Chapter 6- Move On

87 11 3
                                    

Third Person's POV:

Pagkatapos ng walang kabuluhang pag uusap nila Jilliane at Katherine, nagpunta na sila Bryan at Jilliane sa classroom. At dahil wala namang seatitng arrangement sakanila, magkatabi silang dalawa.

Hindi masyadong makapakinig si Jilliane sa tinuturo ng proffessor kaya madalas siyang pinapagalitan at pinag iinitan. Napapayuko nalang si Jilliane kapag napapagalitan siya.

Si Bryan naman, pinipilit niyang ituro yung sagot kay Jilliane pero nahuhuli siya.

Natapos ang klase nila na wala siyang natutunan at puro sermon lang ang napakinggan. Nag direstso muna sila sa cafeteria para kumain.

"Itinuro ko na nga yung sagot sayo dimo ko pinapakinggan eh. Ayan tuloy," sabi ni Bryan kay Jilliane.

"Eh siraulo ka eh diko kaya marinig. Hina hina ng boses mo,"

"Oh di kapag nilakasan ko nahuli na tayo ng prof. Napagalitan na nga ako ilang beses eh,"

"Mas lalo ako. Siguro mahigit pa sa sampung beses ako napagalitan. Ka'beastmode eh,"

Naupo na sila at nag uusap lang habang kumakain.

"Hindi mo parin talaga makalimutan yung ginawa sayo nung Daniel na yun noh?" sabi bigla ni Bryan. Halata naman ang pagka gulat sa mukha ni Jilliane nang tanungin siya neto.

"Ahh.. Oo syempre. Alam mo naman na yun. Pero anong magagawa ko? Lumuhod nako sa harapan niya, binalak ko nang magpakamatay, ayaw parin niya,"

"Eh tanga ka kasi eh. may paganun ganun ka pang nalalaman. Kung ako yun hinayaan ko na,"

"Hello? Ang tagal din kaya namin. Biruin mo umabot kami ng mahigit dalawang taon," sabay subo neto sa kinakaing spaghetti.

"At dalawang taon ka din nagpakatanga dun,"

"At pano mo naman nasabi?"

"Eh alam ko lahat ng tungkol sayo eh,"

"Woow haaa?! Umamin ka nga Bryan, stalker ba kita?" pang aasar ni Jilliane. Namula naman si Bryan.

"H-hindi ah. Siraulo ka talaga. Iba na nga pag usapan natin!" sabay binatukan ni Bryan si Jilliane.

"Sus, hahah! Ay oo nga pala, tutal ngayon palang naman tayo naging close, pag usapan na muna natin yung tungkol sa buhay mo,"

"Tungkol sa buhay ko? Bakit interesado ka?"

"Oo, i mean, kasi magkaibigan na tayo? Eh kasi diba malay ko ba kung holdaper ka, kriminal, diba?" seryosong sabi ni Jilliane. Natawa naman si Bryan.

"Abnoy talaga to. Syempre hindi. Eh wala naman kasing kabuluhan storya ng buhay ko,"

"Huh? Pano mo naman nasabi?"

"Eh kasi, lagi namang wala sina mama sa bahay eh. Pati si papa. Mga workaholic hahaha,"

"Eh parehas pala tayo eh. Ganyan din kaya sina Mama at Papa,"

"Hirap kaya. Pero ayos lang. Andyan kana eh," sabi ni Bryan. Halata namang nagulat siya sa sinabi niya.

"Hoy Bryan ah. Umamin ka nga, may pagnanasa kaba sakin haaaa?" tinampal naman ni Bryan yung noo ni Jilliane pero mahina lang.

"Araaaay haaa kanina kapa brutal kaaaaa,"

"Eh kung ano ano pinagsasabi mo eh,"

Gumanti naman si Jilliane ng hampas kay Bryan at ayun nag hampasan at kilitian sila sa loob ng cafeteria. Hanggang sa nagtakbuhan sila palabas at sa hindi sinasadya, nakabangga si Jilliane at parehas sila nung nakabangga niya na napaupo sa sahig.

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon