May kailangan kaba? Anong nangyari sa usapan niyo ni Katherine? Yung bestfriend mo," sabay tawa ko. Nang aasar lang. Hahaha effective naman umuusok na ilong at tenga hahahaha!!

"Ulul hindi ko bestfriend yun. Ayun nga, sabi niya kapag nanalo siya, wag ko na raw sila guluhin ni Daniel. At kapag ako naman ang nanalo......,"

"Anooooo?"

"Kapag ako ang nanalo....,"


"Ano ngaaaa?!"





Pasuspense suspense pa kasi eh >___<














"At kapag ako raw ang nanalo, ipapaubaya niya na sakin si Daniel. At hindi niya na kami guguluhin. Please Bryan tulungan mo akong manalo sa Ms. AMA. Please kailangan kong manalo,"



Tangina ang sakit </3

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon