Chapter 7-Ikaw nanaman?!

51 8 2
                                    

Hi guys! Bagong update nanaman! Hahahaha. Si Jilliane Flores po yung nasa taas. Ganda noh? ^_^

--

Jilliane's POV:

Naglalakad lang ako dito sa loob ng campus. Wala si Bryan eh. Busy para sa festival dito sa school. Officer yun dito eh. Kaya medyo kilala.

Taon taon naman ginaganap yung festival dito. Masaya yun. Maraming booths, marami ring rides. At syempre, maraming taga ibang school nanaman ang bibisita sa school namin.

May gaganapin nanamang Mr. and Miss AMA dito sa school kung saan, marami nanaman ang magbebenta ng kanya kanyang ticket. Money contest kasi yun dito samin eh. Mga mayayaman lang sumasali don.

Tsss, alam naman na kung sino ang mananalo sa Miss AMA. Sino paba? Eh di syempre yung Katherine na yun nanaman! Siya naman lagi eh. Kakasawa na nga. Pabida masyado porke apo ng may ari ng school -_-

Last year masaya festival ko eh. Kasi kami pa nun ni Daniel. Ngayon hindi na! Iba na magiging kasama niya >_<

Pero okay padin naman siguro kasi andyan naman si Bryan eh. Naalala ko yung lakad namin kahapon. Grabehan hahaha! Hanggang sa hapag kainan inaasar ako nila Ate Maan -,-

Natuwa naman ako dun sa lakad namin hahahaha!

Naglalakad lakad lang ako..

Lakad..

Lakad..

Lakad..

"Landi talaga nyan ni Jilliane. Kala ko nga mahal niya talaga si Daniel. May paluhod luhod pa siyang nalalaman. Tapos sa facebook kaakbay niya si Bryan. Dp yun ni Bryan eh," girl 1

"Wee? Hindi nga? Huh. Kaya siguro naayawan siya ni Daniel kasi ganyan ugali niya. Manloloko," girl 2

"Bilis makapag move on eh hahaha!" girl 3 tas nagtawanan silang lahat.

Say whuuut?!!! Ako talaga topic nila haaa?!!! Tsaka anong DP ni Bryan?!!

Hindi kayaaa..

Baka yun yung p--

*booogsh*

Aray -,-

Nabangga ako >_

At nahulog lahat ng papers na dala ko. Argh!!

Sana lang hindi si Katherine to. Kung hindi asahan niyo na ang happenings -_-

"Uhh, im sorry miss," sabi nung nakabunggo sakin. Pag angat ko ng ulo ko nakita ko siyang papaalis na kaya hindi ko nakilala.

Aba bastos to ah. Siya na nga nakabunggo tapos di pako tutulungan dito?!

"Hoy! Anong sorry?! Tulungan moko dito magpulot!" sigaw ko dun sa lalaki pero mukhang di yata niya narinig sigaw ko. May kausap sa phone eh. Kinulbit ko nga.

"Hoy! Pwede bang tulungan moko dun kasi nabangga mo ako, haaaa?!" nakapamewang kong sabi sakanya.

"No baby.. Yahh.. Uhh wait i'll hang up.. Lets talk later.. Yeah.. Someone's bothering me here.. Yah.. Okay baby see you later.. I love you.."

Huh?! Lande!!!!

Nilingon niya nako.

"Hey Mis--- Ohh Jilliane?" sabay ngiti niya sakin ng nakakaloko. Ohh wait, si.. Si..

"Harriet?"

"Yah hey, hanap moko?"

"Ahh tss. Nabangga mo kasi ako. Baka naman pwede mokong tulungan magpulot ng mga papers ko?"

I Accidentally Fell In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon