Hindi Imposible

26 1 0
                                    

So..I mentioned in my previous post that I joined a slam poetry contest. And that piece should have been my entry if the theme was anything under the sun. But it wasn't the case. Haha. So, good thing my brain was able to come up with something that was close to the theme :)

Written: October 1, 2017

Enjoy reading!

---

Maraming tao na rin ang nagtanong sa akin,
Bakit Accountancy ang napili mong kurso?
Sadya bang ito ang nais ng iyong puso,
O nakikiayon ka lamang dahil iyon ang uso?

Kaibigan, nais kong malaman mo.
Oo, iyang mga tanong na iyan din ang palagi kong tanong sa aking sarili,
Bakit ito ang aking pinili, hindi naman ito madali?
Katunayan, sobrang hirap nga nito.

Tatlong letra,
Tama ka, iyon nga ang dahilan.
Marahil hindi pa ako kuntento sa aking ngalan,
Kung kaya't nais ko pa itong dagdagan.
CPA, Certified Public Accountant

Sa apat na taon kong pakikibaka sa kursong ito,
Mas nakilala ko ang sarili ko.
Ah, kahit pala mahirap, 'hindi ako dapat magpatalo',
Iyan ang mga katagang palagi kong sinasabi ko sa sarili ko.

Sinanay ko na rin ang sarili sa kritisismo,
Sa tuwing hindi ko maibigay ang hiling ng mga tao sa paligid ko.
Pasensiya na rin kung sarili'y hindi maibahagi,
Hayaan niyo, balang-araw ako'y makakabawi din.

Oo, inaasam ko kasi ang pagdating ng araw na iyon,
Na sa kahirapan, pamilya'y balang-araw ay maiaahon.
Ang masuklian man lang ang kahit katiting ng kanilang mga hirap,
Kaya't ako'y nagsisikap at patuloy na lumalaban para sa pangarap.

Maraming balakid pa ang kailangang kong malampasan,
Ngunit alam kong handa ako sa anumang laban.
Mananatiling matatag itong puso,
Hindi susuko, hindi magpapatalo.

Oo, mahirap, hindi nga madali.
Ngunit hindi imposible.
Walang imposible.

Inside MyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon