Entry #12

50 3 0
                                    


Jilliane sa taas ^|^

--

1pm, marami ng tao. Actually tapos na ang pagkakabit. Simula na ng festival. Mula sa booths at rides, nagmukha na tuloy amusement park ang kanilang school. Hindi lang puro taga-AMA ang andun kundi pati meron ding mga taga ibang school. Nakakatuwa nga at halos lahat ay nag eenjoy.

"Hi po! Im Jilliane Flores. Freshmen student. Bili na po kayo ng ticket ko. Isa po ko sa mga candidate ng Ms. AMA. Sana po suportahan niyo ako," bati ni Jilliane sa mga naglalakad sa harapan ng booth nila. Marami rin ang bumibili pero mas marami sa booth ni Katherine. Kasama din pala nito ang Boyfriend nitong si Daniel. Kaya siguro maraming bumibili kasi ang sweet nila tignan. Bagay na bagay. May papunas punas pa ng pawis si Katherine kay Daniel. Naghihiyawan naman ang ibang estudyante.

"Haaays," napabuntong hininga nalang si Jilliane. Nasasaktan parin kasi talaga ito sa nakikita niya. Tinap lang ni Chelsea ang balikat ni Jilliane. "Okay lang yan Jill. Hayaan mo na," ngumiti lang ng mapait si Jill kay Chelsea. Wala kasi si Bryan ngayon. Busy pa.

"Pait ng ngiti ah. Bitter Ate Jill? Hahaha. Move on nga!" sabi ni Dwinie Ji. Napaka-kulit ng babae na to. "Mahirap eh,"

"Alam mo Jill, hayaan mo na siya. Marami pa namang dadating. Maganda ka," -Richard.

"Salamat sainyo ah,"

"No prob. Tutulungan ka naman naming manalo dito. Diba sabi mo nga kanina, kapag nanalo ka mapapasaiyo na ulit si Daniel? Kaya gagawin namin lahat," -Chelsea. Na-touch si Jilliane sa mga pinagsasabi ng mga kasama niya. Pwede na ata siyang kiligin dahil napaka-sweet nila.

Magsasalita palang sana si Jill nang biglang may lalaking tumapat sa booth nila. Nagulat siya nang malaman kung sino ito.

"Hi Miss Jilliane. Pwede ba kitang bilihin?" napakunot ang noo ni Jilliane. Napatayo siya. Maya maya ay bigla na lamang hinila ng lalaki si Jill papunta sa walang mataong lugar sa parte ng school nila.

"Ano ba?!" sabay nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng lalaki sakanya pero maya maya ay binitawan din siya at saka isinandal sa pader.

"You're so dizzling hot," sambit ng lalaki na sa isip isip ni Jill eh parang nang mamanyak. Kinabahan ito.

"Ano ba Harri. Para ka tuloy manyak," umirap si Jill sa lalaki at saka sinikmuraan pero mahina lang. Nagkunwari namang nasaktan ang lalaki.

"Brutal. Well, i just want to say that i will court you. Sa ayaw at sa gusto mo," sabay ngumiti ito nang nakakaloko.

"ANO?!" bahagyang nagulat si Jill sa pinagsasabi ni Harri. Hindi ba niya alam kung kikiligin siya o maiinis o matatawa sa mga pinagsasabi ng lalaki sa harapan niya.

"Seryoso ka ba?!" sigaw muli ni Jill.

Ngumiti naman ang lalaki sa harapan niya at sabay sabing, "Yes, im serious. And sana bigyan mo ako ng chance," natawa si Jill pero saglit lang.

"Sa tingin mo papayag ako eh mukha ka ngang playbo----" tinakpan ni Harri ang bibig ni Jill gamit ang kanang kamay niya.

"Mukha lang akong playboy pero hindi talaga ako playboy. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. And thats a command," ala boss na sabi neto. Napayuko nalang si Jill. Wala naman na siyang magagawa eh.

-- -- -- -- -- -- --

Bumalik na si Jill sa booth neto at padabog na umupo katabi sina Chelsea, Dwinie, at Richard. Sa isip isip nito, 'Hindi man lang ako hinatid letche!'

"Huy Jill! Anyare sayo?" tanong ni Richard habang binebentahan yung babaeng bumibili ng ticket sakanya.

"Lalaki yan," biro ni Dwinie Ji. Hinampas naman ni Jill si Dwinie pero mahina lang. "Lul, hindi ah!" pagdedeny naman niya. Kung siya lang si pinocchio, malamang sa malamang ay humaba na ang ilong niya ng 2inches.

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon