Xena
♪♫ 'Cause it's us against the world
You and me against them all ♪♫Tinitingnan ko si Near nang masama habang nagpipigil naman siya ng tawa habang nagda-drive.
♪♫ If you listen to these words
Know that we're standing tall ♪♫Sinabayan niya ang kantang tumutugtog sa stereo ng sasakyan niya. He glanced at me and winked. Binato ko sa kanya ang hawak na tissue na may mukha ni Jollibee. Tumawa naman siya ng malakas pero sinabayan pa din ang kanta.
♪♫ I don't ever see the day that
I won't catch when you fall ♪♫Hindi na ako nakapagtiis. I turned off the radio. Ngumuso naman siya at sinabing sinisira ko daw ang concert niya. Na-iling na lang ako. Ang lakas talaga ng sapak.
Papunta na kami ngayon sa school. Actually, late na kami ng 15 minutes. Ang lakas kasi talaga ng trip ni Near. Imbes na dumiretso ng school, dumaan pa kami sa drive thru ng Jollibee coz he was craving for Yum burger and coke float daw. Parang bata. Ang cute lang.
"Alam mo bang favorite song ko 'yun? Ang ganda kaya. Tagos sa damdamin."
Kung may hawak pa ako ngayon, binato ko na sana uli sa kanya. "Shut up."
"Ayaw mo ba sa kanta? Hindi ka relate? Us against the world, you and me against them all." Nangingiti niyang sabi pagkatapos tulain ang lyrics ng kanta.
"Near.."
"What?"
"Shut the hell up." I gave him a death glare which he dodged with his annoying laugh.
Inirapan ko siya pero nakangiti ako. Ewan ko kung ano bang na-inom niya at ang lakas ng trip ngayon. Pareho kaming napatingin sa cellphone ko na nasa dash board ng sasakyan niya nang mag-ring 'yun. 'ShinG' is flashing on its screen.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Hey baby." Bati ko habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Nakita kong napatingin sakin si Near pero binalik niya din naman agad ang tingin sa kalsada.
"Baby Xen. May klase ka na?"
"Well yeah, actually. Pero wala pa ako sa school. Why?"
"Nasa harap ako ng school niyo. Come and see me, okay?"
"What? No. Late na nga ako sa first subject ko eh."
Narinig kong tumawa siya. "You're actually concern that you're late."
I rolled my eyes. "Fuck off. Mabuting estudyante na ako ngayon." Natatawa kong sabi.
"Ako pa niloko mo. Um-absent ka na lang. Spend the day with me?"
"You're crazy, Shin. Pagagalitan ako ni mama 'pag nalaman niya."
"Woah. You're concern na pagagalitan ka ni tita?" He asked in disbelief tapos ay tumawa.
"Shut up. Hindi nga pwede. At isa pa, kasama ko ang baby brother ko." As I said this, tumingin ako sa side ni Near pero seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa harap ng kalsada.

BINABASA MO ANG
Untamed Attraction //oh hold//
RomanceI hate being controlled. Gusto kong gawin ang mga bagay on my own way. Kaya naman kapag may nagsasabi saking huwag gawin ang isang bagay, mas ginagawa ko dahil wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng paggawa ng bawal. I have a step-brother. A hot on...