Xena
Lutang akong naglalakad papasok sa school. It's official, hiwalay na ang mama at papa ko. They fixed all the papers. Umalis na sa bahay si papa kagabi. Ang totoo niyan ay gusto ko sanang sumama sa papa ko pero alam kong hindi siya papayag. Pipilitin niya ako samahan ang mama ko dahil mas kailangan ako ni mama.
Tahimik ang umaga ko. Nakakapanibago. Walang sigawan na nagsilbing alarm clock ko na.
"Xena!!"
Tumabi sa akin si Ivonne na mukhang masayang-masaya.
"Talkting terms na kami ni papa Near! Kahit na puro ikaw ang topic namin, okaylalu lang! At least nakakausap ko na siya tapos ang sarap pa pakinggan kapag sinasabi niya ang pangalan ko. Ahhhhh!" Para siyang baliw na pinaghahahampas ako.
Sinampal ko siya pero slight lang para matauhan. "Kalma, Ivonne."
Naalala ko yung ginawa namin kahapon ni Near. Haaay. Nakokonsensya ako.
"Ivonne.."
"Hmmm?"
"Hiwalay na sila mama at papa."
Umacting naman siya na nagulat.. yung OA mala Kris Aquino. Tapos nag-poker face siya. "Matagal ko ng ramdam yan gurl. Na malapit na sila maghiwalay. Wala kasing forever. Charing! Palagi ba naman nagaaway ang mudrakels at pudrakels mo." Tinapik niya ang balikat ko. "Okay ka lang?"
Tumango lang ako.
Nakarating na kami ng school. As usual, dadaan na naman kami sa harap ng barkada ni Near. Parang bulateng hindi mapakali si Ivonne.
Nakatulala lang ako habang naglalakad kami. Iniisip ko pa din kung pa'no na kami ni mama ngayon na wala na si papa. Ang pinagsamang sweldo nga nila eh hindi pa sapat sa mga pangangailangan namin tapos ngayon wala na si papa. Pa'no kami mabubuhay ni mama? Magtrabaho kaya ako?
"Ivonne!"
Napakurot si Ivonne sa tagiliran ko nang marinig ang boses ni Near na tinawag ang pangalan niya. Tumigil kami sa paglalakad at hinarap ang magbabarkada.
"H-Hi, Near." Pa-demure na bati niya with matching hawi pa ng buhok na hindi naman kahabaan.
Now that I think of it, bawal nga ang mahabang buhok dito sa academy pero bakit yung buhok ni Near, mahaba? Ano 'to, favoritism?
Nakita kong nginitian ni Near ang katabi kong alam kong nagwawala na sa loob.
"Hi, Xena." Baling niya sakin at nakita kong tinapik ng ilang barkada niya ang balikat niya.
Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Ivonne. "Mauuna na ako."
"Ha? Bakit, sis?"
"Hinihintay ako ni Bryan." Partner ko si Bryan sa thesis na ginagawa namin sa Physics.
"Ganun? Sige sis, see ya later." Tapos nakipagbeso-beso siya sakin.
Umalis na ako at tulalang naglakad. Kakaliko ko pa lang sa isang corner nang biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad.
"Xena, wait."
Tiningnan ko ng masama si Near. "What the hell are you doing here? Bakit iniwan mo si Ivonne?"
"Nagpaalam ako na magc-CR lang saglit."
"Eh di mag-CR ka. Mukha ba akong CR?"
BINABASA MO ANG
Untamed Attraction //oh hold//
عاطفيةI hate being controlled. Gusto kong gawin ang mga bagay on my own way. Kaya naman kapag may nagsasabi saking huwag gawin ang isang bagay, mas ginagawa ko dahil wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng paggawa ng bawal. I have a step-brother. A hot on...