Xena
♪ Do you feel like a man when you push her around
Do you feel better now as she falls to the ground
Well I'll tell you my friend, one day this world's going to end
As your lies crumble down, a new life she has found ♪Inayos ko ang pagkakasuot ng earphones sa tenga ko saka ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok. I can hear faint screamings from downstairs. I bet nagaaway na naman sila mama at papa. Same old shit in the morning.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa swivel chair ng computer table ko at bumaba na para mag-almusal.
"Sino yung lalaking kasama mo?!"
"Katrabaho ko lang yun, Iñigo! Ang dumi ng utak mo!"
"Katrabaho?! Tapos hinalikan ka sa pisngi?! Pu—"
Tinaas ko ang volume ng iPod ko para hindi na marinig ang sigawan nila. Wala na akong pake kahit masira pa ang ear drums ko.
Kumuha ako ng mansanas sa lamesa at lumabas na ng bahay. Doon ko na hininaan ang volume. Kumagat ako sa mansanas at payapang naglakad papuntang school.
I'm Xena Mari Lazaro. Magse-17 y/old. Fourth year high school sa F Academy.
"Xeeeena!~"
Kahit may suot na earphones, rinig pa rin ang malakas ng boses ni Ivonne, best friend ko. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Xena!" Mabilis siyang sumabay sakin sa paglalakad. "How do I look? Tingin mo mapapansin na ako ni Papa Near?" Nag-beautiful eyes siya at kumaway-kaway pa na parang beauty queen.
Ivo— I mean Ivonne, is wearing a headband with a huge red ribbon sa gilid. Maputi si Ivo..nne at panlalaki ang buhok niya dahil bawal sa school ang mahaba ang buhok kapag lalaki kaya wala siyangchoice. Gwapo si bakla. Isang malaking sayang ang genes niya. He's been my best friend since grade 3 at kahit ano pa 'yan, best friend ko pa rin 'yan.
Tinanggal ko ang isang earphone ko at pinasadahan siya ng tingin.
"Ano na? Do I look pretty ba? Dinekwat ko 'tong headband sa kapatid ko eh. Bagay ba sakin? Sana mapansin na ako ni fafa Near!"
Inirapan ko siya. Tinanggal ko ang headband na suot niya at nanlaki ang mga mata niya.
"Ayy hala gurl! Hindi ba bagay?"
"Ayos lang naman. But you look better like that. Walang ek ek. Oh." Pabalang kong binato sa kanya yung headband.
"Ang turray! Just the way you are lang ang peg! Kung lalaki ka lang sis, na-inlababu na ako sa'yo!"
Tinampal ko ang pisngi niya. "Tama na ang harot. Male-late na tayo."
Nakarating na kami sa school. As usual, kesa dumiretsong building C, dumaan muna kami sa building B para magpapansin si Ivonne sa crush niyang si Near.
Si Near Fajardo ang gwapong bad boy ng mga third years, according to Ivonne. Madaming nagkakagusto sa Near na 'yun dahil gwapo, maputi, matangkad, tapos astig din. Long hair na medyo kulot tapos laging iniipit into a man bun. Tilian tuloy ang mga babae pag nakikita siya.
Marami ding bali-balita na babaero 'yan. Lahat ng magagandang estudyante sa campus ay naging girlfriend niya na. Maliban lang sa mga taken na. Pero ang ipinagtataka ko, maganda naman ako at single pero ni minsan ay hindi ako nilapitan ni Near.
Dun nga nanghihinayang si Ivonne. Akala niya kasi lalapit sakin si Near dahil maganda ako tapos gagamitin niya daw ako bilang tulay sa love story nila. Ang harot talaga.

BINABASA MO ANG
Untamed Attraction //oh hold//
RomanceI hate being controlled. Gusto kong gawin ang mga bagay on my own way. Kaya naman kapag may nagsasabi saking huwag gawin ang isang bagay, mas ginagawa ko dahil wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng paggawa ng bawal. I have a step-brother. A hot on...