Chapter Nine

527 11 3
                                    


Chapter Nine: First Move

ALYANA's POV

"Ate! " Naririnig kong boses ni Marco sa labas ng kwarto ko. Ano nanaman kaya trip nito sa buhay?  Teka!  Anong oras na ba?  Parang kakatulog ko lang.

Tumayo na ako at binuksan ang pinto.

"Ano problema mo ,Marco?" Tanong ko pero parang nakakita sya ng multo pagkakita sa akin.

"Huy! Marco!  Helllooo! " kumaway kaway pa ako sa harapan nya pero parang tanga syang nakanganga at nanlalaki ang mata.

"Hay nakuu!  Ewan ko sayo! " sinarado ko na ang pinto pero ganun na lang ang gulat ko ng marinig syang nag sisisigaw kaya madali kong binuksan ang pinto at baka naipit ko sya.

"Waaaaaah!  Waaaaahhh! "

"Ano yun,  Marco? " Natigil ulit sya sa pag sigaw at natulala. "Marco! Naipit ka ba? " pero wala akong nakuhang sagot kaya ipinag sawalang bahala ko na lang pero nung sinarado ko ang pinto nag simula nanaman syang sumigaw. 

"Waaaaahhh! Waaaaahhh! " kaya binuksan ko ulit ang pinto at tulad ng kanina natulala nanaman sya. Ano ba problema ng isang to? Nang muli kong nasarado yung pinto ay nagsisigaw nanaman sya

"Marco!  What the hell is your problem?  Nakakagulo ka ng kapitbahay!  Mahiya ka naman!  Ano ba trip mo, hah? Isa pang sigaw at kukurutin ko yang ngalangala mo! " at tulad ng kanina wala parin syang kibo at ng isasarado ko ang pinto ay binuksan ko agad at nakita ko syang akmang sisigaw pero nahinto ng makita ako. Sisipain ko na sana sya ng mabilis syang tumakbo habang tumatawa. Anong trip ng batang yun? 

Pumasok ako sa cr at nag hilamos at nag toothbrush. Habang nagtotoothbrush ako nakita ko ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Nakita ko ang mga mata kong halos kasinlaki ng bloke ng yelo ang eye bags nito. Ikaw ba naman matulog ng madaling araw at gumising ng--- teka anong oras na ba?  Nag mumog muna ako bago ako lumabas ng banyo at tinignan ang wall clock. Shit!  Alas singko pa lang? Sabi ko na nga ba ehh. 

Hayyy!  Nalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Simula nung hinatid nya ako rito ay nawala na ako sa katinuan. Syempre ano pa ba,  edi ayun hindi rin ako nakatulog ng maayos at ang walangya kong kapatid nandun sa couch nakaupo at nag babasa ng magazine .

"Marco. Bakit ang aga mo ata nagising?"

"Actually,  hindi pa ako natutulog dahil mag damag akong nag review" lumingon sya sa akin at binaba yung magazine na binabasa nya kanina.

"Tsaka ate, nagugutom na ako kaya ginising kita"

"Nakuuu! Pero bakit ka nag rereview?  Malayo pa test nyo ah" tumayo na ako at pumunta sa kusina at sinundan nya ako.

"Wala lang.  Kailangan ba lahat may dahilan? " tanong nya na ipinagkibit balikat ko na lang.

"Si papa nga pala? Buti hindi nagising sa sigaw mo yun" sabi ko habang inaayos na ang lulutuin ko.

"Hindi umuwi si papa." Nagulat ako sa sagot nya.

"Di mo alam ate?" Ano kaya meron? Ipinag patuloy ko na lang ang pag luluto ng itlog.

"Ate ,nga pala si kuya Mark sabi nya sa akin na sabihin ko raw sayo na may date kayo ngayon" kung may iniinum lang ako ngayon baka nabilaukan na ako. 

"Ano?"

"Kailangan ko pa bang ulitin ate?  O nag bingibingihan ka lang? Tss. Arte mo!  Akala mo naman kagandahan. " Aba!  Itong batang to walang galang. Pero ano yung sabi nya?  May date daw kami ni Mark?  Eh hindi pa nga nag tatanong at hindi pa ako pumapayag. Imba rin yung lalaking yun ah.

