Entry #10

87 7 3
                                    

SI JILL PO SA TAAS

-----
Pagkarating na pagkarating ni Jill sa kwarto niya, ibinagsak niya lahat ng gamit niya na pinamili nila nina Ate Bea at Bryan. Excited na itong isuot ang mga pinamili niya.

"Grabe napaka swerte ko naman," sabi ni Jill sa sarili habang naghahalungkat ng mga gamit.

"Oh sige na nga ihahanger ko na to sa loob ng walk in closet ko," parang baliw si Jill na kinakausap ang sarili. Sobra kasi siyang natutuwa sa blessing na dumating sakanya. Pero hindi padin niya ma-imagine na magsusuot na siya ng mga pa-girl na damit. Pero excited na siyang magsuot neto. Gulo noh -__-

Binitbit niya na lahat ng paper bag sa walk in closet niya at inihanger isa isa ang mga gamit. Sobrang dami non na halos maubusan na siya ng hanger. Siguro ay nasa 25 na pares na damit at mga dress ang napamili nila. Tapos may mga doll shoes pa na marami.

Hindi rin agad natapos ni Jill ang pag aayos dahil may pumukaw bigla ng atensyon niya. Ang picture nila ni Daniel sa loob ng walk in closet niya. Tinignan niya iyon at lumapit. Hinawakan pa niya ito. Parang poster iyon na pinagawa niya noon pa.

"Daniel...," hinawakan ni Jill yung poster. Naiiyak nanaman siya. Naalala nanaman niya nung sila pa ni Daniel. Sobrang mahal kasi niya to at ayaw niyang mawala ito sakanya. Kahit nga may kausapin siyang babae or hawakan lang niya, magseselos agad ito.

"Alam mo Daniel, namimiss na kita. Sobra...," tumulo ang luha ni Jill. Hindi niya maiwasan. Sa ilang taong pagsasama nila, wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ito. Tapos ngayon mawawala nalang siya ng parang bula? Hindi rin niya maiwasan ang pagkasabik sa dating-mahal-niya dahil nakasanayan na niyang may nanlalambing at nangungulit sakanya. Ngayon ay hirap na hirap siya kung pano mag move on dahil mahirap naman talaga. Kung pwede nga lang na buksan ang puso niya at alisin doon si Daniel ay matagal na niyang ginawa.

"Daniel masakit parin talaga eh. Hindi ko maiwasan na, ganto yung mangyayari satin. Bakit ba kasi ganon? Bigla ka nalang nang-iiwan? Bigla mo nalang sasabihin sakin na may mahal ka ng iba? Ang unfair mo...," humagulhol na si Jill sa pag iyak. Hindi na niya nakayanan pang magsalita dahil sobra na ang paghikbi niya na akala mo'y may hika. Buti nalang at lagi siyang may dalang bote ng tubig. Mabilis kasi siyang mauhaw.

Inalala nalang niya yung mga panahong sila pa. Yung masaya, naglalambingan. Alam niyang lalo siyang mahihirapan kung patuloy niyang aalalahanin yung mga alaala nila ni Daniel pero hindi talaga niya maiwasan. Masakit parin para sakanya na alaala nalang ang lahat, na hindi na ito maaaring ibalik pa sa dati. Hindi na siya umaasang mananalo pa sa contest ng Ms. AMA. Pero gagawin niya ang lahat. Kahit mapagod at masaktan pa siya. Kahit naman siguro manalo siya sa Ms. AMA at sa pustahan nila ni Katherine, hindi naman na siguro maibabalik pa sa dati ang sweetness nila ni Daniel. Kasi nga diba? Mahal na niya talaga si Katherine. Haaaist, ang gulo ng buhay. Hindi maintindihan. Ayon nga sa nabasa kong story, "Hindi mo matatawag na love yang nararamdaman mo kung hindi ka nasaktan," which is true. Kasi kung nagbreak na nga kayo tas ikaw tuwang tuwa pa, bukod sa baliw kana at manhid eh shonga kapa at hindi nagmahal ng totoo.

Kesa magmukha siyang si Ms. Emotera dito ay inayos niya nalang ang ilan pang magulo niyang gamit dito sa napakalaki niyang closet. Nakahiwalay ang lalagyanan ng pants, shorts, dress, polo, skirt, blouse, at basta hiwa-hiwalay yan lahat at nakaayos pa pati colors. Maguumpisa sa red, yellow, green, blue, orange, brown, violet, black, pink, black, at nagtatapos naman sa mga hindi pure na colors katulad ng stripes.

Pati rin mga make up niya na binigay ni Bea ay iniayos na niya sa tokador niya na parang tokador ng artista. May ilaw pa ito sa magkabilang gilid. Pang mayaman.

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon