UA 15. Ideal Type

13.6K 162 22
                                    

Xena

Wow. The sunrise view from my balcony is breath-taking.

Ipinatong ko ang mga braso ko sa may railing at tahimik na in-appreciate ang magandang scenery. Sobrang payapa ng pakiramdam ko.

"Ate."

Awtomatikong may gumuhit na ngiti sa mga labi ko nang marinig ang boses niya. Tumalikod ako sumandal sa may railing habang naka-crossed arms. Near is leaning against the balcony door at may hawak siyang gitara.

"What are you doing here?"

Bago sumagot ay naglakad siya palapit sa puting upuan na nasa gilid ng balcony at umupo doon. Dumikwatro siya saka ipinatong ang gitara sa hita.

"Sinabihan ako ni tita Helen na magsisimba daw sila. Kung gusto daw nating sumama, bumaba raw tayo in 30 minutes." Sabi niya nang hindi tumitingin sakin. Mahina niyang ini-istrum ang hawak na gitara.

Humarap na uli ako sa magandang view at nag-lean in sa railings. Pinilig ko ang ulo ko para tingnan si Near. "Simba? Baka masunog ako. Dito na lang ako." Natatawang sabi ko.

"I'll accompany you, then." Sabi niya saka nilakasan na ang pagi-strum sa gitara. "Want me to sing you a song?"

"You can sing?"

"Well everyone can sing. Hindi ko lang sure kung magaling ako." Nahihiya niyang sabi. "Alam mo bang ikaw ang unang taong kakantahan ko?" He looked up at me and gave me a smile.

"I should be flattered, then." Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa upuan na katapat ng kanya.

"Don't laugh at me, okay?" Pambabanta niya at natatawang tumango lang ako.

Nagsimula ng tumugtog si Near. Narinig ko ang pamilyar na intro ng 'Ngiti'. And by remembering the song, napangiti ako.

"Minamasdan kita..."

Woah. Ang ganda ng boses niya.

"...nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin"

Nangalumbaba ako at nakangiting pinagmasdan siya. Nakatingin lang siya sa gitara niya habang tumutugtog at kumakanta.

"Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit ♪"

Never had I thought na magaling palang kumanta si Near. And he played the guitar well. Tapos gwapo pa siya, so does it make him perfect already? Near's future girlfriend would be so lucky.

Biglang tumigil sa pagtugtog at pagkanta si Near. He was still looking down at hindi gumagalaw. Nagtaka naman ako. Umupo ako nang maayos.

"Near.. what's wrong?"

Dumiretso siya nang upo at tumingin sakin.

"What's your ideal type, ate?"

Nagtaka naman ako sa out of the blue question niya. My ideal type? Bakit gusto niyang malaman? Napa-isip naman ako sa tanong niya.

"Wala akong ideal type."

"Wala?" Nagtatakang tanong niya. "But I thought all girls have their own ideal type."

"But I'm not just any other girl. Wala akong pakialam sa itsura o physique ng isang tao. Wala nga rin akong pake sa ugali. All I want is someone who's constant and doesn't change."

Untamed Attraction //oh hold//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon