Chapter Six: Kilig One PercentMARK's POV
"Aahhhhhhhh grabe ang sarap"
Grabe kung matitikman nyo kung ano yung tinitikman ko malamang hindi nyo na mababanggit pangalan nyo.
"Aahhh"
"Ahh manang ang sarap!"
"Manang isa pa!"
Nilagyan ulit ni manang ng soup ang lalagyanan ko at hinigop ko ito
"Manang gawa nyo ulit ako ng ganto bukas ahh.
"Masarap ba apo?!" Tanong ni manang.
"Manang ano meat nito?!" Tanong ko kay manang.
"Palaka apo!"
Naibuga ko yung soup sa mukha ni manang sa sobrang gulat.
"Walangya ka apo!"
"Sorry po manang. Bakit naman po kasi hindi nyo sinabi na palaka pala ang meat nito?!"
"Oh Dios ko! Hindi ka naman nag tatanong apo. Tsaka nasarapan ka naman diba?!" Tanong nito.
"Tsk! Ayoko na nga manang.!" Tapos umalis na ako at pumunta na sa kwarto ko.
Pag kauwi ko kasi galing kila Alyana eh diretso agad akong kusina para kumain tapos ayun nga sarap na sarap pa naman sana ako pero palaka pala ang kinakain ko..
Naligo na ako at nagbihis para makapag isip isip kung ano ang susunod na moves ko.
Let the game begin...
ALYANA's POV
"Hoy panget may nag aabang sayo sa labas. Panget din katulad mo!" Sabi ni Marco sabay labas.
Sino kaya yun? Hindi naman pwedeng sila Monica at Yanyan yun dahil walang pasok ngayon at hindi nila alam ang bahay ko.
Bumaba ako para tignan kung sino yung nag hahanap sa akin.
"Pa! Sino yung nag haha--" napahinto ako sa pag baba ng hagdan nung nakita ko kung sino ang kausap ni papa sa baba.
"Anak! Hindi mo naman sinasabi sa akin na may manliligaw ka na pala.!"
Na-istatwa ako sa sinabi ni daddy. Tinignan ko ng masama si Mark at nakita ko lang syang ngumiti ng nakakaloko.
"No, daddy hindi ko sya manliligaw!" Sabi ko kay daddy.
"Kung ganon ano mo sya?!" Tanong ni dad.
"STALKER/SUITOR" sabay pa naming sagot
"Hayy nako anak! Ikaw Mr. Perez kung may balak ka lang saktan ang anak ko sabihin mo na ng mas maaga para makonyatan na kita!" Natawa naman ako sa sinabi ni daddy
Ngumiti lang si Mark at nag salita ulit.
"Mag papasama lang po kasi sana ako.!"
"Saan at bakit?!" Pang iintriga ni daddy sa kanya.
"Sa mall po. Birthday po kasi ng kapatid kong babae mag papatulong po sana akong mag hanap ng gift!" Sabi nito.
Tumingin sa akin si daddy kaya sumenyas ako na wag akong payagan pero ayun umoo parin. Kainiss tinatamad nga ako ehh lalo na at kasama ko pa yang lalaki na yan.
Pag dating namin sa mall hinawakan nya agad ang kamay ko at ang walanghiya inakbayan pa ako.
Tinatanggal ko ito pero ang kulit at binabalik parin yung kamay nya kaya ayun nag sawa ako at pinabayaan sya.
"Ano bang bibilhin mo?!" Tanong ko sa kanya.
"Tara ikaw mamili!" Pinabayaan ko na lang sya kung saan man nya ako dalhin. Dinala nya ako sa kung saan saan at binibili nya lahat ng isukat ko dahil mag kasize lang naman daw kami nung kapatid nya pati sandals ay binili na rin nya. Kung hindi ko lang alam na manyakis to malamang humanga na ako sa kanya eh.
Kumain kami sa pizza hot pero pinag mamasdan lang nya ako kumain dahil busog daw sya pero wapakels ko sa kanya ee sa gutom na ako.
"Hoy! Uwi na tayo gabi na ohh. Ang dami na kaya nyan.!"
Ang dami kasing binile ehh.
"Tara na nga!" Inakbayan nanaman nya ako at dumiretso na kami sa kotse nya.
Pag dating namin sa bahay ay hindi muna ako bumaba.
"Ahhm! Pakisabi nalang sa kapatid mo happy birth day!" Sabi ko
"Hahaha! Actually walang may birth day ngayon!"
"Ha?!"
"Oh ito kunin mo sayo lahat yan!"
"Ha?"
"Puro ka nalang ha!"
"Ha?!" Ehh sa hindi parin mag sink in saakin yung sinasabi nya eh..
"Pasok ka na. Sana maulit yung date natin ahh!" Tapos ngumiti sya.
Lalabas na sana ako pero naisip ko muna syang asarin
"So! date na yun sayo?!" Nagulat sya sa sinabi.
"Kasi bakit hindi mo man lang sinabi??"
"Bakit papayag kaba kung sabihin kong date to?!"
"H-hindi"
"Hahaha bakit nabitin ka ba sa date natin?!" Tanong nya at nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko
"Pwede ba? Tigilan mo nga ako!" Nilayo ko sa kanya ang mukha ko at inirapan sya.
"Salamat pala ahh!" Sabi nya.
"Para saan?" Tanong ko
"Para dito!" Hinalikan nya ako.....sa noo...
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanigas na lang ako.
Tinulak ko sya.
"How dare you?" Sabi ko
Nagulat sya sa ginawa ko.
"Sorry!" Sabi nya at yumuko.
"B-bakit mo ginawa yun?!" Tanong ko sa kanya at hindi na pinakinggan ang susunod na sasabihin nya.
Paakyat na sana ako nung nakita ko si daddy sa kusina kaya pinuntahan ko sya.
Kumuha ako ng isang baso at nilagyan ito ng tubig.
"Daddy!"
"Ahm?"
"Masama ba kapag hinalikan ng isang lalaki ang babae sa noo?!" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin at humigop muna sya ng kape nya at tsaka ako sinagot.
"Alam mo anak, nung ginawa ko yan sa mommy mo alam mo ba ginawa nya sa akin?!"
"Ahm! Ano po?" Tanong ko.
"Ngumiti sya. Hindi naman kasi masama na halikan ka ng isang lalaki sa noo. Ang totoo nga nyan ay isa iyong simbolismo na ginagalang ka nya at minamahal ng totoo!"
Ngumiti sa akin si daddy at nauna ng umakyat.
Totoo ba yun?
Hinawakan ko ang pisngi ko na nag iinit na. Teka..kinikilig ba ako? Siguro.... One percent lang naman..
Haay ewan..
![](https://img.wattpad.com/cover/53041023-288-k798069.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG KAKLASE KONG MANYAKIS
RomancePaunawa: Ang istoryang ito ay hindi angkop sa mga malalaswa ang isipan. Ito ay may kalokohan, pero may kapupulutang aral. Ito ay walang halong kalaswaan... Pero maraming Kalolokohan. Maiinis... kikiligin.... at... Mapapaiyak...... . . . . . . . . sa...