Nang natapos ko ng lutuin ang itlog, fried rice, hot dog at syempre mawawala ba ang bacoooon.

"Marcooooo!  Tara kumain na tayo! " sigaw ko kaya agad syang pumunta sa kusina at sumabay sa akin.

"Ate! Kayo na ba ni kuya Mark? " nasamid ako sa tanong nya. Nice! 

"Hindi" sagot ko pero para lang syang tangang nakangiti

"Alam mo ate na hindi ka kagandahan kaya wag ka ng mag inarte" tumawa sya at pinag patuloy ang pag kain .

"Alam mo kapatid, sabi nila magkamukha raw tayo so kung pangit ako diba ikaw din? " Tatawa na sana ako ng may nag doorbell.

"Ako na. Baka si papa na yan! "Tumayo na ako at mabilis na lumabas. Kailangan ko ring makausap si papa dahil baka kung ano na meron .

Binuksan ko ang gate at nagulantang ako sa dami ng bulaklak sa labas ng bahay namin. Teka nga!  Hindi naman ako mag tatayo ng garden ah!  So bakit may mga paso na may lamang bulaklak?

"Good morning ma'am. For Ms. Alyana Shane Garcia flower delivery po! " hindi parin ako makapag salita at tulala lamang ako sa mga nilalabas ng mga kasamahan nya sa truck .

"Ate,  ano yan? " napalingon ako kay Marco at lumapit sya para tignan ang nangyayari.

"Wait po kuya!  Hindi po kami nag padeliver nito " Napakamot si kuya at tinignan ang papel na hawak nya

"Pero ma'am dito po yung address.  Bayad na rin po" kinuha ko na lang ang inaabot nyang papel at pinirmahan.

"Teka kuya!  Sino po ba nag padeliver? " may tinignan syang muli sa kanyang hawak na papel at tumingin sa akin

"Si Mr. Mark Anthony Perez po" nagulantang ako habang ang kapatid ko naman ay tawa ng tawa sa mga nangyayari.

"Nice!  First move na yan ate! " tumingin ako kay Marco at kinindatan nya lang ako at pumasok na sa loob ng bahay.

"Manong!  Pwede nyo na po ipasok yan sa loob. Dun nyo na lang po ilagay" tinuro ko ang gilid ng gate. Wala naman akong alam na pag lalagyan nyan. Alangan namang ilagay ko sa kwarto ko yan?  Tss. Para akong tanga na pumapasok sa loob ng bahay habang malawak ang ngiti.

"Hoy!  Ate!  Gising.  Yung mukha mo banat na banat! "

"Bakit?  Bawal na ba ngumiti ngayon? " sagot ko

"Pwede naman pero ang bawal yung kiligin" napalingon ako sa kanya.

"Anong kiligin!  Hindi ako kinikilig no! " hinawakan ko ang nag iinit kong pisngi.

"Isarado mo yung gate pag katapos nilang ilagay yung mga bulaklak. " sabi ko tsaka mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko

Huehue!  Heartlaluu,  please wag kang
ganyan!  Baka lumabas ka dyan sa katawan ko sa sobrang pag wawala mo ahh. At kayong mga bulati sa tummy ko,  kakakain nyo pa lang ahh bakit kayo nag wawala? 

Putik naman kasing first move yan. Garden ang binigay sa akin. Haayy naku!  Matatapos ko pa kaya ang high school ko kung ngayon pa lang feeling ko mag kaka heart attack na ako?

-----------------------------------------
Hello everyone!  I'm back guys. Sorry talaga for a year na pag hihintay nyo sa pag update ng story. Pero dahil nga nakalimutan ko yung email ko hindi ko na sya mabuksan and thank God talaga na naalala ko na sya. Huehuehue.

Sana po patuloy nyong suportahan itong story ko. Sa inyo po ito nakasalalay.

Kailangan ko pala ng bagong name na idadagdag. So kung sino man ang may pinakamagandang comment ay sya po ang isasali ko.

P.s Maganda po kung nakakatouch at mahaba.  Hahahahha

Please Vote and Comment guysss.

ANG KAKLASE KONG MANYAKISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon