Mangga

78 1 0
                                    

I don't know why I entitled this poem 'Mangga'. To those who didn't know, Mangga or Mango in English is the Philippines' national fruit. So yeah, it's one of my favorite flavors also :)

Come and taste this mango-flavored, bittersweet-hugot poem :P


Enjoy!


**

Mangga


Maasim, madilaw

Bilugan, nakalawlaw

Mga nakasabit na mapang-akit

Kapag natikma'y, mata'y naniningkit



Matamis, masarap

Bango'y nalalasap

Nahinog, nahulog

Walang sumalo, nabulbog



Mapait, maitim

Kulot at mabaho na

Pag-ibig na parang manggang hilaw

Ako na walang ikaw



Lasang kinulang na sa tamis

Ngayo'y kasing alat na ng pawis

Manggang binuro ng panahon

Parang pag-ibig mong nabaon



Masarap, maasim

Mapait, mapakla

Minsan mangga

Minsan ikaw.


Inside MyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon