Chapter Two: New Friend
ALYANA's POV
"Good morning class! Siguro naman kilala nyo na ako mga dating Grade 9! At sa mga transferee ako si Nerissa Navaro and you can call me Ma'am Neri. At bago ang lahat sino dito ang transferee!" Nag taas ako ng kamay..
Tatlo kaming nagtaas ang kamay.
"Pakilala ang sarili sa harap please!" Sabi nung teacher namin. Haay ayoko nito ehh..
Unang nag pakilala yung galing sa private na transferee. Base sa itsura at pananalita nya ay matalino at galing sa magandang pamilya to.
Nung ako na ay ang lahat ay nag aabang sa sasabihin ko.
"Alyana Shane Garcia 16 years old from Sampaloc Manila.!"
"Bakit ka lumipat Alyana?"
"Family problem!" Tipid na sagot ko at hindi naman na sila nag tanong pa.
Nung natapos na mag paliwanag si Maam ay umalis na rin sya. Pinag mamasdan ko lang yung mga kaklase ko. Nakikiramdam ba. Ganto ba talaga dito? May pag ka probinsya kasi dito eh.
"Hi! I'm Monica and she's my best friend Yannie you can call her Yanyan!" Pakilala nung babae sa akin.
"Hi! I'm Yanyan!" Sabi nung Yanyan
"Hello!" Tipid na sagot ko. Natawa lang sila. Ano nakakatawa?
"Nakikita mo ba yung lalaking nakaupo dun sa likuran?!"
Tumingin ako dun sa lalaking sinasabi nila.
"Kapag nilapitan ka nyan lumayo ka ahh!" Sabi nung Monica
"Bakit?" Tanong ko.
"Hahaha kung ayaw mo lang naman mainlove sa kagwapuhan nya!" Sabi naman nung Yanyan tapos pinipigilan nilang tumili.
"Sya si Mark Anthony Perez ang dakilang man---" natahimik sila nung may lumapit na babae sa amin
"Yanyan at Monica ano nanaman ba yang kinukwento nyo tungkol sa boyfriend ko?" Sabi nung kaklase naming babae na kanina ko pa nakikitang nakapalupot kay Mark ata ang pangalan.
"Wala ka ng pake!" Sagot ni Monica at natatawa lang si Yanyan.
"Honney sila Yanyan at Monica inaaway nanaman ako ohh!" Malanding sumbong nya kay Mark. Natawa lang ang dalawa nung tinignan lang sya nito at bumalik na ang tingin nya sa cp nya. Pansin ko bakit ang dami nilang nag kukumpulan sa likod ni Mark? Puro lalaki tapos titig na titig? Nag lalaro siguro ng coc si Mark..
Umalis na yung babae at bumalik na sa pag pulupot kay Mark at pinatong nya yung ulo nya sa balikat ni Mark at pumikit..
"Ano bang ginagawa nila dun?!" Tanong ko.
"Nice question Alyana! Bubulong ko na lang sayo!" Sabi ni Yanyan at binulong nya sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya.
"Nagulat ka no?!" Tanong ni Monica.
Nag nod lang ako at napatingin ulit sa likod.
"Kaya kung ako sayo wag mo na syang lapitan!" Nalito naman ako sa sinabi ni Yanyan..
"Ha? Normal naman sa lalaki yung nanonood ng ganun ahh?" Tanong ko sa kanila.
"Normal nga! Ayon kasi sa aming sources ay ang lahat ng nagiging syota ni Mark ay nagagalaw nya!"
"Bakit nyo naman nalaman yan?!" Tanong ko.
"Eh kasi naging syota ni Mark yung source namin" at nagtawanan sila.
"Bakit nyo sinasabi sa akin to?!" Tanong ko sa kanila.
"Kasi parang interesado sayo si Mark!" Sabi ni Yanyan.
"So?" Tanong ko.
"Ayaw namin na kapag naging kayo ay wala pang isang araw ay buntis ka na at hindi ka na makakagraduate!" Sabay nilang sabi..
"Sa tingin nyo gagawin ko yun?!" Tanong ko sa kanila.
"Ayaw lang namin na hindi makakagraduate ang magiging kaibigan namin!" Sabi ni Monica
"So! Friends?!" Tanong ni Yanyan.
"Okay!" Sagot ko na kinatuwa nila.
Buti naman at may mga bago na agad akong kaibigan..
BINABASA MO ANG
ANG KAKLASE KONG MANYAKIS
RomancePaunawa: Ang istoryang ito ay hindi angkop sa mga malalaswa ang isipan. Ito ay may kalokohan, pero may kapupulutang aral. Ito ay walang halong kalaswaan... Pero maraming Kalolokohan. Maiinis... kikiligin.... at... Mapapaiyak...... . . . . . . . . sa...